KABANATA XV

1175 Words
Hindi matanggap ni Rico ang sinabi sa kanya ni Sirius ng gabing iyon. Narito siya ngayon sa isang bar at umiinom. Isang Linggo na silang hindi nagkikita ng kanyang kasintahan. Ilang Linggo na lang rin at iiwan na siya nito. Hindi iyon ang kanyang inaasahan. Naghahanda na nga siya para sa isang proposal kahit na one month palang sila ay gusto na niyang madaliin ang lahat. Ayaw na kasi niyang patagalin pa ang lahat at gusto niyang maikasal na rito. Ilang beses narin tumatawag sa kanya si Sirius ngunit hindi niya iyon sinasagot. Hanggang sa dumating nga ang araw na paalis ang dalaga ng bansa at tanging pamilya lamang ng binata ang naghatid sa kanya sa airport at ang kanyang bestfriend na si Carlo. Kasalukuyan rin kasing nasa Canada ang mga magulang ni Sirius at hinihintay lamang siya roon. Papasok na sana si Sirius sa departure area ng makita niya sa isang sulok si Rico na wala sa kaayusan na nakatingin lamang sa kanya at malamlam ang mga mata nito. Nakapamulsahan ito at nakasandal lamang sa pader. Dito ay hindi na napigilan ni Sirius na tunguhin ang kinaroroonan ng kanyang nobyo. Sa una ay marahan lamang itong naglalakad pero agad narin siyang napatakbo at bigla itong lumundag payakap sa binata. Dito niya pinaalpasan ang mga luhang gusto niyang ilabas kanina pa. Halos tatlong Linggo siyang tiniis ng nobyo. Tatlong Linggo rin siyang di nakatulog ng maayos sa kakaisip kung nasaan ito dahil hindi iyon umuuwe ng bahay nila at hindi rin nagrereport sa trabaho. Mahigpit na yakap naman ang hindi mapigilan ni Rico na ialay kay Sirius habang umiiyak ito. "Im sorry hon. I love you! I love you! I love you, always remember that please! " sambit ng labi ni Sirius na humihikbi. "Just f*****g two years hon please, just give me f*****g two years. Gusto ko lang maging buo ako sa larangan ng medisina please. Can you wait for me? After two year I promise na one year akong magpapahinga sa trabaho ko... promise wag ka ng magalit.... " pagsusumamo nito habang umiiyak. "My God honey... you know how much I love you too honey. Two years lang ha. Babalik ka sakin just make it sure honey! babalik ka sakin. " humagagulhol na sagot nito. "Yes ofcourse! Yes! I do! Thank you! " ani niya saka siya hinalikan ng mariin ni Rico na parang wala ng bukas. "Hoi lovebirds, tama na yan. PDA na kayo masyado! beshie, calling calling na, huling panawagan na po, maiiwan ka ng airplane. Wala pa naman akong baong langis from Mindoro para maitransform ka being manananggal! Go na! Ico, tama na ang halik! Di na kayo nahiya kay tito at tita noh! Harap harapan! " saway sa kanila ni Carlo. "It doesn't matter Carl. Proud naman ako sa dalawa. Go na hija! Mag-iingat ka doon ha. We gonna miss you! " sambit ng ina ni Rico. **** "Babe! " boses iyon ni Sirius sa kabilang linya na parang problemado. "Hmmmm! Kayo babe wala pa kayong anim na buwan na magkahiwalay eh halos problemado ka na. " puna nito. "Eh kasi one week ko na siyang di nakakausap. Di ko sya macontact babe. Pwede bang pacheck naman sa kanya. Nag-aalala lang ako. Si Charles kasi eh wala na sa company nila Rico. Sya na ngayon yung humahawak ng company nila Pia kaya wala na akong mapagtanungan. " sumbong nito. "Oh sige, para sayo eh gagawin ko okay! Magpahinga ka na babe. Alam kong pagod ka... I love you babe. " "Thank you. I love you too babe! Ang swerte ko talaga dahil you always there for me friend! " "Of course noh, nangako man ako o hindi kay sir Top, hinding hindi kita iiwan. Ganyan ako kasolid sayo babe! Best sisteret kaya kita! " Kinabukasan nga ay sinadya ni Carlo si Rico sa real state building nila at totoong nahirapan itong makapasok sa loob. Natiyempuhan lamang niya si Rico na naglalakad ito sa lobby at wari niya ay nagmamadali pa ito. "Rico! " tawag niya sa binata na nakatawag pansin naman sa kanya kaagad. "Carl! " bulalas nito. "Alam mo na siguro kong bakit ako narito. Hindi na ko magsasalita pa ng kung ano ano dahil matalino ka naman. " pagkawika noon ay sinabayan na nito ng alis. Dito na sinimulan ni Rico itipa ang kanyang phone upang tawagan si Sirius. Sa himig ng pananalita ni Carlo kanina ay nadama niya ang galit nito sa kanya. "Honey! " unang bigkas nito ng sagutin ni dalaga ang tawag. "Rico... Oh my God, alam mo bang nag-aalala na ako sayo!? How are you!? Baka naman pinababayaan mo na ang sarili mo hon? " sunod sunod na tanong nito. "I'm sorry hon. Naging busy lang ako this week dahil sa may hinahabol kaming due date ng project namin. I love you! " mabilis niyang wika. "Kung h-hindi man ako nakakapagleave sayo ng message please try to understand." mahinahon niyang pakiusap. Napabuntong hininga muna si Sirius bago sumagot. "I'll try hon. I miss you. " "I miss you more. I need to go now. I have a lunch meeting right now kasi. Late na ako. Bye na hon! " **** "Babe, nakuha ko na kay Geon yung pinapakuha mong dulong galing Mindoro, ano pang gusto mong pasalubong? Sabihin mo na hanggat may oras pa, kahit di na ako matutulog at bukas ay maaga pa ang flight ko. " "Kung pwede nga sanang ilagay mo sa bagahe mo si Rico babe ay tamang yun nalang ang hihilingin kong pasalubong eh! " mabilis niyang sagot. "Lahhhh!!!! Chop chop babe gusto mo!? Tumigil ka nga. Yang boyfriend mo paskong pasko di ka man lang puntahan diyan!!! Nga pala, ikinasal na pala si Megan pero hindi kay Monica friend sa Europe last two months pa, gusto ko lang ibalita sayo. Late ko naring nasagap dahil sa naging secret marriage daw umano. Kaya yung Monica ngayon ay nagwawala." "Oh my God... " bulalas ni Sirius. Bagamat hindi maikakaila at di sinasadyang makikitaan ito ni Carlo ng lungkot sa mukha ni Sirius. "May balita pa ako babe, nanganak na si Pia and its baby boy again!!! May second inaanak na tayo sa kanya! Malibog friend! Boy din ang kay Geon diba eh, kelan kaya ang girl!? " masaya nitong pagbabalita na nakapalis ng lungkot sa mukha ni Sirius. "Gawa tayo ng girl babe!? " biro nito. "Halahhh wag mo kong tutuksuhin at baka makalimutan kong bestfriend kita!? " sa sinabi noon ay tumawa sila ng sabay. "Halahhhh one year nalang naman babe, makakauwe narin ako dyan. Makikita ko narin ng mga inaanak natin. Ops by the way call you later nalang. Magka kanggarro pa ako sa bata ngayon eh. " "Hala oh sige na. Feel na feel mo ha! Ingat ka at sa instant mong anak. Kiss mo nalang ako kay Mira. " "Yeahhhh!!! " Ilan pang sandali ay inasikaso na ni Carlo ang kanyang mga dadalhin. May personal na pakay siya sa pagpunta ng Canada kung kayat pinili narin niyang magspend ng holiday sa kanyang matalik na kaibigan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD