Tumatakbo sina Diego at Jessica sa isang direksyon na di nila alam. kapwa hingal na ang dalawa. kaya napag desisyonan na nilang tumigil.
sa di kalayuan ay may natanaw silang kotse. nilapitan nila ito at nakumpirma na kila Calvin ito.
agad silang sumakay sa kotse at nag maneho para makatakas sa demonyong lugar.
nag drive si Diego habang sa tabi naman ay si Jessica. nag hanap si Jessica ng pagkain sa kotse at may nahanap naman sya, nahanap nya din ang Cellphone ni Cheska. base sa orasan ng cellphone ay 9:38 pm na.
agad uminom si Jessica habang pinaaandar ni Diego ang sasakyan. nakabawi naman sya sa uhaw.
nang di mapaandar ay lumabas ng kotse si Diego at tinignan ang makina. may sira ang makina.
laking gulat ni Jessica ng pag bukas ni Diego ng pinto ay bigla itong lumuwa ng dugo.
"tumakbo ka na" sabi nito.
natamaan si Diego ng isang ligaw na bala. agad namang umalis si Jessica at tinahak ang kagubatan.
***
Hirap huminga si Cheska dahil sa nakatali sa kanyang leeg. agad namang dumako ang tingin nya sa kanyang kasama, si Calvin. kumakalas ito sa pagkakatali ng kamay hanggang sa maabot ang isang blade.
tinanggal ni Calvin ang pagkakatali sa kanya at sinunod ang kay Cheska.
huminga ng malalim si Cheska dahil marami ring hangin ang nawala sa kanya kanina.
nasa garage sila ng isang bahay. may nakitang isang baril si Calvin. agad din silang lumabas dahil wala ng tao ang lugar. hating gabi na rin. agad na nag punta ang magkaibigan sa parte ng gubat na madamo.
gumagapang sila sa damuhan hanggang sa may mabunggo silang isang bulto ng tao.
isang clown na nakangiti ang sumalubong sa kanila. agad na binaril ni Calvin ang lalaki, ngunit sumablay sya dahil sa kaba. sa pangalawang pag kakataon ay natamaan nya ito at humandusay sa malagong damuhan. nag tago ang mag kaibigan sa isang malaking puno ng may marinig na paparating.
***
Hilong hilo na si Beatrice sa ginagawa sa kanya ng nasa harap na demonyo. pilit nyang nilalabanan ang antok ng may isang putok ng baril ang nag ingay sa paligid, napatingin sya sa kung saan, ganon din ang lalaki, nasundan ito ng isa pang putok ngunit bigla syang hinampas muli at nag simula nang mag flashback ang lahat ng memorya nya.
"Tara mag bakasyon sa bahay namin sa probinsya" pag aya ni Louise sa kanyang tropa ngunit may dalawang di pumayag.
"ang kj nyo naman" sabi ni Beatrice kina Calvin at Cheska.
"magbabakasyon din kasi kami, pero pag di tuloy susunod kami" pangako ni Cheska.
"sige ah, maasahan yan" sabi naman ni Vanessa.
kahit kailan talaga, mag kaibigan sina Vanessa at Beatrice.
kumakain ngayon ang dalawa ng paborito nilang biscuit.
"alam mo? kambal tayo" sabi ni Vanessa kay Beatrice.
"Talag-"
di na natuloy ang ala ala ni Beatrice dahil tuluyan na syang nilamon ng kadiliman.
***
Yakap lang ni Max si Louise habang natutulog ito. kasalukuyan silang nasa abandonadong bahay malapit sa ilog.
pinagmamasdan nya lang ang kasintahan habang natutulog.
"Ayos lang ang lahat" bulong ni Max sa kasintahan.
agad syang tumayo at lumabas ng bahay. pinagmasdan ang paligid.
***
naka tago lang sina Calvin at Cheska ng nakita nila si Jessica na papalapit sa kanila. agad nilang hinila si Jessica ng tumapat ito sa punong kanilang pinagtataguan.
"shhh, kalma" bulong ni Cheska at agad namang kumalma ang dalaga.
"Cheska? Calvin? akala ko patay na kayo" sabi ni Jessica na hingal na hingal pa 'rin. "tumakas lang kami" sabi ni Calvin.
agad namang tumayo si Calvin, nag hahanap ng matutuluyan dahil hating gabi na din.
sumusunod lang si Jessica at Cheska kay Calvin na naghahanap ng pagsisilungan.
hanggang sa makakita si Calvin ng isang bahay malapit sa isang ilog, sa asta ng bahay alam na agad ni Calvin na abandonado ito.
agad silang pumasok sa loob at bumunggad sa kanila ang dalawang tao na natutulog, nilapitan ni Jessica ang dalawa at nakumpirma na sina Louise at Max iyon.
ginising nila ang mga kaibigan at bakas sa mata ng mga ito na antok pa.
***
"di ako pwedeng mamatay" bulong ni Diego sa kanyang sarili, halata na sa mukha nya na nasasaktan sya dahil sa balang nakabaon sa kanyang likuran.
"magbabayad ka Louise, dahil sayo kaya kami nagkakaganito" dugtong pa ni Diego.
gumagapang sya sa malungkot na daanan. umaasa na may dadaan at ililigtas sya.
tila dininig ang hiling nya ng may matanaw na isang kotse na papalapit sa kanya. agad syang umupo sa kalsada at kumaway kaway.
bigla itong huminto ilang milya ang layo sa kanya, silaw sya ng ilaw mula sa kotse kaya di nya makita kung sino ang nasa loob.
ramdam nyang biglang humarurot ang kotse at sinagasaan sya, dahilan para mag dilim ang paningin nya. unti unti na syang namamatay hanggang sa malagutan na sya ng hininga.
***
Nagising si Franz dahil sa ingay ng paligid na gawa ng isang chainsaw, ramdam pa 'rin nya ang sakit mula sa pagkakasaksak sa kanya. may isang kutsilyo ang nakabaon sa kanyang bungo, may roon din sa likod.
nakatali ang kanyang kamay sa isang kadena habang ang paa naman nya ay malayang naigagalaw. nakadapa sya sa isang mesa na may nakaukit na mga letra.
M & L
yoon ang nakalagay, may ideyang pumasok sa isip nya.
agad lumapit ang isang lalaki na may make-up na pang clown.
akmang aatakihin sya ng lalaki ng may biglang tumili. sinakop non ang buong lugar, nang galing ang tili mula sa labas at kilala nya kung sino iyon.
"Si Vanessa" bulong nya.
agad lumabas ang lalaking muntik nang kumitil sa buhay nya.
agad inabot ni Franz ang kutsilyo sa kanyang likod at tinanggal iyon sa pagkakabaon. napangiwi sya sa ginawa.
agad na tinanggal ni Franz ang kadena sa kanyang mga kamay at lumisan sa lugar. pag labas nya ng isang bahay ay nakita nya ang isang babaeng umagaw ng atensyon ng lahat. si Vanessa yon, di na nag aksaya pa ng panahon si Franz at umalis na.
tumutulo ang dugo nya sa daan, bawat hakbang nya ay may hapdi syang nararamdaman.
agad nag tungo si Franz sa bahay na kanilang tinutuluyan, umakyat sya ng kwarto at kinandado iyon.
kinuha nya ang camera at inumpisahang kuhanan ng video ang sarili.
"mamamatay na ako ano mang oras, nauubusan na ako ng dugo, gusto ko lang na sabihin, kung nagbabalak kayo pumunta sa lugar na ito, wag nyo na ituloy" sabi nya. sinave nya ang video at pinasa sa cellphone nya. in-upload nya ito sa social media dahil may kaunting signal sa lugar.
nag hanap sya ng pantakip sa sugat ngunit bigo sya, nagsimula na syang mahilo at nawalan na ng malay.
***
nang makalabas ng bahay si Vanessa ay napatili sya ng bumunggad ang mga tao, may hawak silang mga armas. pinag kumpulan sya ng mga tao, tinaga, sinaksak.
tumigil na ang pintig ng puso nya dahil sa nangyari, ramdam nya ang sakit ng pag tanggal ng kanyang organs bago sya malagutan ng hininga.
pinag aagawan ng mga taong bayan ang iba't ibang parte ng katawan ni Vanessa.
tuwang tuwa ang mga ito dahil sa marami silang pagkain sa darating ng pyesta. at ramdam nila na papabalik na ang bagong pinuno.
***
Tuluyang namatay ang ngiti ng mga tao ng mawala na ang kanilang pinuno, ang pinunong Martha.
ang kanilang munting bayan ay di sagrado at masaya nung nabubuhay pa ang kanilang pinuno.
mahal ng lahat ang pagiging payaso at mahikero, ngunit ng mawala ang kanilang pinuno ay nagkaroon ng sumpa ang naturang lugar.
tila ba nawala ang masasaya at magagandang ngiti, at napalitan ng marahas na pakikitungo sa mga taga labas.
unti unting namamatay ang dating saya sa loob ng mga taong bayan, kaylangan nila ng bagong pinuno, kaylangan nila ang apo ni Martha, si Louise.
—–———