Chapter 48-Propose Cherry's Pov “Kasalanan mo; Hindi kita mapapatawad kapag nawala sila. Buong araw silang wala." Sumunod lang sa’kin si Mike. “Kanina pa natin hinahanap ang mga bata! Sumagot kayo." Naiiyak na ako. Hindi ko alam ang gagawin ko, sila lang ang meron ako, tapos nawawala ang mga anak ko. Nakatingin lang sa akin si Mike. "Baby, where are you? Nandito si mommy. Baby, bumalik kna kayo. Wag kayong magbiro kay Mommy. Mahal na mahal ko kayo di ba?” Para akong sirang plaka na naglalakad at kinakausap ang sarili ko baka marinig ng mga anak ko. "Hahanapin natin sila." Hinarap ko siya. "Kanina pa tayo hindi natin mahanap." Sinuntok ko si Mike. “Kasalanan mo kung hindi mo kami dinala rito, dahil alam mong may kakaiba dito sa gubat na ito. Paano kung nahuli sila ng halimaw? Al

