WARNING!! MATURE CONTENT!! Alaric Kaakit akit talaga ang asawa ko, hindi ko alam kung paano ko na rin ito susuyuin. Pero ngayong nakasuot siya ng pang seksi na pantulog, ibig bang sabihin non ay bati na kami? Ang lahat ng anticipation ko na akala ko ay sign na hindi na siya galit ay naglahong bigla ng irapan niya ako. Hawak nito ang kanyang phone at naglalaro na naman ng kung ano. Ang ingay ingay pa naman nito at ang lakas ng volume kaya naman rinig na rinig ko kapag natatalo o nananalo siya. “Victory!” ang narinig kong sound ng nilalaro niya. Ibig sabihin ay tapos na ito. “Baby,” ang bati ko dito sabay sampa sa kama. Nakita kong nangunot ang nosebridge niya, siguro ay dahil sa amoy alak ako. “Lumayo ka sa akin Alaric.” “Ayaw ko, baby.” ang sabi ko naman. Dala na rin siguro ng nainom

