Luciana Nagsimula sa isang tugtog ng piano. Sinundan ng maraming pagsubok at inakala nating pareho na hanggang do'n lang tayo. Makalipas ang isang taon ay muli tayong pinagtagpo at tulad ng dati ay maraming pagsubok ang dumating. Mga pagsubok na hinubog ang ating mga paniniwala bilang isang indibidwal. At ang natutunan ko ay dalawang salita na wala sa akin dati. Ang pagsasakripisyo; Hindi lahat ng pangyayari sa ating buhay na inakala natin na masalimuot ay masama, na binigay 'to ng Maykapal para pahirapan tayo. Hindi. Binigay 'to para matuto tayo. Minsan ang pinakamasakit na pangyayari sa ating buhay ay nagiging lakas para harapin ang dadating pang mga unos ng ating buhay. At ang pagbitaw; Pinakamahirap ito, madaling sabihin at madaling isipin pero napakahirap gawin. Pero ang pagbit

