Nagmamadaling bumalik siya sa loob ng palengke lakas ng kabog ng dibdib niya. Bakit ganoon na lang ang pakiramdam niya sa muling pagtatagpo nila ni Nigel.
Simple lang suot nito naka white shirt at maong short. Pero bakit hindi sila magkahawig ng nanay nito. Siguro sa Ama namana ang kaguwapohan at kulay ng balat. Kayumanggi si Ma'am Carina at maputi naman si Nigel. Hindi siya makapaniwala nung una pero ng makita niya, kung paano pagalitan ito na parang pangaral lang ng Ina para sa anak.
Anong trabaho ni Nigel bakit nung gabing niligtas siya naka tuxedo ito at black shoes. Napansin niya rin may mga tauhan ito nakasunod sa kanila sa kotse at Boss ang tawag ng driver dito. Muntikan pa nga hindi niya makilala dahil simpleng suot nito na parang ordenaryong tao lang.
Akala pa nga niya may-ari ito ng malaking company. Sumasakit ulo niya sa pag iisip bakit pakiramdam niya may tinatago Nigel na hindi ipaalam kahit ang ina nito walang alam sa mga pinagagawa ng Binata. Baka isa itong Drug Lord, oh my god...
Saglit umikot ang paningin niya ng bumangga siya sa pader.
"Aray ko!" Nasapo niya ang ulong tumama sa pader.
"Miss okay ka lang, sorry hindi kita napansin.." Pag-aalala ng isang lalaking lumapit sa kaniya para alalayan siyang makatayo.
"Sorry.. talaga hindi kita napansin." Malumanay nito sabi. Malalaki ang mga kamay nito, at mataba ang muscles sa braso. Malalapad ang dibdib malamang sa dibdib nito siya tumama pero bakit ang tigas naman yata.
"Miss... Kailangan na ba kita dalhin sa hospital?" Agad siyang umiling at tumingin sa mukha ng lalaki sigurado siyang gwapo din ito.
"Hindi, okay lang ako... medyo nahilo lang ako." Sabi niya matapos makita ang buong mukha ng lalaki. Napaawang ang bibig niya ng makita ang etsura nito. Gwapo ito at matangkad rin, may abs at makinis. Sana all lahat ng gwapo makinis. Pero gwapo pa rin si Alexander.
"Ako nga pala si Carl Mondragon." Nakangiting pakilala sa kaniya ng lalaki.
"Loisa..." Nahihiyang pakilala niya. Hindi niya tinanggap ang pakipagkamay ni Carl marumi kasi ang kamay niya hindi pa siya nakapaghugas mula kanina.
Nahiyang binaba ni Carl ang kamay ng dedmahin niya. "Sigurado ka ba okay ka lang?" May malasakit na tanong sa kaniya ng lalaki. Nakakailang ang mga tingin nito sa kaniya parang hinuhubaran na siya.
"Oo, salamat. Sige na.. maiwan na kita." Nagmamadali siyang umalis dahil sa nararamdaman niyang hindi maganda sa lalaki.
"Okay, ingat ka.. pwide ba tayo mag- kaibigan." Pahabol na sabi sa kaniya.
"Pwide naman.. kaya lang hindi ako sumasama sa hindi kilala." Agad niya sabi.
"Okay lang, magkikita pa naman tayo..." Makahulugang sabi nito sa kaniya.
"Ha?" Takang napakunot- noo siya. Pero ngumisi lang ito at tumalikod na sa kaniya ang lalaki. Nagtataka naman siyang lumakad na pabalik sa puwesto. Magtataka sa kaniya si Anna kung bakit ang tagal niyang nakabalik.
Nang malapit na siya sa puwesto inayos niya muna ang sarili, ayaw niya mag- aalala ito. Lalo na si Nanay baka atakihin ito sa puso, kapag nakita ang magulo niyang buhok. Kumaway sa kaniya si Anna ng makita siyang palapit malaki ang ngiti nito.
"Ate, mabuti naman at nakabalik kana. Alam mo ba naubos lahat ng gulay natin. Ang laking ng pinagtindahan natin ate... may pambaon na ako bukas at pambili ng project sa school." Masayang balita sa kaniya ni Anna. Natutuwa naman siyang naubos ang gulay na paninda nila.
"Ganon ba? Salamat naman sa Dios kung ganoon. Hindi na natin kailangan iuwi pabalik at matutuwa si Tatay kapag nalaman niyang naubos ang mga gulay natin paninda." May tuwa sa kaniyang boses.
"Sinabi mo pa Ate." Hinanap ng mga mata niya ang Ina.
"Umalis saglit si Nanay bumili ng mauulam natin mamaya para hindi na maabala. Magsasara na lang tayo ng tindahan habang wala pa siya." Tumango lang siya at naupo muna sa bakanting upuan. Sandali niyang hinihilamos ang sariling mukha sa mga palad niya.
Humugot siya ng malalim na hininga. Narinig iyon ni Anna. "Ang lalim non ah?" Abala ito sa pagbibilang ng kanilang kita.
"Bakit may problema ba Ate?" Umiwas siya kaagad ng tingin sa kapatid. Kinuha niya sa mga kamay ni Anna ang pera at binilang niya ulit ito.
Umabot ng dalawang libo ang pinagtindahan nila. Kung ganito lang sana araw araw ang kita nila hindi sila maghihikahos sa buhay. Makapag- aral pa siya kahit high school lang pero hindi eh. Laging kinakapos..
"Dalawang libo... sana ganito araw araw." Sabi niya.
"Sana nga Ate, pero hayaan mo Ate kapag nakapagtapos na ako. Hindi muna ako mag- aaral sa koliheyo magtatrabaho muna ako para makatulong sa inyo ni Tatay." Agad naman siyang umiling at humarap sa bunso.
"Hindi pwide.. tama na si Ate ang hindi mag- aral. Magkokoliheyo ka naitindihan mo ba?" Walang nagawa ito ang tumango saka niyakap siya ni bunso.
"Salamat, Ate. Pagbutihan ko po ang pag- aaral." Naluluhang sabi nito sa kaniya. Pinunasan niya ito gamit ang mga daliri niya.
"At wala munang boyfriend hanggang hindi nakatapos." Laging paalala niya sa kapatid.
"Oo, naman po.." Nakangiting sagot sa kaniya ni Anna.
"Oh, sige. Tama na ang drama maglipit na tayo. Sa labas na natin hintayin si Nanay." Tumango naman ito sa kaniya at nag umpisa ng magligpit.
Nang maisara ang tindahan sa labas ng tindahan sila naghihintay sa Nanay. Pero kinakabahan na siya ng hindi pa rin ito bumalik.
"Bakit wala pa si Nanay?" Nag-aalalang napatingin siya kay Anna.
"Hindi ko alam Ate, dapat nandito na si Nanay, eh."
"Dito ka lang puntahan ko si Nanay hahanapin ko baka sumabit lang tsismisan kaya ang tagal." Lumakad na siya. Malakas ang kaba niya sa dibdib.
"Sige, Ate. Balik kayo agad baka maabotan tayo ng dilim sa daan." Napaurong ang mga tuhod niya ng marinig ang dilim. Bumalik sa alaala niya lahat. Nanginig ang buong kalamnan niya pero pilit niyang nilalabanan ang takot kailangan niya mahanap si Nanay bago magdilim.
"Huwag kayong lalapit papatayin ko itong babae?"
"Jepoy, boi.. huwag kang magtago sa likod ng babae."
"Anak... maawa ka sa akin. Huwag mo akong patayin." Lumuluhang pakiusap niya sa lalaking nakatutok ang kutselyo sa kaniyang liig.
May narinig siyang nagtatalo at kinakabahan siya dahil maraming tao sa paligid tila may pinapanood ang mga ito.
"Kawawa naman iyong matanda. Dinadamay nila sa gulo hay naku! Iba na talaga ang panahon ngayon." Rinig niyang sabi ng babae. Lumakas ang kabog niya sa dibdib.
"Manang, anong nangyari diyan?" Tanong niya sa babaeng kinakabahan sana hindi si Nanay.
"Iyong babae hinostage ng lalaki!" Iniwan niya ito at sumilip sa mga nagsiksikang mga tao.
"Inay..." Pabulong niyang sabi ng makilala ang sinabi nilang hinohostage bakit walang tumawag ng police.
"Anak? Huwag kang lumapit pabayaan muna si Nanay." Ayaw siyang palipitin. Lulong sa bawal na gamot ang lalaki dahil sa nangingitim ang ilalim ng mga mata nito. Mayroon din mga grupo na umaawat. Hindi niya alam kung umaawat ito o may balak itumba ang lalaki.
Dios ko si Nanay
"Bakit hindi kayo tumawag ng police ano pa tinitingnan niyo, ha?" Umiiyak niyang sabi pero walang may gustong kumilos. Tila takot sila na parang kasalanan tumawag ng police.
Hindi pwideng wala siyang gagawin.
Dios ko ligtas niyo si Nanay
"Jepoy, sumuko kana sa amin wala ka ng matatakbuhan. Kakausapin ka lang ng Boss namin!" Sabi ng isang lalaking mahaba nag buhok.
"Hindi! Alam kong papahirapan niyo lang ako! At papatayin gaya ng mga kasama ko!"
"Ako bahala sayo basta sumama ka lang sa amin at pabayaan ang babaeng iyan." Pakiusap ng lalaki pero hindi pa rin ito maniwala.
"Pakawalan mo ang Nanay ko parang awa niyo po!" Umiiyak na sabi niya sa lalaki. Malikot ang mata nito at pawisan ang mukha.
"Anak huwag kang lalapit dito!" Umiiyak na pakiusap sa kaniya ni Nanay pero hindi kaya ng konsinsiya niya kung may mangyaring masama sa Nanay na wala siyang gagawin.
"Hindi kita iiwan..." Sabi niya.
"Pakawalan mo Nanay ko. May Nanay ka rin di' ba? Ayaw mo rin may manyari sa kaniya kaya pakiusap pakawalan mo Nanay ko." Dahang dahan siyang lumapit sa lalaki.
"Gusto mo ako na lang ang hostagen mo huwag ang Nanay ko." Ngumisi naman itong napatingin sa kaniya. Mabilis ang pangyayari hawak na siya ng lalaki. Nakatutuk sa leeg niya ang matalim nito kutselyo. Naalangan naman sumugod ang lalaking kumausap kanina.
Saglit lang may kausap leader ng grupo.
"Sige lapit kayo papatayin ko ito babae!" Napapikit siya ng maramdaman ang patalim sa leeg niya. Kunting mali lang ay mahihiwa na ang leeg niya.
"Pakawalan mo ang babaeng iyan. Hindi mo alam ang pinasok mo Jepoy!" Mariin nito sabi. Saglit naman itong natigilan at ramdam niya ang takot sa mukha nito.
"Pakawalan mo na lang ako. Kung natatakot ka, kung gusto mo ako na lang makikiusap sa kanila na pabayaan ka na nilang makatakas." Sabi niya dito.
"Haha! Wala silang pinipiling patayin. Kung gusto nilang pumatay ay wala silang awang pumatay.." nanginig ang boses nito kahit siya man ay natakot rin, iniisip na niya ngayon kung gaano kasama ang taong iyon.
"Wala naman masama kung subukan natin. Ibubuwis ko ang buhay sayo."
"Gawin mo iyon."
"Oo, kung gusto mo ako ang kakausap sa Boss nila." Lakas loob niyang sabi. Kabado pa rin ito.
"Sige, buhay ko kapalit ng buhay mo." Ngumisi ito. Agad naman siyang napalunok ng laway kataposan na niya.