bc

Nineveh

book_age16+
3
FOLLOW
1K
READ
second chance
comedy
twisted
deity
moonlight
moon goddness
like
intro-logo
Blurb

Theia never had a boyfriend in her whole life. She doesn't want to die a virgin.

After a plane crash to Babylon, Theia saw her self in an island with a mysterious man, named Aku. Aku decided to be her pretend boyfriend in pursuit of her "ma-experience ang mga never ko pang na-experience".

Theia has been rescued but she can't find the whereabouts of Aku. Not until she saw an artifact connected to Aku's identity.

Will they ever see each other again?

chap-preview
Free preview
A Man's Island
Ramdam ko ang bilang pag-alog ng eroplano na aking sinasakyan. "Mayday! Mayday! Mayday! East wing is on fire!" sigaw ng piloto mula sa kaniyang speaker na nagpataranta sa lahat ng pasahero. Susko myday lang alam ko! Maawa't mahabag! Sa taranta ko ay napadasal na lang ako kay Lord. "Lord, 'wag mo namang hayaan na dito ako mamatay. Please... wala pa po akong nagiging jowa. Hindi ko man lang naranasan na makipagholding hands at makipaglaplapan. 'Wag mo naman pong hayaan na mamatay akong virgin. Please po." Mahinang bulong ko habang magkalapat ang aking mga palad. Isang malakas na pagsabog ang narinig ko bago ako tuluyang mawalan ng malay. Pagkadilat ng aking mata ay tumambad sa akin ang nakakasilaw na liwanag. "Miss, ayos ka lang?" tanong sa akin ng isang lalaki na hindi ko alam ang pagkakakilanlan. "Nasa ospital ba 'ko?" balik kong tanong sa kaniya. Hindi pa gaanong nakakaadjust ang mata ko sa linawag kaya inalalayan ko ang aking sarili upang makaupo. Kinapa ko ang kinahihigan ko. Matigas, maliliit, magaspang, bahagyang nakakakiliti sa pakiramdam—BUHANGIN?! Napatingin ako sa estrangherong lalaki. "Sino ka?! Nasaan ako?!" sumisigaw na 'ko at natataranta. Hindi naman maaaring nasa... "Wait... Nasa langit na ba ako?" hesterikal na tanong ko sa kaniya. "Ano sa tingin mo?" pilyong sagot nito saka binalutan ng tela ang braso kong nagdudugo na hindi ko man lang napansin. Tinignan ko ang buong paligid. Wow! Sobrang ganda! Tirik na tirik ang sikat ng araw, punong-puno ng mga halaman ang paligid, at napapaligiran kami ng isang napakalawak na kulay bughaw na tubig. "Nasaan ako?" tanong kong muli sa kaniya. "Ano sa tingin mo?" sagot nito na may mapang-asar na mga ngiti. Aba! Hinahamon ako ng lalaki na 'to ah. Ngunit bago ko pa ito masagot ng aking super-saiyan-rebuttal technique ay nagsalita itong muli. "Kung makikita mo nasa isa kang isla." Lumapit ito sa akin nang sobrang lapit, ramdam ko na ang paglabas ng hangin mula sa kaniyang ilong. "Hm, hindi ka naman nabulag ah. Bakit tinatanong mo pa 'ko?" pang-iinis nito saka lumayo. "Oo, hindi ako bulag. Kitang-kita ko nga kapangitan mo eh." Inis na sagot ko sa kaniya. "Talaga lang ha? Pangit pa ba 'ko niyan sa paningin mo?" tugon nito. Sobrang lapit na naman ng mukha niya sa akin, konting lapit pa at magtatama na ang ilong naming dalawa. Napaatras naman ako dahil sa biglaan niyang paglapit. Umiwas ako sa kaniya nang tingin at luminga-linga sa paligid. Naaninag ko ang isang sirang eroplano sa may 'di kalayuan at isang karatulang kahoy na may na kasulat na 'Nineveh'. "Sumunod ka sa 'kin." Utos niya matapos niyang ayusin ang kaniyang mga gamit. "For your information, FYI! Hindi ako basta-basta sumusunod sa mga lalaki. Mamaya kung ano panggawin mo sa 'kin. Hmp!" Sagot ko sa kaniya. Totoo naman kasi. Sino bang ogag susunod na lang bigla sa isang stranger? Malay ko ba kung sino siya. Mamaya kasama pala siya sa mga pumapatay sa Wrong Turn eh. Imbis na sagutin ako ay hinila niya ako sa aking braso papasok sa gubat. "Ano ba bitawan mo nga ako! Bitawan mo 'ko, Mr. Wrong Turn!" pagpupumiglas ko sa kaniya. "Mr. Wrong Turn?" tinignan niya ako nang tingin nagtataka. Pumasok siya sa loob ng isang maliit na bahay na gawa sa pinagtagpi-tagping mga tuyo't na sanga ng puno at mga punong-kahoy. Lumabas siyang muli at hinila ako papasok sa loob. "Ano ban—" napatigil ako sa sasabihin ko nang makita ko ang loob ng bahay. Mas magulo pa dito kaysa sa kwarto ko na hindi ko nililinis ng halos isang linggo. "'Yan kumain ka." Bigkas niya pagkatapos niyang iabot sa akin ang isang bilao na may lamang iba't ibang uri ng prutas. "Sigurado ka bang malinis 'to? Baka mamaya may gayuma 'to ha." panghihinala ko sa kaniya. "Grabe ka ding mag-isip 'no? Masyadong malawak." natatawa nitong bigkas saka umiling-iling. Pagkatapos kong kumain ay lumabas muna ako upang tignan ang lugar kung saan bumagsak ang eroplano. Nangalap ako ng ilang mga gamit, buti na lamang at nakakita ako ng ilang pagkain. Pagkabalik ko ay nakita ko ang estrangherong lalaki na nagkikiskis ng bato sa may pangpang. Naalala ko na hindi ko nga pala naitanong ang kaniyang pangalan. "Anong ginagawa mo?" tanong ko sa kaniya saka naupo sa kaniyang tabi. "Apoy" maikli niyang sagot.  "Naks naman. Kaya mong gumawa ng apoy gamit ang bato?" manghang tanong ko sa kaniya. "Hindi ba halata?" mapang-asar na tugon niya. Hmp! Siya na nga pinupuri siya pa masungit. "Ano 'yan?" tanong niya saka ngumuso sa mga dala ko. "Ahh, nakuha ko lang dun, baka lang kailanganin ko." Sagot ko sa kaniya. "Mukhang kailangan mo nga ng pagkain kahit kakakain mo lang." uyam na tugon niya sa akin. Hindi ko na lang siya pinansin. Palubog na ang araw. Iniisip ko pa din kung nasaan ako at kung may magliligtas ba sa amin dito. "Ako nga pala si Theia" nakangiting pagpapakilala ko sa kaniya saka ko inilahad ang aking kamay upang makipag-handshake. "Aku." Sagot niya saka tinanggap ang kamay ko. "Aku ang pangalan mo? Wow, never heard. So, gaano ka na katagal dito? Bakit parang hindi ka na ri-rescue?" pagtatanong ko sa kaniya. Tuluyan ng dumilim ang paligid at tanging ang apoy lamang sa aming harapan ang nagsisilbing liwanag. "Matagal-tagal na rin ako dito." Sagot niya. Bigla akong kinilabutan sa sinabi niya. Naisip ko na maaaring hindi din ako masaklolo dito. Baka dito na din ako tumira tulad niya. Nooo! Pero pwede na din kasi gwapo naman siya — pero no pa din! "'Wag kang mag-alala ma-rerescue ka din agad dito" pag-aalo niya sa akin. "Wow, coming from you 'yan ha." Sarkastikong tugon ko. Nagpalipas lang kami ng gabi sa harap ng nagbabagang apoy at sa ilalim ng nagniningningang mga bituin. "Bakit Aku ang pinangalan sa'yo ng magulang mo?" pabasag ko sa katahimikang namamagitan sa amin. "Ikaw, bakit Theia ang pinangalan sa'yo?" balik na tanong niya. "Hm, sabi kasi ng mama ko pinaglihi niya daw ako sa araw kaya ipinangalan niya 'ko sa goddess of light na si Theia. Weird 'no? Pero alam mo kung anong mas weird? Kamukha ko talaga siya." Kwento ko sa kaniya. Bahagya itong natawa sa sinabi ko na tila ba hindi ito naniniwala. "Totoo 'yun! Nagtatrabaho kasi ako bilang isang art restorer — alam mo 'yun, we restore ancient artworks. Isa sa mga nakuha naming ancient painting sa Greece ang painting ni Theia. Actually, papunta ako dapat ngayon sa Babylon para iayos ang nakuhang painting ng mga archaeologist friends ko. Kaso... as you can see, imbis na nasa Babylon ako ay nandito ako." Mahabang litanya ko. "Never ko pa yatang narinig ang art restorer. Baka nagsisinungaling ka lang ha." Natatawang sagot nito. "Hindi ah! Sige kapag na-rescue na tayo dito, isasama kita sa Babylon. Ipapakita ko sa'yo ang magic na ginagawa naming mga art restorer. We're like time machines, you know. Akalain mo 'yun? Yung mga makalumang bagay ay nadadala namin sa future, at the same time dinadala din kami nito sa nakaraan. Madaming tao ang gustong makalimot sa nakaraan, pero kaming mga art restorer — we search for it! Dahil para sa akin ang past ay mayroong connection sa present at future natin." Mahabang pagpapaliwanag ko sa kaniya. Tumango-tango naman siya na tila ba sumasang-ayon sa mga sinasabi 'ko. "Paano kung hindi ka na makaalis dito?" seryosong tanong niya sa akin. "Grabe 'wag ka namang manakot. Hindi ko pa na-eexperience lahat ng gusto kong maexperience." Sagot ko sa kaniya. "Ano bang gusto mong maexperience?" tanong niyang muli sa akin. "Hm, madami actually. Pero never ko pang naexperience magkaboyfriend kaya hindi ko pa nararanasang makipagholding hands, makipaghalikan sa dilim, and gumawa lang ng kung ano-anong mga simpleng bagay kasama siya." Palagi kong iniisip kung kailan ako magkakaboyfriend. Sa dalampu't limang taon na paninirahan ko sa Earth ay hindi man lang ako biniyayaan ni Lord ng isang jowa — kahit isa lang! Damot eh. "You mean ganito?" tanong niya saka hinawakan ang kamay ko. "Hoy! Anong ginagawa mo?" gulat na tanong ko sa kaniya. Pilit kong hinahablot ang kamay ko ngunit ayaw niya itong pakawalan. "Sabi mo gusto mo 'tong maexperience, 'di ba?" tugon niya saka ngumiti na mapanloko. "Hindi ko naman sinabin na sa'yo ko gustong maexperience!" sigaw ko sa kaniya. Imbis na sagutin ako pabalik ay tumingala na lang siya sa langit. Hawak pa din niya ang kamay ko. Hindi ko akalain na makakaramdam ako ng warmth sa taong hindi ko naman kilala. Ang paghahawak-kamay namin ay nagbibigay sa akin ng butterflies sa t'yan. Tila may isang boltahe ng kuryente na dumadaloy sa magkadikit naming mga palad. Never pa akong nakahawak ng ganito katagal sa kamay ng isang lalaki. Ganito pala ang pakiramdam, ang hirap na hindi mapakali. Tumayo siya at hinatak ako patayo. Nagsimula kaming maglakad sa gilid ng pangpang. Ramdam ko ang pagtama nang mahihinang alon sa aking paanan. "Sigurado akong never mo pang naexperience 'to." Ani niya saka ngumiti. Ngayon ko lang napansin ang itsura niya. Kahit tanging buwan lang ang nagbibigay liwanag upang makita ko siya ay nakikita ko pa din ang kagwapuhan niya. Tinitigan ko ang mga mata niya, nagniningning ito gaya ng mga bituin. Makikita mo dito ang repleksyon ng magandang paligid. "Ano? Naiinlove ka na ba sa 'kin?" tanong niya nang makita niya na nakatingin ako sa kaniya. "H-ha? H-hindi 'n-noh! Assuming." Utal na sagot ko. Natawa naman siya dahil sa inakto ko. Bakit naman kasi may pautal-utal effect ka pang dila ka? Pagkatapos naming maglakad-lakad ay bumalik na kami sa loob ng pinagtagpi-tagpi niyang bahay. Dahil sa ginawa naming paglalakad ay napansin ko na maliit lang ang isla na ito. Hindi siya gaya ng mga isla na napuntahan ko. Kaya mo itong ikutin sa loob ng isang araw. "D'yan ka muna mahiga." Bigkas niya pagkatapos maglatag ng tuyong dahon ng saging sa sahig. "Sigurado ka ba sa sinasabi mo? Ako mahihiga d'yan? No way!" pagtutol ko sa kaniya. Never pa 'kong nahiga sa ganiyan. Sana man lang may banig 'no? Saka hindi 'yan kasama sa mga gusto kong maexperience, duh? "Sige, saan mo gustong matulog? Sa dagat?" piosopo niyang sagot sa akin. Hindi na 'ko nakatutol dahil wala naman na akong ibang choice, kaya nahiga na lang ako kahit labag sa kalooban ko. "Ikaw, saan ka matutulog?" tanong ko sa kaniya dahil sakto lang sa akin ang space na may dahon. "Sa labas na lang muna ako. Baka may dumating na rescue team habang natutulog ka. 'Wag kang mag-alala hindi kita iiwan dito. Matulog ka na lang muna d'yan at mapahinga." Sagot niya saka lumabas ng bahay. Hindi na ako umapila. Nakatulog din agad ako dahil marahil sa pagod. Pagkagising ko ay nakarinig ako ng ilang huni ng mga ibon. Lumabas ako ng bahay upang hanapin si Aku, dahil baka iniwan na niya talaga 'ko at nagparescue na lang na mag-isa. Pagkalabas ko ay nagulat ako nang makita ko itong nakatopless at nagsisibak ng kahoy. "Bakit wala kang damit?!" sigaw na tanong ko sa kaniya saka itinakip ang aking kamay sa aking mata. Lumapit ito sa akin at hinawakan ang aking mga kamay dahilan upang mawala ang takip sa mata ko. "Never ka na ulit makakakita ng ganitong klaseng abs kaya 'wag ka nang magtakip. Namnamin mo na lang lahat ng nakikita mo." Bigkas niya saka siya ngumisi. Pagkatapos niyang magsibak ng kahoy ay inihaw niya ang mga nahuli niyang isda. Naisip ko na parang expert na siya sa mga ginagawa niya, gaano na kaya siya katagal dito? "Bilisan mo d'yang kumain. May gagawin tayo pagkatapos mo." Pahayag nito. "Ano 'yun?" agad kong tanong sa kaniya. "Ano pa ba? E 'di 'yung mga bagay na hindi mo pa na-eexperience." Sagot nito saka ngumisi. "Hoy! Hindi ko 'yon gustong gawin kung kani-kanino lang ha!" sinigawan ko siya at tinignan ng masama. Sa tingin niya ba makikipagsex ako sa kaniya? No way! Para lang sa asawa ko ang virginity ko. "Ha? Ano bang iniisip mo? Grabe ang dumi mo naman mag-isip. Nilulumot na ba 'yang utak mo?" tawang-tawa siya, hawak pa niya ang kaniyang abs — este tiyan habang tumatawa. Nang matapos na akong kumain ay hinila niya ako papunta sa dalampasigan. "Hoy!! Anong ginagawa mo?!" sigaw ko ng bigla niyang alisin ang damit pangtaas ko. "Bakit ba lagi mong tinatanong ang mga bagay na obvious naman? Tss." Sagot niya. "Bakit mo ba kasi hinuhubad damit ko? Pwede namang ako na lang gumawa n'on eh." Sagot ko saka hinubad ang aking shorts. Huhubarin ko pa sana ang aking bra ng bigla siyang tumawa nang malakas. "Bakit ka tumatawa?" inis na tanong ko. May saltik na ba 'tong lalaki na 'to? Napasukan ba ng uod sa utak? "Sinong may sabing tanggalin mo lahat ng suot mo?" bigkas niya sa gitna ng kaniyang pagtawa. "Ha? Di kita maintindihan." Nalilito na ako sa mga pinagagawa ng letcheng lalaki na 'to. Pasalamat ka talaga may itsura ka ha. "Magsi-swimming lang tayo. Ano ba namang klaseng imahinasyon ang meron ka?" Hinawakan niya ang kamay ko at hinila papunta sa tubig-dagat. "Hindi ako marunong lumangoy." Pagpigil ko sa kaniya, ngunit hinatak niya pa din ako. "Pwes ako marunong." Hindi masyadong maalon sa dagat na ito. Kalmado lang tubig. Pino din ang mga buhangin na natatapakan ko. "Tama na! Hindi ko na abot 'yung sahig!" protesta ko sa kaniya. Imbis na sagutin ako ay hinila niya ang aking baywang palapit sa kaniya. Ipinulupot niya ang mga braso ko sa kaniyang leeg. Sobrang lapit ng aming katawan sa isa't isa at kitang-kita ko kung gaano kaamo ang kaniyang mukha, na hindi ko napansin noong una kaming nagkita. Mas maaliwalas siyang tignan kapag nasisinagan siya ng araw. At nababalot naman siya ng misteryo tuwing nasisinagan siya ng buwan. "Hahawakan kita tap—" hindi na niya natuloy ang kaniyang sasabihin nang makita niya ang pagkakatitig ko. Hindi ko din alam ngunit may kakaibang puwersa na namamagitan sa aming dalawa. Tinignan ko ang mapula niyang labi, inisip ko kung gaano iyon kalambot at kung ano ang pakiramdam na mahalikan iyon. Sabi nila, pinakasensetive daw na parte ng ating katawan ang labi. Tinignan kong muli ang kaniyang mga mata. Sobrang lalim ng pagtingin nito at tila hinihigop ako. "Sorry.." bigkas ko bago siya halikan. Nagtama ang aming mga labi. Sa lahat ng bagay na dinampian ng aking labi ay masasabi ko na ito ang pinakamalambot. Hindi ko alam kung anong klase ang ginagawa kong paghalik dahil hindi naman ako sanay ngunit tila ba may kusa itong pag-iisip na kahit wala pa akong karanasan ay kumikilos siya ng sabay sa agos at halik ni Aku. Pinagsaluhan namin ang ilang minutong tamis at lalim na paghalik. ══════⊰✾⊱⊰✾⊱══════ "Hm, kamusta?" tanong sa akin ni Aku, saka naupo sa aking tabi. Kasalukyan kaming nakaupo ngayon sa punong-kahoy sa tapat ng isang nagbabagang-apoy. Madilim na rin ang paligid at nagsusulputan na ilang mga bituin. "O-okay lang" utal na sagot ko. Bakit kasi hinalikan mo Theia? Hayok na hayok na ba? Nanatili ang katahimikan sa aming dalawa, walang nagsasalita. Kinuha ko ang kamay niya at sinulatan ito. Nagdrawing ako ng buwan sa kaniyang palapulsuan. "Buwan?" "Yep, sa 'kin naman ay araw." Ani ko saka nagsimulang ukitan ang aking palapulsuan. "Ako na" bigkas niya saka kinuha ang ballpen sa aking kamay. Nagdrawing ito ng araw at alon sa aking pulso. Tinigan ko ang masterpiece namin at napangiti. Masasabi ko na napaka-unfortunate ng pangyayari na 'to, but at the same time napaka-fortunate din. Dahil nakilala ko si Aku. "Nakahanda na ang higaan mo sa loob. Matulog ka muna." Pahayag niya. Nginitian ko siya bago ako tumayo at pumunta sa loob ng bahay. Ngunit bago pa man ako makalayo ay hinila ako ni Aku palapit sa kaniya saka niya ako niyakap. "Siguro hindi mo pa din ito na-eexperience" ani niya saka tumawa, natawa na lang din ako sa sinabi niya. Pagkakalas ng kaniyang yakap ay hinalikan niya ako sa noo. "Goodnight, Theia." Paalam nito. "Goodnight din, Aku." Sagot ko naman saka ngumiti. Naglakad na ako patungo sa loob ng bahay nang bigla akong makaramdam ng p*******t ng ulo. Lumingo ako pabalik at nakita ko si Aku, dumilim ang paligid at tuluyan na akong bumagsak at mawalan ng malay. Pagkadilat ng aking mata ay tumambad sa akin ang nakakasilaw na liwanag. "Miss, ayos ka lang?" tanong sa akin ng isang lalaki na hindi ko alam ang pagkakakilanlan. "Nasa ospital ba 'ko?" balik kong tanong sa kaniya. Hindi pa gaanong nakakaadjust ang mata ko sa linawag kaya inalalayan ko ang aking sarili upang makaupo. Kinapa ko ang kinahihigan ko. Malambot, tela — "N-nasa o-ospital ako?" tanong kong muli sa lalaki. "Opo, kasalukuyan po naming ginagamot ang iyong mga sugat bunga ng plane crash. Kayo lang po ang nag-iisang survivor, napakaswerte niyo po." Ngumiti ito saka chineck ang vitals ko. "M-mag-isa? W-what do you mean? Wala ba akong kasamang lalaki?" nalilitong tanong ko sa kaniya. "Hm.. wala po. Ikaw lang po ang nag-iisang na-rescue." Sagot nito. "S-sigurado ka ba? M-may lalaki akong kasama. Matangkad siya, tapos may abs. Maganda din ang mata niya saka malabot ang labi niya." Tanong kong muli sa kaniya at inilarawan ang itsura ni Aku. Natawa ang lalaking nurse sa akin at sinabing "Baka nananaginip lang po kayo, miss." Pagkatapos ay umalis. Nananaginip? No.. Ramdam ko. Ramdam ko na totoo ang lahat ng iyon. Hindi ako maaaring magkamali. Tinignan ko ang aking pulso at nakita ko ang araw at alon na nakaukit dito. Pagkatapos ng isang buwan ay nadischarge na din ako sa ospital. Hinahanap ko pa din ang whereabouts ni Aku. Ngunit wala akong mahanap na kahit ano. Tinanong ko ang rescue team kung nakita ba nila si Aku ngunit palagi nilang sinasabi na hindi. Tinry ko ding ipaulit ang search for rescue ngunit wala pa din. Sinabi din nila sa akin na na-rescue nila ako sa Socotra Island. "Buti nakabalik ka na." bati sa akin ni Mitchel pagkapasok ko sa museum. Siya ang archaeologist na kaibigan ko. "Na-recover niyo na ba lahat ng artifact from Babylon?" tanong ko sa kaniya. "Yes, ma'am. May isang painting doon na kailangan ng magic mo." Biro niya. Pumunta kami sa loob ng museum at nakita ko ang mga artifact na nakuha nila. Sobrang gaganda nito. Mayroong Babylonian clay tablet kung saan nakatala ang earliest total solar eclipse. Kung hindi dahil sa mga sinaunang tao, hindi natin malalaman kung kailan ang susunod na eclipse. "May solar eclipse daw ngayong araw." Bigkas ni Mitchel habang hinahalungkat ang mga artifacts. "Oh, ito 'yung painting. I-restore mo 'yan ha. Kailangan na namin 'yan bukas. Ilagay mo na lang 'yan doon sa bakanteng glass frame na 'yon." Dagdag nito saka ako iniwang mag-isa sa loob ng museum. Hindi naman malaki ang sira ng painting na ito kaya magiging mabilis lang ang proseso. Nang matapos ko na itong ayusin ay tinignan ko ang aking masterpiece. Masterpiece ito ng mga tao noon, pero dahil sa ginagawa naming mga art restorer ay nagiging masterpiece na din namin ito. Parang, we take part kung bakit nananatili pa din ang artwork nila sa kasalukuyan. Sila ang artist habang kami naman ang nagpi-preserve ng kanilang art. "Perfect!" naglakad na ako papunta sa glass frame at iniligay ito doon. Binasa ko ang maikling inscription sa baba nito. "Nineveh Island, a full moon island. It is a mysterious island that only appears every full moon and eclipse. No one comes back after going there. It became mysterious because of its mystifying appearance and the undaunted mystery it holds." Nineveh.. I think nakita ko na siya somewhere. "Aku..." Nanlaki ang aking mata at tinignan kong muli ang painting. Doon ko nakita ang isla kung saan nakita ko si Aku. Nakita ko sa painting na 'yon ang itsura ni Aku. "Aku, the god of the moon of Babylon." Dali-dali akong lumabas ng museum at nagrent ng bangka papunta sa Nineveh. "Totoo ang hinala ko, na hindi panaginip ang lahat nang nakita't naranasan ko. At sisiguraduhin kong hindi." Nang makarating ako sa pangpang ay agad kong pinuntahan ang bahay ni Aku. "Aku.." mahinang bulong ko nang makita ko siya. Sinalubong ko siya ng isang mahigpit na yakap. "Akala ko talaga hindi ka totoo" naiiyak kong tugon sa kaniya. Kumalas siya sa pagkakayakap sa akin. "Ibang klase rin talaga imahinasyon mo." Natatawang sagot niya. "Ngayon hindi na kita pakakawalan pa." seryosong dagdag niya saka ako hinalikan. Nagsalo kami ng halik sa ilalim ng duyog ng araw at buwan. [static sound] "Balita ngayon sa isang museo sa Babylonia. Isang babae ang natagpuang patay matapos nitong magbigti sa harap ng isang kwadradong larawan ng isang isla." [static sound fading] "Hindi na kita pakakawalan, at hindi ka na makakawala."

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

ARREST ME IN YOUR HEART Mr.Sergeant

read
4.4K
bc

The Cold Billionaire

read
17.9M
bc

Journey with My Daughter

read
1.2M
bc

De Silva's Temptation

read
22.7M
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
32.3K
bc

Chasing his Former Wife- (Montreal Property 2nd gen.)

read
106.9K
bc

THE YOUNGEST GENERAL: DEANZ XANDER MONTEMAYOR (TAGALOG)

read
114.4K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook