Kiel "Ngayon ang dating ng mga tauhan ko," pagbabalita ni Lucifer sa akin. Walang kaalam-alam ang Underworld Realm City na may malaking unos ang darating. "Good, early as I anticipated then." Tinungga ko na ang natitirang alak sa kopitang hawak habang nakatanaw ako sa buwan. Mamaya ay babalik na kami sa lugar kung saan unang nangyari ang Taetoku Great War. Sa pagbabalik namin do'n ay ang pagbabadya nang pagsiklab ng panibagong digmaan. "Tell Demon and Reaper to ready the weapons," kailangan madaliin ang digmaan upang malaman na kung sinong dugo ang dadanak sa makasalanang lupa ng Underworld Realm City. Abala si Secondus at Belial sa misyong ibinigay ko sa kanila at ngayon ang araw na dapat ay bumalik sila sa headquarters. "As you wish, Primo." Lucifer was gone then. Mag-isa na naman

