Chapter 38-Problema Bea's Pov “Wala pa rin si Kuya Mike; baka kung saan siya nagpunta?“ Sabi ko sa kanila. “Hayaan muna natin siya Bea. Baka kailangan niyang mapag-isa sa maraming problema niya," sabi ni Mariz sa amin. Nilingon ko si Mariz; alam niya ang pinagdaanan ni Kuya hanggang ngayon, at nalilito ako na may anak na si Kuya. “Teka lang, John, naguguluhan kami sa nangyayari." Sabay lapit ni George sa amin. Nakatingin lang sila kay John. "Sino ‘yong kanina mga bata? Anak ba ni Kuya Mike?" tanong ko sa kaniya. "Oo anak ni Mike ang kambal," mahinang sabi ni Mariz. "May anak na si Kuya. Bakit hindi man lang niya sinabi sa amin? Bakit kailangan niyang itago? Pamangkin ko din siya. Kaya naman nung nakita ko ang gaan, naramdaman ko na sila, lalo na yung batang lalaki nakita ko kay

