First day niya sa palengke dahil linggo ang daming tao. Umaasa siyang maraming mamimili. Kasama rin niya si Nanay at si Anna ang bunsong kapatid. Sumama ito para tulongan siya wala naman ito pasok. Kaya okay lang.
"Ang daming tao, Ate."
"Oo nga. Sana makabinta tayo ng marami." Sabi niya sa bunso.
"Sana nga, Ate."
"Mag ready ka diyan kasi sisigaw na ako. Hindi tayo makakabinta kung mananahimik lang tayo dito." Sabi niya sa bunso.
"Sige, Ate! Ako ang magkikilo ikaw ang maglalagay sa plastik at magsusukli, ha?" Mahina kasi ito magsukli kaya siya na lang.
"Sige. Gulay kayo diyan! Sariwa sariwa! Bagong pitas! Gulay!" Sigaw niya. Nang marinig ang pagsigaw niya nasipaglapitan ito sa puwesto niya ang mga mamimili. Tuwang tuwa naman siya ito ang Buena Mano ngayong araw.
"Ning, magkano iyang mga gulay mo?" Tanong ng matandang babae may dala itong bayong.
"Murang mura lang po madam, tag 25 pesos po kada isang kilo lahat po ng klaseng gulay." Masiglang sabi niya mukhang yayamanin iyong babae sa postora pa lang.
"Oh, sige sige! Bigyan mo ako ng tag dalawang kilo niyan lahat, ha?" Kaagad naman siyang kumilos mahirap na baka mainip at lilipat sa iba.
"Okay po madam! Salamat po!" Masayang sabi niya.
"Ako na ang magtimbang ate para madali para hindi mainip si Ma'am?"
"Sige, bunso, salamat!" Lahat ng gulay ay pinaglalagay niya sa plastic at si Anna naman ang taga kilo. Limang klase lang mayroon siya patola, ampalaya, talong, okra at sitaw. Iyon lang kasi ang mga tanim ni Tatay.
"Magkano iyan lahat, Ning?"
"250 pesos ma'am lahat!" Sabi niyang nakangiti.
"Okay." Inabotan siya nito ng 250 na barya.
"Salamat! Ma'am? Kaya niyo ba magbuhat nito ang dami po nito." Sabi niya sa babae.
"Hindi, eh?"
"Kung ganon tulongan ko na kayo magbuhat po, Ma'am baka mapano pa po kayo marami pa naman tao ngayon." Magalang niyang alok dito.
"Naku salamat. Actually kasama ko anak ko pero hindi ko alam na saan iyon bigla kasi humiwalay sa akin, eh?" May inis sa boses.
"Ganoon po ba? Baka po may pinuntahan lang po siya, Ma'am at babalikan din kayo."
"Hay naku! Ning? Sana mag asawa na iyong binata ko, eh? Para tumino na hindi puro barkada ang inaatupad. Kung hindi masangkot sa gulo nasasangkot naman sa p*****n hay.. sakit ng ulo talaga! Hindi ko na alam ang gagawin sa anak kong iyon. " Himutok nito.
"A-ano po p*****n?" Kinakabahan siya sa kung anong klaseng pag- uugali ang anak na mayroon si Ma'am. Mabait naman ito hindi gaya ng iba diyan feeling mayaman, akala mo kung sino makapanglait sa kapwa pero ang babaeng nasa harapan niya ngayon totoo ang pinapakita sa kaniya. Talagang mabait siya mafefeel mo iyon sa isang tao.
"Oo, barumbado! Pasaway na ang anak kong iyon. Sakit sa ulo! Stress ang inabot ko sa batang iyon!"
"Hayaan niyo po ipagdasal ko na lang kay Lord na magbago na anak niyo." Sabi niyang nakangiti para kahit papaano lumuwang ang pakiramdam nito.
"Aba! Salamat, Ining? Napakabuti mo tao parang gusto na kitang manugangin kasi ang bait mo." Namula siya agad sa sinabi nito sa kaniya.
"Hehe! Wala pa po sa isip ko ang pag- asawa Ma'am?" Agad niya naman tanggi sa ginang.
"Ganon ba? Ilan taon kana ba?"
"17 pa po ako..."
"Napakabata mo pa pala."
"Opo.."
"Sige, makaalis na nga, baka nandoon na anak ko naghihintay sa akin." Luminga ito sa paligid. Napasimangot ito ng makita ang siksikan na mga tao.
"Tulongan ko na po kayo madala ng mga iyang gulay, Ma'am?" Alok niya. Tumango lang ito sa kaniya.
"Bunso, ikaw muna tatao dito, ha? Hatid ko lang to si Ma'am, kasi mabibigat ang mga gulay baka mapano pa si Ma'am sa daming tao." Sabi niya sa kapatid.
"Sige, Ate? Tulongan mo si Ma'am, kawawa naman siya." Sumunod na siya sa babae. Mabigat nga sampung kilo pa naman lahat. Pa ikot-ikot pa sila hanggang sa labas ng palengke.
"Pasinsiya kana Ning, ha?" Nang lingunin siya.
"Okay lang po, Ma'am?" tipid niyang sabi.
"Anong pangalan mo pala?"
"Loisa po..." Nahihiyang sabi niya.
"Loisa... gandang pangalan bagay sa mukha mong inosinte."
"Ako naman si Carina. Madalas ako dito sa palengke. Pero mula ngayon sayo na ako bibili ng mga gulay." Sabi sa kaniyang nakangiti.
"Naku maraming salamat po." Masayang pasasalamat niya dito mayroon na siyang suki na galante at mabait pa.
"Wala iyon ang bait mo, eh? Ang ganda pa!" Sabi sa kaniya. Kaagad siyang nhiya dito.
Hindi siya naniniwalang maganda siya kasi hanggang ngayon wala pa rin siyang manliligaw marahil siguro hindi siya palaayos kahit maglagay man lang ng lipstick hindi niya magawa kaya putlain siya. Tanong pa nga ng iba kung may sakit ba siya? kasi ang putla niya pero talagang ganon na ang kulay ng balat niya dati pa at malusog naman siya.
Huminto sila sa paglalakad. Hindi niya alam kung bakit. Nang mag- angat siya ng tingin kausap ni Ma'am Carina ang lalaking nasa harapan nito naka cup at naka sneekers ito. Infernes ang kinis ng mga kuko nito sa paa. Hindi niya makita ang mukha ng kausap ni Ma'am Carina, dahil natakpan ito ni Ma'am. Tahimik lang siyang nakikinig sa likod habang sinasabon ang lalaki siguro ito ang sinasabing anak na kasama sa palengke. Wala siyang narinig na salita mula sa lalaki. Boses ni Ma'am ang tanging narinig niya.
"Saan ka ba galing kaya kita sinama para tulongan ako mamalengke. Wala ka bang ginawang tama ngayong araw ang bigyan ako ng konsomisyon, ha?" Sa galit na boses.
"Sorry, Mom? Tinawag kasi ako ni George kanina tapos hindi ko namamalayan nahiwalay na ako sayo." Mahinahong paliwanag ng lalaki.
"Sos! lagi mo na lang inuuna ang barkad mo kaysa Ina mo!" May pagtatampong sabi ni Carina.
"Sorry... hindi na mauulit." Pakumbaba na sabi ng lalaki.
"Sige na! Mabuti na lang may taong mabait diyan at tinulongan akong magbitbit sa mga pinamili ko." Humarap ito sa kaniya nakangiti na.
"Loisa, ibigay mo iyan sa anak ko." Sa kalmadong boses na hinarap siya.
"O-Opo." Kaagad niya naman inabot sa lalaki pinamili ni Carina. Nahiya siyang tumingin dito kaya yumuko lang siya habang inabot ang mga gulay.
"Heto po Sir?" nahihiyang inabot sa anak nito ang mga gulay.
"Thank you. Miss sa pagtulong sa Mommy ko." Sa malamig na boses. Pero dala ng curiousity napaangat siya ng mukha.
Napaawang ang bibig niya ng malaki. Ang anak ni ma'am Carina ay ang lalaking tumulong sa kaniya ng gabing muntikan na siyang ma r**e. Ang liit ng mundo.
"Hi!"
"Ikaw?"
"Yeah? Small world! Nagkita tayo ulit, Loisa, Right?"
"Opo... A- Alexander?" Nahihiyang sambit niya sa pangalan nito. Lalo niyang nakita ng malinaw ang mukha nito ang boung mukha nito. Hindi lang to basta gwapo, super gwapo ang kanis ng mukha.
"Yes! It's good naalala mo pa ako." Ngiting sabi sa kaniya.
"Oo naman po! Paano ko po makakalimutan iyong taong nagligtas sa akin." Masiglang sagot niya dito. Napansin niya ang paglunok nito ng laway at pagtaas baba ng Adams apple nito.
"Magkakilala kayong dalawa?" Singit ni Carina.
"Yes po..." Agad niya naman sagot kay Carina.
"Paano?' Napatingin siya ng tuwid sa mga mata ni Alex hindi niya alam kung dapat pa ba malaman ni Ma'am Carina na anak niya lang naman ang nagligtas sa kaniya sa mga taong gusto siyang gahasain. Baka atakihin ito sa puso sa pag- aalala.
"Uhm, Mommy---?"
"Niligtas niya po ako sa mga gustong gumahasa sa akin." Nakayukong sabi niya ayaw niya magsisinungaling.
"Diosmeo! Iyan na sinasabi ko, eh? Mabuti naman at walang nangyaring masama sayo, Ining?"
"Opo, salamat po sa anak niyo."
"Nakakagalit para sa kaligatasan ng anak ko pero mas nakakagalit kung mayroon nangyaring masama sayo kung hindi dumating ito si Alex."
"Opo, malaki po ang utang na loob ko sa anak niyo, Ma'am?" Sabi niya. At tumingin ng tuwid sa mga mata ng lalaki. Bakit pakiramdam niya nakukuryente siya sa tuwing magkasalubong ang kanilang mga mata.
"Oh, sige, sige! Tama na iyan. Gusto ko na umuwi. Bitbitin mo iyang pinamili ko. Hintayin na kita sa kotse ang init dito sa labas!" Iniwan na sila ni Ma'am Carina. Ang lakas ng t***k ng puso niya na magsulo sila ni Alex.
"Pasinsiya kana sa Mommy ko. Ganon lang iyon maingay pero masasanay ka rin." Sa malamig na boses nitong sabi.
"Okay lang..."
"Kumusta kana? Ano ginagawa mo dito sa palengke?"
"Mabuti. Dito po ang puwesto ko sa palengke. Galing sa akin iyang mga gulay na dala mo." Sabi niya kay Alex.
"Ganon ba? Ibig sabihin lagi kitang makikita dito?"
"Ha?"
"Kung may puwesto ka dito sigurado akong masusundan pa ang pagkikita natin." Nakangising sabi nito sa akin.
"Iyon nga po sabi ng Mommy, mo sa akin na siya bibili ng mga gulay."
"Talaga! Ibig sabihin mapipilitan akong kainin ang lutong gulay ni Mommy para sayo." Napakamot ito sa kaniyang ulo.
"Ha? Bakit hindi ka ba kumakain ng gulay?" Agad itong umiling sa kaniya. Mayroon pa lang taong hindi mahilig sa gulay.
"Hindi, eh? Noon pero ngayon kakain na ako para sayo." Namula kaagad ang mukha niya sa sinabi ni Alex. Parang may mga bulating nagpaparty sa loob ng tiyan niya.
"Oh, bakit namula ka?" Puna sa kaniya ni Alex.
"Wala.. mainit lang." Agad niyang namang iniwas ang mukha sa lalaki.
"Oo nga ang init nga." Pinapaypay nito ang cup na gamit. Napansin niya rin pawisan na ito. Pero kahit pawisan ito mabango parin ito at lalong gumugwapo sa paningin niya ang binata. Ilang gabi rin laman ng isipan niya si Alex at hindi niya inaasahan na muli silang magkikita.
"Oh, sige na babalik na ako sa loob marami pa akong ititindang gulay baka mainip si Mommy mo ang tagal mo." Pagtaboy niya sa lalaki.
"Okay." Tumalikod na ito sa kaniya. Hindi siya nito nilingon hanggang makapasok siya sa palengke.
Kanina pa kasi lumakas kabog ng dibdib niya.
Huminga siya ng malalim para mawala ang nararamdaman niyang kaba.