Nakakatawa lang isipin na sobrang ganda ng trato nila sa isang kalaban. Isn't it ironic?
To be honest, tinuring ba talaga ng Isikros bilang isang kalaban ang Lumina? In all honesty, parang wala naman silang pakialam. Envious green eyes are everywhere and a kingdom as advanced as Isikros is enough to be considered a threat to everyone who's at the top.
And of course, my father who's one of the people at the top has been eyeing Isikros as a threat. My father's a very jealous man.
Isikros, unlike Lumina which was found on the eastern part of the map, Isikros was found on the western part of the map. If Lumina had the sunny side part of the world which was abundant as well, then we could say that Isikros was the polar opposite.
Malapit sa dagat ang Isikros pero napupuno din ito ng yelo at lamig. Isikros was known for its cold and cruel weather.
Kaya pala may snow kanina nang binuksan ko ang mga naglalakihang bintana.
The people from Isikros were known as weird people. Well, they are known as barbarians. The people of ice. The people rumored to bathe in blood. The people rumored to eat people alive.
Kaya siguro nasasabi ito ng karamihan dahil sa mga hula nilang wala nang nakakain ang mga taga-Isikros at kinakain nalang ang isa’t isa.
Ngayong nandito na ako sa personal, sobrang mali ng mga sabi-sabi ng mga tao.
They’re belittling Isikros too much.
The grand ornate doors of my room, the golden and shiny pieces of jewelry dangling on the chandelier, the marble floors, almost everything was made of luxury. This was enough to define how Isikros wasn’t lacking at all.
Sobrang engrande ng lahat.
Baka nga mas mayaman pa ang Isikros.
Isikros was barely known and most information about Isikros consisted of nothing but rumors and speculations. Nakakamangha nga dahil nandito ako sa lugar na pinagtatakahan ng karamihan. Pero may mga katotohanan rin tungkol sa Isikros na alam ng lahat. Mga bagay na tinuring na panganib ng ibang mga kaharian.
And it was because of their technology. Ang patuloy na pag-unlad ng teknolohiya ng Isikros ay naging sakit sa mata ng iba. And one of them was my father. Just the mere thought of a barely known kingdom constantly advancing in a rapid speed was enough to make him tremble in anxiety, greed, and jealousy.
From the daily-use technology to magic, to war machines, and so on. The knowledge and the advancement of Isikros are extremely appealing, attracting almost every tyrant’s thirst for power.
Despite the attempts of attacking Isikros by several kingdoms, Isikros never waged war. Fact that they had much more advanced technologies, Isikros didn’t budge.
Mas lalo akong naging kampante na nandito ako sa Isikros. May hari silang alam kung ano ang tama at mali. Ang digmaan para sa mga taong nasa itaas ay parang sugal lang pero para sa mga taong nasa ibaba? Sila yung naapektuhan ng sobra.
Nanatili akong nakahiga dito sa loob ng kwarto at naiwan mag-isa. Biglang pinatawag si Aefos at nasa labas naman ang ibang mga gwardiya. Nakikita ko ang mga nagyeyelong mga bulakak sa bintana at ang mga ibon na lumalapit doon. Halatang sanay na sanay na sila sa lamig.
Mas advanced nga sa teknolohiya ang Isikros. Kahit nagyeyelo na sa labas, parang wala lang dito sa loob. Ganito din ba ang pamamahay ng mga taga-Isikros?
*Knock, knock, knock*
May narinig akong katok sa pinto at napalingon doon. Agad na pumasok ang mga babae kanina pero ngayon ay may dala na silang pagkain na nakalagay sa isang cartwheel na sumisigaw ng karangyaan.
“Lady Asteria, nandito na po ang pagkain niyo,” sabi ng isa sa kanila.
May dala din silang maliit na lamesa at nilagay sa kama kung nasaan at ako. Parang gawa sa pilak ang lamesa at may mga detalyadong mga disenyo na kumikinang sa ilalim ng ilaw ng chandelier.
Nilapit nila ang lamesa sa harap ko at nilagyan ng mga kubiyertos at mga pagkain na halatang hindi ko pa nalasahan noong nasa Lumina pa ako. I barely ate anything decent in Lumina.
Parang tanga akong nakatingin sa ginagawa nila at halos hindi makaggalaw sa kama.
Naninibago ako sa lahat. Bakit? Bakit nila ako tinatrato ng maayos? Wala silang mapapala sa ginagawa nila. Do I deserve this? They’re strangers. Bakit? What will happen if they found out I’m a royalty from Lumina? They’ll mistreat me like the others in Lumina, right? They won’t give me food like this again, right? Why? Why? Why? Why? Why are they doing this?
Paulit-ulit na bumabalik ang mga tanong na yun at parang mas dumadami bawat segundo. Halos hindi ako makahinga at mas lalong nanigas ang buong katawan ko.
Parang mababaliw na ako sa mga tanong na nasa utak ko. Those questions seemed to be alive and undying, my mind seemed to be engulfed in darkness once again as those questions seemed to turn into things that would chase me and eat my sanity.
Memories from Lumina flashed through my mind and my whole body went cold.
Parang nasusuka akong napatingin sa engrandeng maliit na lamesa. Puno ito ng mga bagay na hindi ko nakuha noon. Hinawakan ko agad mga kubiyertos na nasa harapan ko kahit nanginginig na buong katawan ko.
The room’s warm but why am I cold?
Sinubukan kong iangat ang kubiyertos at kumain habang patuloy na dumadami ang mga tanong sa utak ko kasabay ang mga alaala ko.
“Lady Asteria?” nag-aalalang boses ang narinig ko pero lumalabo na ang paningin ko.
Hindi ako makasagot sa boses dahil halos hindi na ako makahinga. I was gasping for air and I smelled the food. Tuluyan akong napasuka at halos wala nang makita kundi ang mga nanlalabong ilaw.
Anong nangyayari? I thought I was already fine. How am I not okay?
“Lady Asteria! Anong nangyari?!” gulat at tarantang boses ang narinig ko. “Tumawag kayo ng medic! Bilis!”
“Umalis ang medic na naka-assign dito. Kumuha pa yata ng mga gamot,”
“Bakit siya mismo umalis?! Wala na ba siyang mauutusan?! Maraming mga katulong sa medical ward! Tumawag kayo ng makakatulong sa ‘tin dito, kahit sino!” rinig kong sigaw.
Please. Please don’t bother. I’m fine.
Gusto ko ‘tong sabihin pero halata namang hindi ako okay. The blurry lights and silhouettes seemed to get worse and the noise of my surroundings became quiet and finally, my body gave up.
It took some time for me to finally open my eyes. May narinig akong mga maliit na boses malapit sa ‘kin
“ ̶ trauma. May mga bagay siguro na nakapagtrigger sa kanya kaya naging ganon ang reaksiyon ng katawan niya. The mind’s the ruler of the body, after all. Her health’s being monitored but her mental health is something she needs to overcome herself. We’re just mere support in this situation.” Naririnig kong sabi ng isang lalaki.
Ako ba ang tinutukoy niya?
Napabangon ako mula sa pagkakahiga ko at nakaramdam ng saglit na pagkahilo. Napansin nilang gising na ako at agad na lumapit sa ‘kin ang babae. She must’ve been the one who panicked earlier. She’s been taking care of me ever since I came here pero hindi ko pa alam ang pangalan niya.
“Lady Asteria. Maayos ba ang pakiramdam niyo? May masakit ba? Sabihin niyo agad sa ‘kin kung may masakit sayo,” aniya, puno ng pag-aalala ang boses niya. Tahimik akong napatingin sa kaniya at medyo napangiti.
She’s a very caring and warm person.
“Lady Asteria?” tawag niya ulit sa ‘kin.
“P̶ lan?” medyo nahihirapan kong sabi. Binigyan niya ako ng tubig at ininom ko agad yun.
“Po?”
“Anong pangalan mo?” tanong ko sa kaniya.
“Ah. Marriane po. Marriane Lumley,” sagot niya sa ‘kin.
Tumango ako sa kaniya. Nagdadalawang isip kung paano makipagkaibigan.
“Ah, nice to meet you, Marriane,” sabi ko. Was that too boring?
“Nice to meet you as well, Lady Asteria! I will be by your side from now on! Sabihin niyo agad sa ‘kin kung may problema kayo, ako ang bahala sayo,” masigla niyang sabi at yumuko. Sobrang laki ng ngiti niya habang nakatingin sa ‘kin. Napangiti rin ako sa kaniya at parang gumaan ang isang sulok sa dibdib ko.
She must be someone in her 16s. Her short brown hair and bright emerald eyes seemed to gleam in joy.
Napatingin ako sa lalaking kanina pa naghihintay sa tiyempo niya at nang makita niyang napatingin ako sa kanya, agad siyang nagsalita. He had this emerald bright eyes similar to Marriane’s and his brown hair as well. Now that I look closely, they’re very similar.
“Hello, lady Asteria. I’m Ondreus Lumley, the healer in charge of you from now on,” sabi niya at yumuko sa ‘kin.
“Nice to meet you, Sir Ondreus,” bati ko sa kaniya. Lumley? Are they blood related? Palipat-lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa ni Marriane. Nagtinginan sila Marriane at Ondreus ̶ to be exact, nanlilisik ang mga mata nila habang nakatingin sa isa’t isa ̶ bago umimik si Marriane.
“He’s ̶ he’s my twin,” sabi ni Marriane at napabuntong hininga.
Medyo napasimangot din si Ondreus at umirap sa kapatid niya.
“Ohhhhh, kaya pala,” sabi ko. Not knowing what to say, umubo ako at umupo ng maayos.
Pareho silang napatingin sa isa’t isa as if nag-uusap sila.
“Gusto niyo bang lumabas, Lady Asteria?” tanong sa ‘kin ni Marriane.
“Maganda pag lumalabas ka sandali sa isang araw. Magsisimula ka sa konting exercise sa katawan mo gaya ng paglalakad hanggang sa nasasanay na ito at pwede na sa mga intense activities,” sabi ni Ondreus habang inaayos ang sarili niya. “I’ll be going now, Lady Asteria. See you tomorrow,” aniya.
Yumuko muna siya bago umalis. Narinig ko ang pagbukas at pagsara ng pinto at kaming dalawa nalang ni Marriane ang natitira sa kwarto. He was aloof unlike his warm sister.
“Gusto niyo bang kumain sa labas? Nakakasakal naman kung palagi nalang tayong nandito sa loob diba?” ngiti sa ‘kin ni Marriane.
Tahimik akong sumang-ayon at tumango sa kaniya. Blangko lang ang ekspresyon ko pero alam kong sabik na sabik akong makita ang labas ng silid na ‘to. Isikros! A land of mystery. My heart skipped a beat out of excitement.
Lumabas si Marriane sandali at nang pumasok ulit siya, may kasama na siya. Nakita ko ang batang babae kanina na mukhang 10-11 years old pa. Ang laki ng ngiti niya habang naglalakad papasok katabi si Marriane.
Napatingin siya sa ‘kin and just like earlier, her eyes sparkled. It was so lively, it was the eyes I had when I was with my mother back then.
Walang dala-dalang gamit si Marriane kanina nang lumabas siya ngunit nang pumsaok ulit siya, may dala na siyang mga naglalakihang mga kahon. May dala ding dalawang maliit na kahon ang batang babae sa tabi niya, the perfect sizes to carry for her age.
“Hello, Lady Asteria! I’m Penelope Aslhein! Pwede niyo ‘kong tawagin sa nickname ko na ‘Pen’,” aniya at masiglang yumuko sa harap ko. Halos ma-out of balance siya dahil sa agresibo niyang pagyuko pero nabawi din ang balanse ng ilang Segundo.
“Hello, Pen,” ngiti ko sa batang nasa harapan ko. Parang nahiya siya kaya nagtago siya sa likod ni Marriane.
Napatawa si Marriane sa inasal ng bata at dahan dahan na nilagay ang mga dala niyang kahon sa malapit na lamesa at ganun din ang ginawa ni Penelope.
Lumapit sa ‘kin si Marriane at ginabayan ako kung anong gagawin.
“Dito po tayo, Lady Asteria,” aniya at pumasok kami sa isang pintuan ng silid at bumungad sa ‘kin ang isang lugar na halatang hindi pwedeng matawag na banyo.
What greeted me was a normal bathroom like what normal nobles usually bathe in. However—it wasn’t normal for me at all.
The place was shiny and fragrant. Fresh flowers could be seen and smelled across the room which was relaxing.
“Alam niyo ba? Sabi-sabi ng ibang mga maids nakita daw nila si Sir Aefos kasama ang isang lalaking may dalang babae. Baka ang hari yun!” sabik na chismis sa ‘kin ni Penelope.
Bahagya akong yumuko malapit sa munting katawan ni Penelope at bumulong.
“His majesty? Will you tell me more about him? Kanina ko pa naririnig ang mga bagay na yan,” mahina kong sabi kay Penelope.
Tumingkayad siya at bumulong sa mga tenga ko, “Sa totoo lang po, Lady Asteria, iilan lang ang mga nakakita sa hari. As far as I know, kabilang si sir Aefos sa mga tao na nakakakita sa kaniya,” ngumuso siya kay Marriane at bumulong ulit, “Pati nga si Ate Marriane di pa nakita ang hari,” aniya.
Medyo nadismaya ako sa sinabi niya at nagpatuloy sa pagsunod kay Marianne. She was preparing the bathtub.
“Excuse me,” sabi ni Marriane. Hindi ko siya pinansin dahil baka si Penelope ang kausap niya. Nagulat ako nang biglang may humawak sa likod ko at unti-unting tinanggal ang mga butones ng sleeping dress na suot ko. Marahas akong napabaling sa taong nasa likod at nakita ko si Marriane na nagulat din.
“Ah, sorry po Lady Asteria,” sabi niya at napahinto sa ginawa niya. “Is it okay for me to undress you? Penelope and I will assist you while you’re taking a bath,” sabi niya.
“Bath? Dito?” tanong ko sa kaniya.
“Ah—hindi, ako lang,” sabi ko.
“Po?”
“You two can leave now,” ani ko at napahawak sa likod ko at binutones pabalik ang tinanggal ni Marriane kanina.
Tumayo ako mula sa pagkakaupo at kinuha ang mga bagay na dala nila kanina.
“I can take care of myself. Lalabas agad ako kung tapos na akong maligo,” sabi ko sa kanila.
“Pero trabaho namin—” Marriane hesitated but I immediately cut her off.
“Please?”
“If you say so, Lady Asteria. Call us if you need anything,” aniya at yumuko siya. Yumuko rin si Penelope at lumabas. Walang naggawa si Marriane at napasulyap ulit sa ‘kin bago tuluyang lumabas.
Dahan-dahan kong tinanggal ang pagkakabutones ng damit ko at tuluyan nang naghubad. Agad kong nilagay ang sarili sa tubig at napapikit.
It was warm, peaceful, and comfortable. The intoxicating but comforting scent made by the flowers made things extremely therapeutic. Napatingin ako sa sarili kong katawan and all I saw were scars. I’m pretty sure my back has scars as well. These scars we’re from the tortures I experienced at Lumina. I didn’t want them or anyone to see this. It wasn’t that I was ashamed of it. I have nothing to be ashamed of dahil alam ko mismo na wala akong kasalanan. I just didn’t want them to pity me.
Nararamdaman ko pa ang hapdi ng mga sugat noon at ang pagtitiis ko araw-araw habang patuloy sa pagdudugo ang sarili kong balat at wala man lang nagbigay sa ‘kin ng kahit anong medikal na atensiyon. Kahit pagdidis-infect nalang, wala pa rin.
Napabuntong hininga ako at mas nilubog ang sarili habang nakasandal. Kumuha ako sa mga gamit na dinala nila Marriane kanina at inalagaan ang sarili. These things weren’t new to me. Unlike others who were always assisted and all, I was alone.
Everything was quiet and all I heard was the water’s ripples from my movements.
Nagtagal ako sa loob at nang halos makatulog na ako, doon ko lang naisipan na umalis na.
Paglabas ko, nakita ko sila Marriane at Penelope na naghihintay sa ‘kin.
“How was your bath, Lady Asteria?” tanong ni Penelope sa ‘kin.
“Very nice,” sagot ko at ngumiti sa bata.
Pinasuot nila ako ng makapal at mainit-init na gown pero magaan din ito sa katawan. It was a dark maroon-colored gown with black frills and detailed designs on the silk fabric. I could see small jewels embroidered on top of the hem of my limbs. Medium-sized jewels hung on the dress. I couldn’t describe it more because overall, it was beautiful.
The first gown that I wore that isn’t too small.
At some point, we ended up in front of a big mirror and I was sitting in front of it. Hindi ko namalayan na medyo nakangiti pala ako. I looked at myself and saw how the dark maroon gown that I wore complimented my ruby red eyes.
Penelope was gently brushing my hair and she was once again smiling from ear to ear.
“Ilang beses niyo na po siguro ‘to narinig Lady Asteria pero sasabihin ko pa rin. Ang sobra SOBRAAAAANG ganda niyo po!” sabi niya na nay kasabay na hand gestures. She stretched her arms as much as she could while holding a brush. She’s extremely cute.
“Talaga?” ngiti ko sa kaniya at marahan na tinapik-tapik ang ulo niya.
“Mismo!” medyo pasigaw niyang sabi. Parang kinikilig akong napangiti at halos mapatawa sa kaniya. In all honesty, this is by far the most sincere compliment I’ve ever received.
Nakangiti ding nakikinig sa Marriane sa ‘min habang inaayos niya ang sarili ko. Nilagyan niya ako ng ilang mga alahas. I refused to wear jewelry since I was already grateful for the gown. Besides, ang e-engrande at lalaki ng mga pinipili niya. Sa huli, isang minimalist, two layered diamond necklace ang sinuot ko.
Bago kami tuluyang lumabas sa silid, nilagyan niya ako ng crest badge na may mga maliit na kadena at isang malaking crystal sa may dibdib.
“Ano yan?” tanong ko kay Marriane habang kinakabit niya ito. The crest obviously meant something.
“The Viesis Crest po,” sagot niya sa ‘kin habang focus na focus sa pagkabit nito.
“Ang Crest para sa?” tanong ko ulit sa kaniya. Ilang segundo ako naghintay bago siya natapos sa pagkabit at sinagot niya ang tanong ko.
“Tatlo lang ang Viesis Crest dito sa Isikros. It means, ‘King’s guest’. Maraming mga bumibisita sa hari pero halos lahat may pakay tungkol sa kaharian o tungkol sa politikal. But this crest shows that you’re personally close to the king,” sagot niya sa ‘kin.
What? Anong pinagsasabi niyang ‘close’? Wala akong nakilalang hari ng Isikros at hindi ko pa siya nakilala. Oh God, ‘personally’?! Ano ba ang pinaplano ng hari na yun?!
“Dalawa pa lang kayo na nakakasuot sa Viesis Crest. Si Sir Aefos at ikaw,” pagpapatuloy ni Marriane.
Is this why people have been treating me well? Kaya pala. If there comes a chance that I could meet the king, I don’t think the word ‘thanks’ is enough. I’ve never felt comfortable at a place before.
“Sa totoo lang po, Lady Asteria, iilan lang ang mga nakakita sa hari. As far as I know, kabilang si sir Aefos sa mga tao na nakakakita sa kaniya,” naalala kong sabi ni Penelope.
Sir Aefos must be close to him, right? I could relay my thanks to him pero mas maganda pag sa personal. Ilang taon na kaya ang hari? Sixty years old? Fifty years old?
After wearing the shoes and fur cape they gave me, we immediately went outside the room. Sabik na sabik ang puso ko sa bawat hakbang ko. Snow! I can touch snow!
Pinasuot nila ako ng mga makakapal na layers dahil halata daw na hindi sanay sa lamig ang katawan ko.
Marriane held the doorknob and opened the grand ornate doors of the room I was staying in and the moment I walked out of the room, a grand hallway greeted me. The lights came from hanging chandeliers on the high ceilings. Golden frames and expensive vases could be seen.
The guards who were with sir Aefos earlier were seen guarding the doors of the room I’m staying in.
Nang makita nila kaming papalabas, yumuko sila at agad na lumapit sa ‘min ang isang lalaki.
“Saan ho kayo papunta?” tanong niya.
“Sa hardin lang kami,” sagot ni Marriane sa lalaki. “Nais niyo ba silang isama, Lady Asteria?” tanong sa ‘kin ni Marriane.
Umiling ako bilang sagot at bahagyang yumuko sa mga kalalakihan bilang pasensya. Ang gusto ko lang kasama ay sila Marriane. Ayaw ko sa masyadong maraming tao.
Kapag maraming tao sa paligid, panandaliang bumabalik sa ‘kin ang mga alaalang nasa loob ako sa Lumina at pinapalibutan ng mga maharlika.
Agad-agad kong binura ang mga alaalang nasa utak ko at tumingin kay Penelope na papalapit sa ‘kin. Kagaya ko, nakabalot din silang dalawa ni Marianne para handa kami sa lamig sa labas.
“Okay lang ho ba kayo?” tanong sa ‘kin ni Penelope. Marahan kong tinapik ang ulo niya at tumango. Hinawakan niya ang kamay ko at hinila gamit ang maliit niyang katawan kumpara sa ‘kin.
“Dito tayo papunta sa hardin,” aniya at patuloy akong hinila. Narinig ko pang nag-uusap si Marriane at isang gwardiya at ilang segundo ang lumipas bago niya pa namalayan na malayo na kami sa kaniya.
“Hintayin niyo ko!” pasigaw niyang sabi sa malayo. Ang layo na namin sa isa’t isa lalo na’t ang taas at laki ng hallway. Madami pang pasikot-sikot at hagdan ang dinaanan namin hanggang sa wakas, binuksan ni Marriane ang isang pintuan at bumungad sa ‘kin ang malamig na hangin.
Lumabas silang dalawa at tanging ako nalang hinihintay. Lumabas din agad ako at tumapak sa niyebe.
Unlike the hard soil and the soft but itchy grass I’ve always stepped on when I was in Lumina, the snow I stepped on was fragile. It was a whole new feeling. And I like it. I took another step and mentally giggled. I was like a child doing her first baby steps.
I was busy having fun making my first steps in the snow and it took me a few moments to finally see the landscape of the castle’s garden. When I looked up, trees and bushes were covered by snow as I expected.
There was a fountain in the center of the garden. Akala ko magyeyelo ang tubig sa fountain kaso patuloy pa rin ito sa pag-agos. As I said, the trees and bushes were covered by snow but what I also failed to mention were the blooming flowers on the bushes and the vines beneath the trees. The vines did not only have flowers, but they also had ice crystals dangling from them. Those ice crystals would sway with the wind as it creates a bell-like sound.
It’s amazing how those flowers could still bloom despite the cold. I don’t have any other words to describe the landscape other than enchanting — heck, I don’t even know if the word’s enough. Habang tumatagal, mas lalong gumaganda ang paligid.
Pumunta kaming tatlo sa ilalim ng isang malaking puno. It had ice crystals and flowery vines hanging on it as well. Marriane held the vines and ice crystals like a curtain and a path was shown. Di mo akalaing sa ilalim ng puno na parang puno ng mga yelong kristal, may nakatago pa lang lamesa at mga upuan doon.
There was the sun as well. The sun’s light reflected on the ice crystals making it seem like we’re surrounded by fairy lights and soft bells underneath the tree. Nakakamangha lang dahil wala akong napapansin na tumutunaw ang mga yelo kahit nasa ilalim na ito ng araw.
I sat on one of the chairs under the tree and admired the scenery.
“Hala! Nakalimutan ko ang mga pagkain!” biglang sabi ni Marriane at napatayo. “Babalik agad ako,” sabi niya at dali-daling umalis kaya naiwan kaming dalawa ni Penelope sa ilalim ng puno.
Nagpatuloy ako akong nakatanaw sa paligid at siniguradong maaalala ko ang tanawin na ‘to. Nasa tabi ko si Penelope na mapayapang naglalapag ng mga kubiyertos. Medjo nagulat ako nang bigla siyang suminghap kaya napatingin ako sa kanya.
“Bakit? Anong nangyari?” tanong ko sa kaniya.
“Parang may nakalimutan akong utos ni ate Marianne sa ‘kin— babalik ho agad ako! Pasensya na po!” dali-dali niyang sabi at tumakbo pabalik sa loob.
At dahil wala silang dalawa, naiwan akong mag-isa na nakaupo. At first, it was peaceful. I was enjoying everything especially when I tapped a single ice crystal on the hanging vines which created a chain reaction and the bell-like sounds could be heard.
It was like laughter for me.
I did it on the same vines for a while until I decided to stand up and tap the other vines as well.
More ice crystal chimes could be heard as I continuously tapped on random vines with ice crystals not until I discovered a specific vine. It was hard. Unlike the other vines which are easy to tap, this specific vine was hard.
And no, it wasn’t because it was frozen. It was artificial, but it wasn’t noticeable since it was hidden among the countless vines. It even looked real even up close.
Hindi ko alam kung anong pumasok na espiritu sa kamay ko pero parang wala sa sariling pag-iisip na hinila ito pababa at wala namang nangyari.
Huh. I must’ve been too paranoid.
Just as I was to ignore that hard vine, a few seconds later, I could hear the sound of something creaking. Dahan-dahan akong napatingin sa direksiyon kung saan nanggaling ang ingay. Lumapit ako sa likod ng puno na napapalibutan ng mga halaman at doon, nakita kong may ilaw.
Nagdadalawang isip akong lumapit dito at nakitang secret stairway pala ito papunta sa isang underground place. Napatingin ulit ako sa lamesang walang katao-tao sa ilalim ng puno at napabuntong hininga.
I know this will be dumb of me pero babalik naman ako diba? There won’t be anything there, right? Babalik agad ako bago pa makabalik sila Marriane at Penelope.
Dahan-dahan akong lumapit sa bahagyang umiilaw na hagdanan na pababa habang mahigpit na nakakapit sa mga makakapal kong damit.
The stairs were creaking as they continued to move until finally, it stopped. Indicating that I could already walk across it. Huminga ako ng malalim at napabuga. As I said, Isikros was cold, so my breath was visible when I harshly exhaled it.
Dahan-dahan akong tumapak sa hagdanan at nang makompira kong ligtas ito, nagpatuloy akong naglakad pababa ng hagdanan kung saan man ito patungo.
Medyo kinakabahan ako pero hindi ko alam kung bakit ako nagpatuloy.
This is such a dumb move, Asteria!
The walk I had took a while until I finally reached a flat platform. There weren’t any stairs left to step on as I looked at my feet and when I looked up, I was mesmerized by the scene that greeted me.
“Wow…,” mahina kong sabi habang pinapalibutan ng tingin ang paligid.
It was a hidden cave underneath the tree. There’s a steaming waterfall and beneath it seemed to be a big pond of clear azure water. Napapalibutan ito ng mga bulaklak na kailanman ay hindi ko pa nakita kahit saan. The flowers seemed to glow like crystals.
Napapalibutan ang paligid ng mga bulaklak na ito at parang nagsisilbing ilaw ng paligid. It’s an amazing view that I’ll never forget.
The ceiling wasn’t field with flowers, though. It was field with big crystals which made the whole place seem like a treasure cave. May mga maliliit ding mga ilaw na lumlilipad sa paligid. Everything seemed relaxing and made me want to stay longer pero parang tinamaan ng libo-libong martilyo ang dibdib ko nang mapansin kong may tao palang naliligo sa ilalim ng talon.
I silently shrieked and covered my mouth in struggle hoping he didn’t notice me. Agad-agad akong bumalik kung saan ako nanggaling at hinanap ang hagdanan na dinaanan ko kanina at mas lalong naramdaman kong manlamig ang buong katawan ko kasabay ng pagtaas ng mga balahibo ko.
The stairs weren’t there! Sigurado akong dito ako nanggaling kanina!
The only thing that faced me was nothing, but a wall made of stone and a tiny crystal flower sprout. Parang nawalan ako ng lakas at humanap ng bagay na pwede kong maggamit.
May maliit na bato akong nakita at agad yun kinuha. Mahigpit ko ‘tong hinawakan. Pwede na ba ‘to panglaban? F*ck, I don’t even know how to use my element.
I tried to remain as silent as possible, barely breathing, as I took my steps and turned around. Exactly when I turned around, the tip of a sharp sword was pointed at my throat. The stone I gripped so tightly earlier fell from my trembling hands.
My body froze in shock, fear, and blankness. I slowly looked at the person who was pointing their sword at me and there… I saw him again. The guy who saved me.
But this time, his sword is pointing at my throat and the life he saved a few months ago is now at stake in his own hands.
“Who are you?”