MIGZ POV TINAPOS ko ng maaga ang trabahong ibinato sakin sa unang araw ko sa company na ibinigay sakin ni papa. Pinalipat ko narin si Valerie dito upang samahan ako. Nagulat pa nga ito at tuwang tuwa rin sa bago niyang table dahil mas naging classy raw ang cubicle niya. At ng malaman niyang nadagdagan ang trabaho niya ay napanganga siya. Tatlong company na kasi ang kailangan kong ihandle. Mas ikinagulat niya rin ng malaman niyang totoong ikinasal na ako sa pagkakataong ito gayung hindi parin niya nalalaman at nakikita ang asawa ko. Ang alam lang nito ay ang pangalan ng maganda kong asawa. "Done!? " bungad sakin ni papa matapos itong kumatok sa aking opisina at sinilip ako. "Yes pa! "maagap kong sagot. "Good! Iwasan mong late ng umalis ng opisina ha! Lagi mong ipriority ang asawa

