Chapter 4

1149 Words
Nagpatuloy ang buhay ko kaya nga lang school-bahay, bahay-school na lang ang routine ko ngayon dahil wala na akong trabaho. Talagang nagresign na ako sa lahat ng part time jobs ko dahil gusto nila mommy Alaina at lola Margarita na mag focus na lang ako sa pag-aaral ko. Sayang daw ang talino ko kung maaabala ang pag-aaral ko. Isang linggo ang matuling lumipas at nakatanggap na naman ako ng tawag mula kay Alaric. Hindi ko alam kung bakit sobrang galit niya sa akin eh hindi naman ako ang pumilit sa kanya na magpakasal kami. Hindi na siguro magbabago iyon dahil sadyang iba na ang tingin niya sa akin. Hindi na maaalis sa sarado nyang kukute na ako ang naging dahilan ng pagkakatali niya sa akin. “Sign here,” ang simangot na sabi niya ng makaupo na ako sa harapan niya. Hindi na niya ako pinapunta sa office niya at nagkita na lang kami sa isang mamahaling restaurant. Pero bago iyon ay siniguro ko muna sa kanya kung kakain ba kami o hindi dahil knowing him, sigurado ako na gugutumin niya lang ako, at hindi nga ako nagkamali dahil sabihan ba naman ako na kakain siya malay daw niya sa akin. So ayun, pinaghintay ko na lang siya dahil kumain muna ako ng lunch. Tinignan ko ang mga pinapipirmahan niya at nakita kong may pirma na rin siya. Kaya naman agad na akong nag-sign pagkatapos kong basahin ang nilalaman na marriage application lang pala at ilang mga kakailanganin para sa kasal namin. Tapos ay may inabot pa itong isang folder na kinuha ko naman din at binasa. Contract naman iyon ng divorce namin kung sakali. Nakalagay doon na whoever file for a divorce will get nothing from our marriage. Meaning kung makipaghiwalay ako sa kanya ay hindi ako pwedeng maghabol sa pera niya. Ayos lang naman sa akin iyon, once na makagraduate na ako at makakuha ng maayos na trabaho ay magiging OK din ang lahat. Masipag naman ako at hindi ako ang tipo ng tao na umaasa sa bigay. Pinirmahan ko na rin dahil fair naman ang lahat. Hindi ako dehado at hindi ko na rin maiwasan ang matuwa sa kanya dahil nilagyan din niya ng siguro para sa kanya ay maliit lang pero para sa akin ay sobrang laki na compensation daw iyon. “Did you read it well?” ang tanong niya at tumango naman ako. “You have nothing against it?” ang tanong niya. “Yeah, it seems fair to me. Nilagyan mo pa nga ng compensation na dapat ay wala eh. So OK lang, mukhang hindi na ako maghihirap kapag naghiwalay na tayo dahil sa compensation na yan.” “And you are sure na ikaw talaga ang makikipaghiwalay?” ang tanong niya. “So, para sayo pala ang compensation na yan?” ang tanong ko din. Hindi siya nakasagot kaya naman nagpatuloy na ako, “Pinagbigyan ko na lang din si Lola Margarita. Bata pa ako at marami pa ang pwedeng mangyari. Pero kahit ganito ang marriage natin ay sisikapin kong magawa ang ibang bagay na dapat gawin ng isang may bahay. Huwag ka nga lang umasa na eksakto sa lahat.” “I don’t expect you to do that. Basta huwag mo akong pakialaman sa mga gawain ko.” ang sabi naman nito. “Deal.” ang sagot ko sabay tayo. “Where are you going?” ang tanong nito. “Aalis na, alam ko namang hindi mo ako pakakainin kaya kumain na ako bago pumunta dito. Hindi ko kayang bayaran ang pagkain dito at wala ako sa mood maghugas ng pinggan kapag hindi mo binayaran ang kakainin ko.” “You’re thinking the worst in me.” “I am being realistic. I don’t think kaya kong ibigay sayo or gawin ang nakita kong tagpo sa office mo kaya hindi ko rin inaasahan na may mapagkakasunduan tayong bagay. So, babush!” tapos ay turn around bright eyes na ang peg ko. Hindi ko na siya hinintay na makapag salita. Lumipas pa ang isang linggo at nadatnan ko nanaman ang driver ni Alaric sa aming bahay. Ano kayang ginagawa nito dito? “Good afternoon po, Ma’am.” ang bati nito. “Bakit hindi ho kayo pumasok?” ang tanong ko naman. “Papasok na po ako ulit, may inilagay lang po ako sa compartment ng sasakyan.” ang sagot naman niya. Napatango ako at pumasok na ng bahay kasunod niya. “Nay, aalis kayo?” ang tanong ko ng makita ko ang bag na nakapatong sa maliit naming sofa. “Nandyan ka na pala anak.” ang sabi ni nanay, “Mga gamit mo yan, pinapasundo ka na ng asawa mo.” ang dagdag pa niya. “Ano? Eh wala pa naman siyang sinasabi sa akin eh.” tapos ay tumingin ako sa driver. “Utos po ni Sir, na kuhanin ko na po ang mga gamit nyo.” ang sagot ng driver na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam ang pangalan. Tsaka ko na lang aalamin dahil pinag-iinit na naman ng matandang si Alaric ang bumbunan ko. Hindi ko alam kung ako ba ang matanda o siya eh. Kinuha ko ang aking phone at tinawagan siya. “Why? Make it quick dahil may gagawin pa ako.” ang sabi agad nito. May gagawin pa eh no.. Lokohin niya ang lelong niyang panot. Baka sabihin niya eh tinatrabaho pa siya ng babae nya na malamang ay nagwoworship sa kanya habang nakaluhod. “Bakit kailangang kunin ang mga gamit ko?” “Didn’t the driver tell you already?” “Hindi ba dapat ay ikaw ang nagsabi sa akin para nasabi ko sa nanay?” “Pareho din iyon.” “Hindi pareho iyon.” “Hindi ba pwedeng sundin mo na lang? Naghihintay na sila Grandma at Mom sa bahay.” at ginamit na ng herodes and dalawang matanda. “Next time, if it was related to us sabihin mo muna sa akin. Huwag kang paladesisyon. Kapag ako ang gumawa nyan sayo ay sigurado akong hindi mo rin magugustuhan.” ang sagot ko sabay end ng call. Kung telepono talaga ang gamit ko ay binagsak ko ng malakas para sumakit ang tenga niya. Kaso mo cell phone ang gamit ko. Humarap ako sa driver at nginitiin ito bago ako humarap sa nanay ko. “Paano nay, pinapasundo na ako ng hukluban, ikaw na muna ang bahala dito at kay Lola.” “Ano ka bang bata ka, natural. Tsaka huwag masyadong high blood anak at baka mauna ka pang mategi sa huklubang sinasabi mo, gusto ko pa ng mga apong kasing ganda mo at kasing gwapo ng manugang ko.” “Nay!” ang nasabi ko dito at tatawa tawa naman na ito. Hindi ko malaman kung bakit nakuha pa nitong magbiro ng ganun. Kalurkey ang mudra ko, ang bata bata ko pa eh gusto na agad akong malosyang!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD