Chapter 4-Bahay kubo
Mike's Pov
"Mike, kanina ka pa di mapakali," sabi ni George habang lumalapit sa akin.
Tama siya. May ibang tao talaga dito—puro babae pa. Tapos 'yung isa, ang taray. Tinulungan ko na nga, tinarayan pa ako.
"May nakita ako kanina," mahinang sabi ko sa kanya. Tinitigan niya ako.
"Halimaw? 'Yun ba nakita mo?" tanong niya.
"May nakita akong tao," sagot ko. Naguluhan siya at tumingin sa akin, tapos bigla siyang tumawa.
Seryoso akong nakatitig sa kanya. Hindi ko alam kung anong nakakatawa, pero ito na nga ba sinasabi ko—minsan talaga, ibang klase ang utak nitong si George.
"Anong, naniniwala ka ba na may ibang tao dito? I told you!" ani George. Paulit-ulit niyang sinasabi na may narinig daw siya. Pero paano kami maniniwala kung siya lang ang nakarinig?
"Tama ka diyan!" sabi ko.
"Sigurado ka?" sabay lapit sa amin ni Ray. Nagkatinginan kami ni George. Tsismis din 'to.
"Oo, mga babae. Nakita ko sila... pero may isa na iba talaga," sabi ko sa kanila.
"Nag-usap ba kayo?" tanong ni George sabay tawa.
Tinignan ko siya ng masama.
"Makakausap ba siya ng maayos? Ang sungit kaya."
"Anong pangalan niya?" tanong nila habang natatawa.
"Hindi ko na nga siya natanong. Umalis agad. Sobrang taray."
"Pero maganda?"
Napatingin ako kay George.
"Kung maganda siya, maganda siya." Tawang-tawa pa sila.
"'Yung mataray, maganda ba talaga?"
"Bakit ba ang kulit niyo?" inis kong sagot. "Oo na, ang ganda niya."
Pag-amin ko 'yun sa kanila. Sa totoo lang, natulala talaga ako noong una ko siyang makita. Parang diyosa. Simple lang ang suot niya, pero lutang na lutang ang ganda, lalo na 'yung seryosong mukha niya—magkasalubong pa ang kilay.
"Type mo!" biro ni George.
Inis ko siyang binatukan. "Gago. Lagi siyang nakakunot ang noo!"
"Hindi kaya siya 'yon? 'Yung nakita ko?" seryosong sabi ni George.
Napatingin kaming lahat sa kanya.
"Si George lang siguro ang makakatulong sa atin na subaybayan ang halimaw," sabi ni Ray.
Napaisip ako. Imposibleng 'yun nga. Kung nakita niya 'yung halimaw, malamang tumakbo na siya, o baka nakita niya 'yung isa sa mga biktima.
"May kasama ba siya?" tanong ni George.
"May napansin ka ba?" sigaw sa akin ni Rod habang papalapit kami.
"Oh my God! May bahay!" sabi ni Jhun, sabay hila sa amin. Lumapit ako sa pintuan para tingnan kung may tao. Kumatok ako.
"Wala," sabi ko.
Biglang binuksan ni John ang pinto.
"Ano ka ba? Paano kung may tao lang na ayaw sumagot?" inis kong tanong. Pero tuloy-tuloy pa rin siya.
"Walang tao. Pasok na tayo."
Pumasok kami at tiningnan ang loob ng bahay. Simple pero kumpleto. Parang sinadyang itayo para sa matitirhan.
"Ang ganda ng bahay. Kahit maliit lang, maayos. Sino kaya may-ari nito?" tanong ko.
"Oo nga. Pati mga gamit, magaganda," sabi ni Emz habang hinahawak-hawakan ang sirang flower vase.
"Pero sayang, parang walang titira. Ang laki ng ginastos," dagdag niya.
"Sino namang matino ang magpapatayo ng bahay sa gitna ng gubat?" tanong ni George.
"Baka ginawa lang itong hangout spot," sabi ni Rod.
Nakinig lang ako sa usapan nila habang iniikot ang bahay.
"Oo nga, Rod. Ang galing mo talaga," ani George.
"Yabang mo," sabay hampas ni Emz.
“Oh Mike, saan ka pupunta?” tanong ni John.
“Sa labas. Magpahinga na lang kayo,” sabi ko at tumalikod. Di ko na hinintay ang sagot niya.
"Napansin mo ba? Tahimik si Mike," ani Ray.
"Baka iniisip niya 'yung babaeng nakita niya," sabay tawa pa sila.
Gago, narinig ko sila. Nagpapahinga lang ako sa gilid.
"Tinamaan ata ‘to sa babae," ani George.
"Anong babae?" sabay tanong ni Emz at Rod—tsismosa rin.
"Nakakita daw siya ng diyosa," sabi ni George.
"You mean... in love?" ani Rod.
"Ang hina mo, Rod. Mukha ngang in love," sabat ni George.
"Magtanong tayo?"
"Gago ka, Emz. Gusto mong sipain ka ni Mike?" sabay tawa ni John.
“Pero totoo ba, in love siya? Baka iniisip niya lang ang ex niya.”
“Alam naman natin, hanggang ngayon, hindi pa rin siya makamove on.”
“Tama ka, Rod. Kaya nga dapat suportahan natin siya,” sabi ni Emz.
“Para makaalis na siya sa past niya,” dagdag ni Jhun, lakas ng boses, parang sinasadya. Narinig ko na naman.
Pagpasok ko, biglang natahimik ang mga loko. Tinignan ko sila isa-isa.
"Kung magsasalita kayo, lakasan niyo na lang para di ko marinig," sarkastiko kong sabi. Nakakatawa mukha nila.
"Narinig mo pala? Sayang, sana nilakasan pa namin," sabi ni John.
“Matulog na tayo,” sabi ko.
“We'll talk later. Don’t worry, hindi mo na maririnig,” sabat ni George.
Tinignan ko siya ng masama. Sarap sipain. Nakakainis talaga. Sana hindi ko na lang sinabi sa kanila.
“Kung ayaw niyong matulog, matutulog na ako,” sabi ko. Kumuha ako ng unan at dumiretso sa pinakadulo ng sofa. Ayoko nang pumasok sa kuwarto—baka abuso pa sila. Humiga lang ako at pinikit ang mata. Bahala na sila.