Chapter 5

1401 Words
Ako na ngayon si Jessa Mallari Navarro. Ang taray.. Tunog donya! Feel na feel ko sana kung kahit papaano ay magkasundo kami ng matandang Alaric. Ang kaso mo ay hindi. May isang buwan na akong nakatira sa bahay niya at as in ay nagsasama na kami. May mga araw na hindi siya umuuwi pero Ok lang naman sa akin dahil nagiging kumportable ako at nasusuot ko ang pangtulog na gusto ko. Kaya nga lang ay sa kwarto na din siya natutulog kapag dumarating ito. Hindi naman sa ayaw ko pero parang ganun na nga. Hindi ako natatakot na baka may gawin siyang milagro sa akin dahil mukhang wala naman siyang pagnanasa talaga sa akin dahil kapag nagigising ako ay ang mukha niyang simangot ang sumasalubong sa akin. Kagaya ngayon, “Bakit ba ganyan ang mukha mo sa umaga? Hindi ba pwedeng iligpit mo na lang ang sarili mo kapag ididilat ko ang mga mata ko at ng hindi nasisira ang napakaganda sanang umaga ko?” “What are you talking about? Anong iligpit ang pinagsasasabi mo?” ang tanong naman nito. Sabagay mayaman, hindi alam ang lengguwahe naming mga mahihirap. “Ang ibig kong sabihin, kung hindi mo kayang salubungin ang umaga ng may ngiti sa mga labi eh bakit hindi mo subukang huwag humarap sa akin para naman hindi ako madamay sa umaga mong sira.” “I would like to remind you that this is my house and you have no right–” “Hep, hep, hep..” ang putol ko sa sinasabi niya. “I have all the right to complaint about how you look. Asawa mo ako at may karapan din ako sa bahay na ito. Basic.” Napangisi ito sabay lapit sa akin ng dahan dahan, bigla tuloy akong kinabahan. “I didn’t think na sayo pa manggagaling ang salitang asawa. Ni ayaw kong isipin ang bagay na yan, Jessa. Kaya huwag mong ipagdikdikan sa akin.” ang sabi nito sabay tigil sa harapan ko, at dahan dahan niyang inilapit ang kanyang mukha sa mukha ko. Mataas siyang di hamak sa akin kaya naman nakatingala ako sa kanya at pakiramdam ko ay any time pwedeng mabali ang leeg ko.. Nang may ilang inches na lang ang layo ng aming mga mukha sa isa’t isa ay bigla itong tumigil at ngumisi kaya naman natakpan ko ang aking bibig dahil baka bigla niya akong halikan, “Huwag kang ambisyosa, hindi kita hahalikan. Kaya ako simangot sa umaga paggising ko ay nakikita ko ang bakas ng pagtulo ng laway mo at naaamoy ko ang mabaho mong hininga.” tapos ay tinalikuran na niya ako. Para akong ipinako sa kinatatayuan ko. Mabaho ang hininga ko? Tulo laway ako matulog? Parang hindi naman! Bigla akong nahiya na din sa sarili ko at inamoy ko na rin ang hininga ko. Hindi naman sobrang baho. Tolerable naman ang amoy, dapat pala ay hindi ko tinakpan ang bibig ko kanina at hiningahan ko pa siya lalo. Eh siya kaya ano kaya ang amoy ng hininga niya sa umaga, parang same lang din naman. Tse! Nagpunta na ako sa bathroom at naligo, ewan ko kung pupunta siya sa kanyang munting opisina or what bahala siya sa buhay niya. Need ko ng mag prepare para sa school. Ang sosyal ko na nga rin pala dahil may driver ng naghahatid sundo sa akin. Taray talaga… Feeling fresh dahil nagtoothbrush na ako at kinuskos na ang dapat kuskusin at masaya na akong lumabas ng bathroom ng nakatapis lang ng tuwalya. Napakapit ako ng mahigpit sa towel dahil nakita ko si Alaric at napatingin ito sa akin. Nakita kong hinagod niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa. Ano kaya ang masasabi ng hukluban? “The way you acted akala mo naman ay may gagawin ako sayo. Jessa Mallari Navarro, kahit maghubad ka sa harapan ko ay hindi kita pagnanasaan.” Sa inis ko ay tinitigan ko siya ng masama at sinabi, “Sigurado ka? Kahit tanggalin ko ang towel na ito na nakabalot sa akin?” ang tanong ko at nakita kong naningkit ang kanyang mga mata. Tapos ay ngumiti ako sa kanya ng ubod tamis, “Kaya lang wala din akong balak ipakita sayo ang itinatagu tago ko dahil para lang ito sa lalaking mahal ko.” sabay talikod sa kanya. “Kung gugustuhin ko ay makukuha at makukuha ko ang itinatago mo, Jessa. Huwag kang masyadong pakasiguro dahil hindi mo pa naman naranasan ang mapaligaya ko.” ang bulong niya na halos dumikit na ang kanyang mga labi sa punong tainga ko, ng pigilan niya akong pumasok sa walk-in closet. Kinilabutan ako na parang may mainit na kung anong gumapang mula sa puson ko papunta sa dulo ng aking mamink mink na jingle bell. Umigtad ako para makawala sa kanya ngunit hindi niya hinayaang mangyari iyon. Bagkus ay hinila pa niya ako palapit at hindi ko inaasahan ang kanyang sumunod na ginawa. Nanlalaki ang aking mga mata at kitang kita kong nakatingin din siya sa akin habang magkadikit ang aming mga labi. Tapos naramdaman kong pumulupot na ang kanyang mga kamay sa bewang ko sa likod dahil sa pag-atras ko ng aking upper body upang makalayo sa kanya. Ngunit parang epoxy ang mga laway namin dahil sa sobrang pagkakahinang ng aming mga labi at ganun na lang ulit ang panlalaki at pandidilat ng mga mata ko ng maramdaman kong sipsipin pa niya ang aking upper at lower lips na akala mo ay sumisipsip na sanggol sa s**o ng nanay niya! “Now, I got your first kiss.” ang sabi nito bago ako tuluyang binitawan na kung hindi niya lang dahan dahan na ginawa din ay malamang sa sahig ako pupulutin. Nang matauhan ako ay bigla akong nanakbo sa bathroom at alam kong nakasunod siya sa akin ng tingin pero bahala siya. Kinuha ko ang mouthwash at talaga namang nagmumog ako ng husto. Hindi pa ako nakuntento at kukuhanin ko pa sana ang toothbrush at toothpaste ko kaya lang ay pinigilan na niya ako. “Are you sure hindi ka magbibihis muna?” ang tanong nito na nasa likuran ko na at nakikita ko sa salamin ang paraan niya ng pagkakatingin sa dibdib ko. Sasagot na sana ako ng bigla niyang idinikit ang sarili niya sa likod ko habang magkahinang ang aming paningin sa harap ng salamin. Naramdaman ko din ang kanyang mga kamay sa magkabila kong balakang at narealize kong may tumutusok na sa lower back ko. Pulang pula ang pisngi ko dahil alam na alam ko kung ano yon. “Base on your reaction, narealize mo ng hindi acorn ang nakita mo sa office ko, right?” Haharap sana ako dito para sigawan ito at magprotesta kaya lang naisip ko ang sitwasyon ko. Nakatapis lang ako ng tuwalya na gusto na yatang bumigay din na parang tuhod ko at higit sa lahat baka kung saan pa tumusok ang acorn niyang daks ay magwala na ang isipan ko. “Be thankful na nag-aaral ka pa, dahil kung hindi, nakuha ko na ang sinasabi mong nakalaan lang para sa lalaking mahal mo.” Ano naman ang kinalaman ng pag-aaral ko sa kadumihan ng utak niya? “You’re clueless?” ang tanong nito na akala mo ay nababasa ang nasa isip ko. “I don’t like using condom. Gusto ko ma feel mo ang kabuuan ko kapag binaon ko na sayo ng husto ito.” ang sabi pa niya before he grinded his length behind me na para bang tinutukso ako. Hindi pwede ang ganito kailangang may masabi ako sa kanya, kung hindi ay ako ang matatalo. Pero bago pa ako makaisip ng ibabanat sa kanya ay bumalik na ang matigas ng itsura nito sabay sabing, ‘Now get out!” tapos ay itinulak na ako palabas ng bathroom. Gigil, galit at inis ang nararamdaman ko dahil sa pagkapahiya sa aking sarili. At some point ay parang nagustuhan ko ang pang-aakit niya. Dali dali akong nagpunta sa walk-in closet para magbihis, pero bago iyon ay kailangan ko munang tuyuin ang mamasa masa ko ng pussycat doll. Buti na lang at may tissue na siya kong ginamit na pamunas. Tapos ay nagbihis na ako. Hindi ko na siya hinintay pa at hindi na rin ako nag breakfast dahil baka kung ano nanaman ang gawin nito. Sa school na lang ako maghapon at uuwi lang kapag matutulog na. Hindi pwedeng magkita at magpanagpo kami sa bahay. No pwede!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD