I didn’t know why my mother named me after falling stars. Perhaps it was because having a child was her wish. Pero kung magiging falling star ka, kung saan humihiling ang mga tao tuwing nakikita ka, sa sobrang bigat ng mga hiling, mawawala ka.
And for me, I was the same. People around me kept wishing for me to disappear. At unti-unti na nga akong nawawala.
Everything was dark. Hindi ko na maramdaman ang sarili kong katawan sa sobrang bigat. I felt entirely numb.
Unti-unti kong minulat ang mga mata ko at bumungad sa ‘kin ang silid sa palasyo kong malayo sa palasyo kung saan ang hari at si Eris. They put me here in this forsaken palace, clearly telling me to rot away. This place is a coffin in the guise of a palace.
My forsaken room was the same pero nakita ko ang isang alipin na parang naa-out of place sa suot niya kumpara sa kwarto kong walang kasidlak-sidlak. Natutulog siya sa tabi ko nang narinig niya ang tunog ng kama ko. Luma na ang kama ko kaya maririnig mo ang kalawang sa bawat galaw mo.
“Gising ka na!” pasigaw niyang sabi sa tabi ko at umakting na parang nakakita siya ng multo. Ano bang naririnig niyang chismis tungkol sa ‘kin para ganyan ang reaksiyon niya.
Tuluyan na ‘kong bumangon sa kama pero biglang bumigat ang ulo ko at nahilo sa bawat sa paggalaw ko. Parang walang lakas ang bawat parte ng katawan ko. I looked at my body and curiously investigated my skin, bones, everything. How come wala akong mga sugat at mga sira-sirang buto?
“Anong nangyari kahapon?” tanong ko sa babaeng kanina lang nakatulala, gulat pa sa pagbangon ko. She looked at me in confusion as if I was speaking gibberish.
“Tatlong taon na kayong nasa kama, prinsesa,” sagot niya sa ‘kin.
My mind went blank at sumakit ulit ang ulo ko. What the hell? Tatlong taon?! Nasa kama lang ako? Anong nangyari? I was just injured and fell… that’s right I fell from the stairs because of Eris. Kaya wala akong mga sariwang sugat at mga sirang buto dahil gumaling yun habang nakahilata lang ako sa kama for three years.
Galit ako kay Eris sa ginawa niya sa ‘kin. Her actions were clearly out of place. Ha! What a sore loser. Galit ako sa kanya, sap ag-iisip niya, sa mga ginagawa niya pero hindi na ko magugulat dahil ang hari, ang magaling kong ama, ang mismong nagpalaki sa kanya. Like father, like daughter. May dugo man akong bughaw na galing sa kanila, hinding hindi ko tu aaminin kahit kalian. Si Helena Leyrin lang ang kinikilala kong magulang ko.
“18 years old na po kayo ngayon,” she continued. 18? I was fifteen when Eris attacked me and three years already passed. 3 years? Within these three years hindi nila ako magawang patayin? They should’ve just killed me right away.
Napaisip ako ng malalim. Ano ang mga nangyari sa mga nakalipas na taong nasa koma ako? 18? Bakit parang may nakakalimutan ako?
I racked my brain as hard as I could hanggang sa may naalala ako.
“I can’t wait for you to be mine. Let’s get married soon, Asteria.” Sabi ni Ellion at niyakap ako.
That’s right! Me and Ellion are supposed to be married when I reach 18!
My whole mood brightened at the thought of marrying the man I love the most. I’m finally going to have a peaceful life with him! I’m going to be the happiest! I will be the happiest.
Hindi ko muna inisip sila Eris at ang hari at malaki ang ngiting hinarap ang babae sa tabi ko. Napansin kong parang natakot siya sa ngiti ko pero binalewala ko nalang siya.
Bakit ba siya nandito? Mag-isa lang naman ako sa palasyo ko. Wala akong mga katulong dito. Pinadala ba siya dito ng Hari? Ni Eris? Para alam nilang patay na ‘ko? O ni Ellion? Para malaman niyang gising na ako?
Mas lumaki ang ngiti ko habang kinikilig kakaisip kay Ellion. Bumaling ako sa babae na nakatulala sa ‘kin.
“Hey.” Nakangiti kong tawag sa kanya.
“Y-yes princess?”
“Nasaan si Ellion? Alam na ba niyang gising na ako?” parang bata kong tanong sa kanya. Nagulat siya ng hinawakan ko siya habang napatalon talon ako sa saya. I’m amazed I was able to stand despite being in a comatose state for three years. This must be one of the perks of being a cursed attribute user huh?
“Bilisan mo! We should get ready! Ikakasal ako sa pinakaperpektong lalaki dito sa kaharian! 18 na ako. Ikakasal na ako sa pinamakamahal kong lalaki, isn’t it amazing?” parang bata kong sabi sa kanya na parang nakatanggap lang ng dream toy niya. Pero imbes na ngumiti siya o atleast sabayan ang mood ko, tumigas ang katawan niya sa isang lugar at parang naluluha sa sinabi ko.
“Bakit?” kinakabahan kong tanong sa kaniya. “May nangyari ba kay Ellion habang wala akong malay? N-nasaan si Ellion?” pilit kong ngiti sa kanya. Mas lalo siyang napaluha habang umiiling sa ‘kin. Kinakabahan ako sa sagot niya pero ilang minuto na ‘ko naghihintay sa sagot niya pero wala siyang imik habang tahimik na tumutulo ang mga luha niya.
Fuck. What did they do to him?! Did they do something to him?! Kailangan ko siyang mahanap… kailangan ko siyang mahanap! How much hurt he must’ve felt when he knew he can’t see me anymore? Just how… how is he doing? My heart broke just thinking about him.
Wala na ‘kong pakialam sa damit kong pantulog. Wala na ‘kong pakialam kahit sobrang gutom ko na. Wala akong pakialam kung anong mangyayari sa ‘kin. I just need to find him. Gusto ko siyang mayakap, mahalikan, makapiling ulit.
Agad agad akong lumabas sa kwarto ko at tumakbo sa kung saan ako dadalhin ng mga paa ko basta mahanap ko lang siya.
“Princess Asteria!” sigaw ng babaeng nasa kwarto ko. Binalewala ko siya at patuloy sa pagtakbo. I went from stair to stair, from hallways to rooms and staircases again. I was tired. Wala na ‘kong enerhiya pero hinahanap ko pa rin siya not until I heard someone’s voice that made my heart warm once again. His voice became more deeper but despite this change, alam kong siya ito.
It’s him. He’s here.
Parang nabuo ang araw ko nang marinig ko ang boses niya. The moment I heard the voice, I knew it was him. Agad agad akong tumakbo sa direksiyon sa kung saan nanggaling ang boses niya. Habang napapalapit ako, ay may nakita akong babaeng nasa tabi niya habang nakakabit ang braso sa braso ni Ellion. Ang mga likod nila ang humarap sa ‘kin pero nakikita ko ang ngiti ni Ellion habang nayuko para tingnan ang babae.
Hindi ko alam kung bakit ako sinabihan ng utak kong tumago. Agad-agad akong tumago sa pader habang nakikinig sa usapan nila.
“You know we’re not supposed to meet a day before we get married right?” malanding sabi ng boses ng isang babae. I recognize this voice. It’s Eris. This b***h. How dare she touch my man…what? A day before we get married?
What does she mean? Anong nangyari?
Pilit kong kinumbinsi ang sarili ko na hindi totoo ang mga naririnig ko mula sa bibig ni Eris. Ako lang ang papakasalan ni Ellion. He loves me very much, right? I’m sure tatanggihan niya si Eris. Pero even though I had this kind of assurance, my mind and heart kept telling me to be prepared. Gusto kong iwasan ang nararamdaman kong ‘to pero hindi ko maiwasan ang hindi makampante kay Ellion nang makita kong hinayaan niya si Eris na kumalabit sa kanya.
“Alam ko,” rinig ko ang tawa niya , “namiss lang kita ng sobrang sobra,” aniya at narinig ko ang tunog ng paghahalikan nila.
The thread of hope I was holding to easily tore apart when I heard them. The trust I planted in my heart immediately rotted away. Hindi ko namalayang tahimik na akong umiiyak dito sa dilim na pader kung saan ako tumatago.
I was like the sleeping beauty but my story was the opposite. Hindi ako gumising mula sa halik ng pinakamamahal kong prinsipe kundi nagising na may kahalikan na siyang iba.
I want to hurt them so bad. I want to hurt Eris for all the things she did. I want to hurt Ellion so bad. For ruining the trust I had for him despite the warnings I had from the walls of my heart. I wanted to hurt him for hurting me. For letting me live in this charade of theirs. I…I HATE THEM SO MUCH.
Patuloy sa pag-agos ang mga luha ko habang nakikinig sa kanila. I wanted to hear more. Even though it hurts, I still wanted to hear more because the more pain I feel, dun na ako babalik sa realidad na mula sa delusion na ginawa ko tungkol sa pag-ibig. I wanted to hear more, I wanted to know more.
“You could’ve just taken me outside the palace, right? Bakit dito mo ko dinala sa walang kwentang palasyo ng walang kwentang Asteria?” rinig kong reklamni Eris pero tumawa siya ulit, “I miss you more. Are you really that excited to be the crown prince?”
“Of course, my love. Asteria’s not here anymore, that dumb sister of yours.” Rinig kong sabi ni Ellion.
Sumakit ang puso ko pero hindi lang sa kalungkotan kundi lalong lalo na sa galit. How dare they. How dare him! All this time, sumasayaw lang pala ako sa palad nilang dalawa.
“Ugh, my father could’ve just gotten us engaged in the first place, diba?” rinig kong sabi ni Eris.
“In-arrange ako ng ama mo para patayin ang kapatid mo. Masyadong masamang d**o ang kapatid mo, hinding hindi namamatay kahit nilagyan ko na ng pinakamalakas na lason ang mga pagkain niya.” Rinig kong sabi ni Ellion. This s**t, no wonder may kakaiba akong nararamdaman tuwing kinakain ko ang mga dala niyang pagkain but it never affected my health anyways.
Hindi na ako nagulat nang mabalitaan ko na ang hari ang nag-utos kay Ellion na patayin ako. Kaya pala pinatawag niya ako, after 15 years of letting me and my mother rot far away from his sight.
“It’s a good thing I took care of her right?” natatawang sabi ni Eris kay Ellion. Tumawa rin si Ellion at parang kinurot niya ang pisngi ni Eris.
“Pero hindi yun sapat. Na-coma lang ang kapatid mo,” ani ni Ellion kay Eris at hinaplos ang mga pisngi nito as if nasisira agad si Eris.
“I could’ve just killed her in her sleep if only it wasn’t for that invisible barrier around her,” reklamo niya. Barrier?
Napuno ng pandidiri ang buong pagkatao ko sa kanila. I can’t believe hinayaan ko ang sarili ko na mahalin at malinlang sa mag basurang ‘to na mas Malala pa sa mga hayop.
“Oh please. Hindi ko nga alam kung bakit mas madaling patayin ang ina niya. Inutusan lang natin ang isang katulong para mag-iniksiyon ng potassium sa ina niya,” mas lalong tumawa si Eris at niyakap si Ellion. “at tenen! Namatay agad ang matanda.”
They were the ones who killed my mother?
Hindi lang namatay sa cardiac arrest ang ina ko?
Napuno sa galit ang puso ko at hindi na napigilan ng utak ko. All my eyes saw was red. Was blood. My whole being thirsted for their blood. I wanted their blood. Gusto ko silang magdusa ng mas malala pa kesa sa nagpadaanan naming mag-ina. Gusto kong mamatay sila. Gusto kong mabuhay sila na mas gusto pang mamatay.
They took my mother, myself, my everything.
My mother was the only companion I had, the only person I treasure the most and yet— they killed her.
Gusto kong mabuhay silang nasa impyerno habang nasa taas akong nakatingin sa kanila. I want them to weep, to kneel, to beg. I want them to go to the extent of giving up their souls than to live. Killing them’s too much of an easy medicine for them.
Wala sa sarili akong lumabas kung saan ako nagtatago.
“You demons…” sabi ko na nakapag-agaw ng atensiyon sa kanila. Lumingon silang dalawa sa direksiyon ko. Nagulat si Ellion at parang namutla nang makita niya ako, parang nakakita ng multo. Matapos kong malaman ang lahat, all I wanted was to let myself lose from this collar of holding back and discipline that I’ve tied myself to back when I was young. The collar that my mother taught me how to make.
“Asteria!” parang gulat na sabi ni Eris pero ngumiti rin sa huli. I want to rip her mouth. I want to tear her tongue, her lips tainted with Ellion’s l**t for power, and her teeth so she won’t be able to make that annoying smile of hers anymore.
“My, my, gising na ang sleeping beauty ng palasyo. Too bad, saken ang prinsipe mo, hindi ba mahal?” baling niya kay Ellion.
Ellion composed himself and smiled at Eris, his hands on her waist. Oh, that disgusting hands of his. The oblivious me from the past could’ve had the chance to cut it off.
“Wala akong paki sa inyo,” sabi ko at itinaas ang mga kamay ko. Hindi ko saan kung saan o ano ang ginawa ko pero nasugatan agad si Eris sa pisngi niya. Wala ako sa sarili ko at unti-unting kinakain na ng dilim. Hindi ko alam kung ano ang ginawa ko basta masira ko lang sila.
I raised my left hand at Ellion’s direction as he violently flew towards the pillars of the palace. He remained pinned in the pillars and held on to his neck as if something was choking him.
“Ellion!” sigaw ni Eris habang pinunasan ang dugo sa pisngi niya. “You b***h,” bumaling siya sa ‘kin at may apoy na lumabas sa kamay niya.
She threw her signature fire blades at my direksiyon pero hindi ito kagaya noon. It was bigger and definitely much more defined. The power inside me grew much more powerful as I let it all out, unafraid of the consequences after using this power of mine. It’s my first time using my cursed attribute. I still don’t understand what it is pero alam kong kaya netong labanan si Eris.
Mabilis akong umiwas dito as if I was practicing how to fight ever since young. As if I already fought thousands of battles like a veteran. Mabilis kong naiwasan ang mga atake niya at pumunta sa likod niya. I grabed her hair and dragged her to the floor, where she rightfully belongs to.
All her limbs we’re tied to the floor, an invisible force grabbing it tightly just for me. Sinipaan ko ang ulo niya at napadaing siya sa sakit. My kick had a few amounts of my curse when it hit her.
“Napadaing ka na agad? That was just a soft kick though?” natatawa kong sabi sa kanya at tinadyakan ang sikmura niya ng ilang beses gamit ang tuhod ko hanggang sa umubo na siya ng dugo.
"You've been hiding your prowess all this time?" hindi niya makapaniwalang tanong sa 'kin.
If I knew I had this much power, then I would've just fled away and lived a peaceful life. Pero ngayon ko lang naranasan ang kapangyarihan kong ito.
I leisurely sat on her stomach, but it carried an amount of force cuasing her to groan again. Her groans of pain were extremely satisfying, I couldn’t help but put my finger with sharp long nails on her lips. Her lips formed a cut and it bled causing me to smile like crazy. This isn’t enough.
“Eris!” narinig kong sigaw ni Ellion. Bumaling ako sa kanya at tumaas ang kilay ko.
“Nandiyan ka pa? Akala ko patay ka na?” sabi ko at binaba ang kamay ko sabay ng pagbaba niya mula sa itaas. Napaubo siya habang nakahawak sa leeg niya, struggling to breathe properly.
Bumaling ako kay Eris sa sahig na sinusubukang tumayo pero hindi kinaya dahil parang may nakatali sa kaniya. I waved my fingers and suddenly, scratched and deep cuts were on her face. The face she treasured the most, I’ll be ruining it.
Yumuko ako at tiningnan siya sa sahig habang nasa sikmura pa rin ang mga paa ko. “Diyan ka lang, di pa ako tapos sayo. Don’t you know? The floor suits you. You’re perfect for me to step on.” Matamis kong ngiti sa kaniya.
“AHHHHHHH! PAPATAYIN KITANG BASTARDA KA! PAPATAYIN KITA!” sigaw niya pero ngumiti lang ako sa kaniya kaya mas napasigaw siya. Sinubukan niyang gamitin ang kapangyarihan niya pero nahihirapan siyang gamitin ito simula nang hinila ko siya sa sahig. Right now, si Ellion muna ang haharapin ko.
Pumunta ako kay Ellion na nakaluhod malapit sa pillar na kung saan siya nabangga kanina. Nakayuko pa siya habang nakahawak sa leeg niya, gasping for air.
I held his cheek with one finger and looked at him in the eyes.
“Asteria…” usal niya sa paos niyang boses.
“Hello, my love. Was it fun?” sabi ko.
Ngumiti si Ellion sa ‘kin. His eyes clearly mocking me.
“It was,” sagot niya sa ‘kin at sinampal niya ako. I wasn’t able to react on time kaya napatingin ako sa kamay niya.
“Alam mo, mas bagay sayo ang putulan,” sabi ko sa kaniya.
“Y-you crazy b***h, what did you say?”
“Why would I say it when I could just do it?” matamis kong ngiti sa kaniya. His wind prowess showed up and made him flew away from me. Gumawa siya ng isang buhawing sobrang laki. But inside that tornado was sharp blades of wind along with its pressure, it’s enough to mince a normal person in it.
“Oh my, nakakatakot naman.” Binalewala niya ako at pinapunta ang buhawi sa direksiyon ko.
Akala ko hindi ko ‘to maiiwasan pero bumilis bigla ang katawan ko. Napunta ako sa harap niya nang hindi niya napansin. Hindi pa siya nakareact nang pinutol ko ang kamay niyang ginagamit para magsulat at ginagamit niya para sa espada niya. Blood kept gushing out of his shoulder and unexpectedly, I remained unfazed.
He’s too lax. Hindi man lang siya nagdala ng dahas sa palasyo ng babaeng niloloko niya.
“AHHHHHH! ANG KAMAY KO! f**k ANG KAMAY KO!” malakas niyang sigaw.
If my palace was normal, may mga sundalo na sanang pumunta dito para tingna kung anong nangyayari but since my palace was mostly abandoned, walang makakatulong sa kanila sa teritoryo ko. I’m sure the maid from my bedroom already ran away.
“ELLION! DAMMIT ASTERIA!” sigaw ni Eris mula sa malayo.
“ERIS USE IT!” sigaw ni Ellion kay Eris.
Use what? Bumaling ako kay Eris but everything was too late. The whole place lit brightly, sending a signal to the main palace. When I opened my eyes, the king was already at Eris’ side and healers surrounded Ellion. As for me? I was surrounded by dozens of mages and their sharp weapons pointing at my neck.
Bumaling sa ‘kin ang ama kong hari, the unconscious Eris in his arms, at malakas na sumigaw, halata ang galit sa boses niya na nakapagpatakot sa mga tao nasa paligid.
“ARREST HER!!!” sigaw niya. I was about to fight back pero nawalan agad ako ng malay. Eton a naman, si Eris na naman ang itatanghal nila bilang biktima.
What happened? What did they do? What went wrong? What did I do? What did my mother and I even do to begin with?
I’m always the villainess.
And since I’m treated as the Villainess, paninindigan ko 'to.
I need to be stronger.