buhat ng isang payaso si Franz habang hinihiga sa isang mesa sa gitna ng daan, pinapanood ng mga tao kung paano papatayin si Franz at ang kasunod ay ang pag pyesta nila sa katawan ng binata.
hawak ni Oscar ang isang matalim na palakol na ipangpupugot ng ulo ni Franz.
habang ang matandang Roberto naman ang nag handa ng pagsahod ng dugo.
nagbilang ang taong bayan at nang makarating ang pag bibilang sa tatlo ay pinugutan na ng ulo si Franz. nakasaksak pa'rin ang kutsilyo sa ulo nya.
ang timba na walang laman ay napuno ng dugo ng binata, tuwang tuwa ang mga tao sa nasasaksihan.
itinuhog nila ang ulo ni Franz sa isang matulis na kahoy. doon nila nilalagay lahat ng ulo ng kanilang nabibiktima.
***
sumikat na ang haring araw, at nasa abandonadong bahay pa'rin ang lima. nagugutom na ang ilan kaya't lumabas si Max para mag hanap.
lumipas ang oras at di pa rin nakakabalik ang binata. hanggang sa sumapit na ang alas dose, wala pa rin si Max.
si Calvin na ang nag hanap ng pagkain at may nakita naman itong iilang bunga ng mangga.
lumipas at lumipas ang oras, tahimik lang sila sa lugar ngunit di pa 'rin bumabalik si Max, hanggang sa maggabi nang muli.
di na nila kaya ang nangyayari, baka may makahanap na sa kanila doon kaya't lumisan na sila sa lugar ng hindi kasama si Max.
naglalakad sila sa isang madilim na gubat, di nila alam na may nagbabadyang panganib sa paligid.
sa isang puno ay may lumotaw na isang payaso. nakangiti ito at nagiisa.
mabilis silang tumakbo pero na kuha si Jessica, nag kahiwalay naman sina Louise at yung dalawa.
mag-isa nalang si Louise na nag lalakad, nag pahinga sya sa isang punong kahoy na nakabagsak.
ipinikit ni Louise ang sariling nga mata. unti unting bumabalik ang ala-ala niya rito sa munting bayan.
***
Naka-upo lang si Louise sa terrace, pinapanood ang mga bata na kaedaran lang niya, naglalaro ang mga ito.
sa edad na lima, palaging mag isang naglalaro si Louise. walang may gustong makipag laro sa kanya dahil malapit sya sa disgrasya. hawak ni Louise ang pilay na paa, habang pinag mamasdan ang kapwa mga bata.
unti-unti namang nawala ang mga ito dahil mag gagabi na.
tinawag na sya ng kanyang lola at naglakad ng paika-ika. minasahe ng kanyang lola ang kanyang paa na may pilay. medyo nasasaktan sya pero unti-unting gumiginhawa ang kanyang pakiramdam.
tumayo si Louise at dumeretso sa kanyang kwarto.
di muna natulog si Louise at nabasa muna ng munting libro ng bedtime stories.
iniisip ni Louise na isa din syang fairy dahil yoon ang kanyang binabasa. sa murang edad marunong na syang magbasa at magsulat.
habang nagbabasa ay umakyat ang kanyang lola sa kanyang kwarto, may dala itong gatas na ipaiinom sa kanyang apo.
binuksan ng matanda ang pintuan at pumasok na sa kwarto.
"apo, inumin mo na 'tong gatas" sabi ng matanda sa apo at agad naman nitong ininom.
pagkaalis ng matanda ay nag patuloy sa pag babasa si Louise. hindi na nya namalayan ang oras dahil tutok pa'rin sa binabasa.
nakatulog na ang lola nya kaya bumaba ulit sya para pumunta sa kanilang kusina. kumuha si Louise ng iilang biscuit.
umakyat syang muli at nagulat sya ng may kumakatok sa kanyang bintana.
binuksan nya ito at bumungad ang nakangiting lalaki.
"pwedeng pumasok?" tanong nito. nagdadalawang isip sya pero sa huli ay pumayag naman si Louise.
"ako nga pala si Maximiliano, ikaw si Louise di ba?" tanong ng bata. tumango naman sya bilang sagot.
"gusto mo bukas maglaro tayo sa labas? pwede tayong magkaibigan" sabi nito.
"si-sige" maikling sagot ni Louise.
agad namang umalis si Maximiliano at mula noon ay may kaibigan na si Louise.
kinaumagahan ay agad na lumabas si Louise, nag taka pa ang kanyang lola dahil ang alam nito ay di naman sya nakikipag laro sa iba.
kilala ang mag lola sa bayan dahil sila ang mga pinuno dito. ibig sabihin nasa dugo ni Louise ang pagiging pinuno at darating ang araw na sya naman ang hahawak sa bayan.
sinalubong ni Maximiliano si Louise sa playground. agad silang nag laro at naulit yon kinabukasan.
papaalis na sana si Louise ng bigla syang tawagin ng kanyang lola.
"Louise, apo!" pagtawag sa kanya ng lola. "bakit po lola?" tanong ni Louise ng makalapit sa lola.
"may nahanap ka na bang kaibigan?" ngiting tanong ng kanyang lola. tumango naman sya bilang sagot.
"ay ay ay ang apo ko" tuwang tuwa ang kanyang lola. "babae o lalaki?" tanong ulit nito. "lalaki po" sagot nya. "malapit ng umibig ang aking apo" sigaw ng kanyang lola at nagdiriwang na.
"tawagin mo sya at dito mag tanghalian" sabi ng kanyang lola.
agad nang umalis si Louise at pinuntahan na si Maximiliano sa palaruan.
naglalaro lang sila ng mapansin ni Louise na magtatanghalian na kaya inaya na nya ito sa kanilang bahay.
pag dating sa bahay ay handa na ang pagkain. pinaupo na sila ng kanyang lola. nag simula na rin silang kumain.
nag tanong si Martha sa batang si Maximiliano ng kung ano-anong bagay.
"sino ang mga magulang mo bata?" magalang na tanong ni Martha.
"Si Roman po at Alora" sagot naman ng bata.
"anak ka pala ng isang payaso, magaling" tuwang tuwa naman ang matanda.
"ilang taon ka na?"
"pitong taon po"
"balak mo bang maging asawa ang apo ko pag dating ng panahon?" tanong ng matanda.
"lola ano po yung asawa?" tanong ni Louise. "ang mama at papa mo, sila mag asawa" sabi ng lola nya. "at kapag may asawa ka, bubuo kayo ng pamilya at mamumuhay ng masaya" dugtong nito.
"pero bago ka magkapamilya, gusto ko sa mabuting lalaki ka mapupunta" sabi pa ulit ng matanda.
"mabuti nalang at kilala ko ang magulang mo, at may tiwala ako sayo" sabi pang muli.
nagpatuloy na ulit sila sa pagkain at pag kayari ay naglarong muli sa labas.
"Louise?"
"bakit?"
"Mahal mo ba ako?"
"oo, kasi kaibigan kita"
walang kamuwang muwang ang batang Louise na ang lalaking nasa harap nya ay umiibig na sa kanya, sa murang edad ang akala nila ay natural na ito kaya ng maghiwalay ay sumunod si Maximiliano kay Louise at hanggang ngayon ay magkasama ng di alam ni Louise.
***
Matagal na din tinago ni Max ang nakaraan kay Louise. sobrang umiibig sya rito.
nakita nya itong tumatakbo at agad naman nya itong sinundan at hinanap, ng mahanap ay agad nya itong pinuntahan.
hinawakan nya ito sa balikat at nagulat pa ito ng makita sya.
agad syang niyakap ni Louise.
"Saan ka ba nag punta?" naiiyak na tanong ni Louise.
"nakabantay ako sayo lagi, wag ka mag alala" sabi ni Max.
***
Mag isa nalang si Cheska dahil na abutan sila ng payaso at nanglaban si Calvin. nasawi si Calvin sa laban.
bitbit ng payaso ang bangkay ni Calvin at bumalik sa bayan. katulad ng inaasahan naka hilera na ang mga napatay nila.
nasa kalsada lang at nakahandusay.
ang bangkay ni Margaret, Diego, Franz, Emman, Beatrice at Vanessa.
bagamat nakatakas si Jessica sa payaso kanina kaya hanggang ngayon ay buhay sya.
pinagtabi tabi nila ang mga bangkay. tuwang tuwa ang mga tao sa nakikita. di nila kinakain ang mga bangkay pero kinukuha nila ang mga laman nito para sa pag aalay.
naka silip lang si Cheska sa munting bayan ng may biglang humampas sa kanyang ulo na dahilan para bumagsak sya sa sahig.
sinama na din ang katawan ni Cheska sa mga bangkay at doon pinagtatataga at sinaksak sa ulo, nawalan na din sya ng hininga dahil don.
————