Inis na inis si Valerie ng pagkarating niya sa dating opisina ng kanyang boss ay naroon si Monica at ang dating pekeng asawa ng kanyang boss na si Celine. Nadatnan niya sa lobby ang dalawang ito na kay aga aga ay daig pa ang mga Instik na inaabangan ang kanyang amo. Bagamat hindi nag-uusap ay panay ang talbugan ng dalawa sa pagandahan ng katawan na halos lumuwa na ang mga dibdib ng mga ito. Kung kaya't nakakaagaw na ng atensyon ang dalawa sa mga guest ng hotel lalo na sa mga kalalakihan. Narito siya upang kunin ang ibang mga documents na kailangan ng kanyang boss na pirmahan. Ito na ang magiging routine niya araw araw at wala naman itong problema sa sasakyan dahil may company car na ipinahiram sa kanya. Tuwang tuwa nga siya dahil simula ng lumipat sila ng kanyang boss sa bagong opisi

