Kiel "Load the guns and sharpen your weapons. Taetoku Great War II will have its continuation Inferno." Ginawa kong normal ang boses ko. Ayaw kong mag-utos sa Inferno na basag ang boses at higit sa lahat ay ayaw kong kaawaan nila ako. 'Andito kami ngayon sa headquarters ng Inferno sa Pilipinas. " Primo," apila ni Belial pero matalim ko siyang tiningnan kaya yumukod na lang siya at pinagpatuloy ang ginagawa niyang pagbibilang ng mga armas. "Hindi tatabla sa akin ang titig mong 'yan Primo. Ako sa lahat ng tao, ang nangangailangan ng eksplenasyon mo." Napalingon ako at nasa likod ko na pala si Sin at Lucifer kanina. Seryoso ang mga mukha nila pero mababanaag sa mga mata nila ang kalituhan. Hindi ko sila masisisi. One time the Phoenix and Inferno were fine but now a war between two partie

