Chapter 46-Nagkaayos Mike's Pov “Oh! Baby, maaga pa; bakit gising ka?” "Daddy, nagugutom na po ako." Sabay lapit ng prinsipe. Nagulat ako ng kinausap nila ako. "Eh kasi hindi ka kumain," sabi ni Princess sa kan'ya. "Busog na ako." "Prince kasi, inubos mo ‘yong ice cream kasi matakaw ka." Nang-aasar na sila. Napatingin sila sa akin. Niyakap ko sila at umiyak. "Baby, I'm sorry for everything. Sana mapatawad niyo ko. Matagal ko na kayong gustong makausap, pero hindi ko magawa," sabi ko sa mga anak ko. Nataranta ang kakambal ko at nakasimangot. "Daddy, anong ginagawa mo po? Bakit ka sa amin lumuluhod?" tanong sa'kin ni Prince. "Nagkasala ako sa inyo. Alam kong galit kayo sa akin." "Daddy kasi po, may mahal kang iba! Hindi mo po kami mahal ni Prince." Napatingin ako kay kay P

