Kiel "If I will be born again, I want to meet you the second time around. And maybe, just maybe, it will be happy ever after." Patuloy na bumabalik ang katagang 'yon sa diwa ko. Ang mga katagang huling sinabi ni Luciana. Tandang tanda ko pa ang lahat ng nangyari sa araw na 'yon. Nasa bisig ko ang babaeng minahal ko, minamahal ko at mamahalin ko sa pang habang buhay. Nasa bisig ko siya at saksi ako sa pagkalagas ng buhay niya bawat segundo. Sa bawat segundong lumilipas ay ang sarili ko naman ang unti-unting namamatay. Wala akong masabi kundi tanging pangalan niya lang. Tanging pangalan niya lang. Nabigla ako sa lahat ng pangyayari dahil aminin ko man o hindi ay binibigyan ko lang siya ng sugat na alam kong kaya niyang tiisin. Ayoko siya mapuruhan. Gusto ko lang siyang mawalan ng m

