Everything felt heavy as I continuously fell deeper into the darkness I was in. Everything was dark and I could barely even breathe. Parang isang himala dahil buhay pa ako. Why am I alive? How come I’m alive when I’m not even breathing?
Hindi ko na maramdaman ang sarili kong katawan sa dilim na kinaroroonan ko. It was quiet, peaceful, lonely and scary. As I was about to fall asleep in the dark’s embrace, bigla kong narinig ang boses ng mama ko.
“Wake up, Asteria. Asteria…Asteria…Wake up, Asteria!” paulit-ulit na sabi ng boses.
Mama? Ilang taon ko na siyang hindi nakita at narinig ang boses niya. Miss na miss ko na ang init at lambot ng yakap niya. Mga panahong kontento na ako sa ngiti naming dalawa habang nakatanaw sa langit nap uno ng mga bituin. Miss ko na ang boses niyang kinakantahan ako sa tulog ko. Lumipas na ang ilang taon at unti-unti ko nang nakakalimutan ang boses niya.
Am I dead?
Mas lalong dumidilim ang paligid ko kasama na rin ang patuloy na paglakas ng boses ng mama ko pero binalewala ko lang ito at ipipikit na sana ang mga mata ko ng may ibang tunog akong narinig.
“Asteria, Asteria, Asteria, Asteria, Asteria…” my mother’s voice kept repeating my name along with her indescribable tone that made my heart more anxious.
Mas lalong lumakas at bumilis ang boses ni mama at naramdaman ko ang bilis ng t***k ng puso ko. I couldn’t feel anything from my body aside from my beating heart.
Mas lalong lumakas ang kakaibang tunog sa loob ng dilim. Tiningnan ko ang buong paligid ko but everything was in vain dahil madilim ang paligid ko. Habang bumibilis ang boses ni mama, mas lalong lumalakas ang kakaibang tunog.
Nang lumingon ako kung saan nanggaling nakakatakot na tunog ay parang humina ang t***k ng puso ko. The nightmare in front of me was indescribable. It was as if eating my soul wasn’t enough. Hindi ako makagalaw sa posisyon ko kahit gaano ko kagustong tumakbo sa gitna ng kadiliman. But suddenly – I had eye contact with the monster in the dark and at last, my heart stopped beating.
“ASTERIA! WAKE UP! ASTERIA!!!” my mother’s voice shrieked in terror as my body suddenly disappeared in the dark.
Agad-agad kong minulat ang mga mata ko at humihingal na napabangon mula sa kinahihigaan ko. Napahawak ako sa dibdib kong kanina pa hindi mapakalma. Halos hindi ako makahinga at napapikit para kalmahin ang sarili.
It was just a dream.
Matapos ang ilang mga segundo ng pagpikit, ngayon ko pa lang naramdaman ang malambot na higaan. Parang nakaupo ako sa isang kamang gawa sa ulap. Ramdam ko ang mga komportableng mga sapin ng kama at tuluyan nang nagtaka kung papaano ako nakahiga sa isang komportableng lugar.
All my life, tiniis ko ang lahat kahit sumasakit na ang likod ko.
Napatingin ako sa hindi pamilyar na silid na kinaroroonan ko at napansing madalang lang ang mga maliwanag na kulay sa silid. It was like my room in Black Palace. However, this room was more luxurious, elegant, and it screamed something that I couldn’t describe. It smelled more…like a man.
The scent was intoxicating but also sweet and pleasant to my nose. I had to stand up to look for fresh air before I let myself get enchanted in this room’s scent. Baka kapag tumagal, gustuhin ko nalang na ikulong ang sarili sa kwartong ‘to.
May nakita akong bintanang hindi kalayuan sa kama na kinaroroonan ko kaya tuluyan na akong naglakad papunta doon kaso may naramdaman akong sakit sa kaliwang kamay ko kaya napatingin ako doon.
A needle was placed on my wrist, painfully preventing me to take any step further. The needle was connected to a tube with liquid inside of it. From the looks of it—pasyente ba ko?
Ngayon na rin ulit bumalik sa isip ko kung anong nangyari bago ako nawalan ng malay. That’s right. I shouldn’t let my guard down. Tragic things happened to me just because I let my guard down.
Can’t I just let my guard down and lean on someone, anyone, even for one sec without taking painful consequences?
Napabuntong hininga ako nang maalala ko ang lahat ng nangyari at nalaman ko. I swear that I will be their karma. Alam kong walang mababago at mababalik sa pagnanais ko na paghihiganti, pero alam ko ring hindi ako makakatulog ng maayos kakaisip na hindi lang ako ang magiging biktima nila.
Hinding-hindi rin ako mamamatay ng maayos pag namumuhay silang hindi natikman ang katapat ng nakakamuhing pagkatao nila.
Pero hinding-hindi ko ‘to magagawa kung wala akong kapangyarihan. I needed knowledge and power, not only in battles but also politically. I lacked education since I couldn’t afford to go to school, I couldn’t escape the palace, and lastly, I had nothing. My cursed attribute was something no one in the kingdom could help me with.
I have enough knowledge since my mother taught me everything she knew before she died. Not only was my mother beautiful but also smart enough to defeat the scholars in the kingdom. Pero kahit napasa na niya sa ‘kin ang lahat na nalalaman niya, it wasn’t enough to bring those people down.
Mathematics, science, history, literature, etc. wasn’t enough to bring my life back to pieces.
I need more than that.
But first, kailangan ko munang malaman kung nasaan ako ngayon. The last thing I remembered bago ako nawalan ng malay ay ang isang pigurang nagpalaya sakin mula sa mga mabibigat na kadena na nagpapalubog sakin sa ilalim ng dagat.
That's right.
Silver hair.
Someone with silver hair like mine! Biglang may umapoy na pag-asa sa puso ko nang malaman kong may kaparehas ako sa mundong ito. Maliit lang ang nalalaman ko tungkol sa cursed attribute ko at kinokonsidera itong taboo ng Kahariang Lumina.
The only thing I knew about my cursed attribute was that the moment it awakens, nagiging kulay pilak ang buhok ng taong may cursed attribute. The cursed attribute not only affects the hair but also the eyes of its user hence, my red eyes.
It's beyond my relief nang malaman kong hindi lang ako ang nag-iisa sa mundong ito.
Napabuntong hininga ako at napangiti. Napatingin ako sa karayom na konektado sa isang tube at naiiritang tiningnan ito. Nagiging limitado ang galaw ko dahil dito. Kahit masakit, agad-agad ko itong kinuha mula sa pagkakatusok sa balat ko at napapikit sa sakit.
Pumunta ako sa pinakamalapit na bintana na nakikita ko at agad itong binuksan. The cold refreshing wind greeted me as my hair blew along with it. Napapikit ako dahil sa araw at dahan-dahan itong minulat, naninibago sa liwanag.
When I opened my eyes, I couldn't describe the euphoria I felt from the view. Lumina kingdom was pretty but...this view's way too otherworldly. Parang galing sa mga pantasyang panaginip. Sa sobrang ganda, a-assume agad akong nasa langit na ako.
The cityscape, the architecture, the fresh wind, the clear skies, the seashore that I see from afar, everything that I saw from above was beautiful. It seems like nasa itaas ako ng isang building. Hindi ko alam kung nasaan ako, but it seems like they've been treating me like a patient.
Hindi nila ako pinabayaan kahit hindi nila ako kilala. Unlike others.
I wanted to appreciate the scene much longer kaso biglang tumunog at umiilaw ang isang crystal na nakalagay sa nilalagyan ng tube na nakakabit sa 'kin kanina. Sa sobrang lakas ng ingay, nagpanic ako at lumapit dito, hindi alam kung ano ang gagawin.
I pressed and turned it and did every possible thing I could think of just to turn it off. Pero kahit anong gawin ko, walang nangyayari. Sa sobrang panic ko, naisipan kong itapon nalang ito sa bintana.
Just when I was about to take it and throw it outside the windows, biglang bumukas ang mga pintuan ng silid na kinaroroonan ko kasama ang pagpasok ng mga taong hindi ko kilala.
Multiple girls must be maidens and a few armed men who seemed to be vigilant of me and lastly, a guy with blazing red hair entered the room.
Agad kong nabitawan ang hinawakan kong bakal na may nakakabit na mga tubes at ipinalayo ito sa ‘kin. Napatingin sila dun at sa kamay ko. Halos lahat napatingin sa kamay ko kaya napatingin rin ako at ngayon lang namalayan na kanina pa ito dumudugo.
Oh Gosh.
Agad-agad na lumapit sa ‘kin ang kababaihan at ang isa ay may dala-dalang tray na may mga gamut para sa sugat. Inalalayan nila ako papunta sa kama at pinaupo, parang natataranta sa nakikita nila sugat.
“Young miss, please take care of your body. Mamamatay kami sa kaba pag nalaman ito ng hari,” sabi ng isang babae.
“Ha?” lutang kong sab isa kanila. Napabuntong hininga sila sa ‘kin habang maingat na pinaupo sa kama. They gently applied medicine to my wound, making me more curious why they would care for me.
At, ang hari? Bakit naman may pakialam ang hari sa ‘kin? Sinong hari? The place I’m in doesn’t seem to be Lumina Kingdom. Then…am I in another kingdom?
“How was your two-month sleep, my lady?” tanong ng lalaking nakakapang-agaw ng atensiyon dahil sa pulang buhok nito na parang apoy. Lumapit siya sa akin, his emerald eyes seemed to be observing my every move.
“Two months…?” wala sa sarili kong tanong sa kaniya. Ngumiti siya sa ‘kin at tumango.
“Yep. Dalawang buwan ka nang tulog matapos mong nawalan ng malay sa gitna ng dagat,” sagot niya sa ‘kin.
How did he know na halos mawalan na ako ng buhay sa dagat? He doesn't seem to be the one who rescued me. I swear the person had silver hair.
"You don't seem to be the one who rescued me," sabi ko sa kaniya at napatawa naman siya.
"Oh yes, hindi ako yun. In fact, I never noticed someone was drowning. But I was there though. It was him who saved you, my lady," aniya at tinapik niya ang ulo ko ng mahinhin.
"Him?" tanong ko sa kaniya at ngumiti lang siya sa 'kin at nilagay ang isang kamay sa tapat ng bibig niya.
"Secret," sabi niya at humagikgik naman ang kababaihan sa tabi ko habang nilalagyan nila ng bandage ang kamay kong may sugat.
"My lady, are you hungry? We prepared your meals after knowing you already woke up. Gutom ka na siguro dahil sa tagal mong pagtulog," sabi ng isang babaeng may dala sa tray ng mga gamot. Ngumiti siya sa 'kin as if telling me to trust her. Parang ang bata niya pa, parang nasa mga edad na 14-15 pa siya. Tatlo o apat na taon lang siguro ang agwat namin.
Dahil sa pagbanggit ng pagkain, tumunog ang tiyan ko. Nahihiya akong tumango sa kaniya at tumingin sa ibang direksiyon. Mahinang napatawa ang lalaking nag-aapoy ng buhok kaya napairap ako sa kaniya. Ngumiti ng mas malaki ang babae at agad-agad na lumabas sa kwarto.
"I'll prepare your meals immeiately, my lady," buong sigla niyang sabi sa 'kin at parang batang nakakuha ng bagong laruan na tumatakbo palabas. Matapos lagyan ng mga kababaihan ng first aid ang maliit kong sugat ay napatingin sila sa 'kin. Honestly, maliit lang yun na sugat pero parang nakasalalay ang buhay nila nang makita nila ang dugo.
It's not like it's my first time getting hurt.
Napangiti ako ng bahagya dahil sa aksiyon ng mga tao dito pero agad ding nawala dahil sa mga alaala kong pumasok sa utak ko. Unlike the maids here, I couldn't help but compare the life I had when I was back in Lumina Kingdom. Deserve ko ba 'to? All my life, parang hindi ako pwede maging masaya. Deserve ko bang masaya na walang kahihinatnan na haharapin?
"Babalik agad kami dito, Miss...," nahihirapan niyang sabi dahil hindi niya pa alam ang pangalan ko.
"It's Asteria po," sagot ko sa kaniya. Her face went panic-stricken for a moment before hurriedly saying,
"Naku, wag na po kayong mag 'po' sa amin," aniya at nagpatuloy sa sasabihin niya kanina, "Babalik po agad kami mamaya, Miss Asteria. We'll prepare your meals right now," aniya at nagpaalam sa 'kin kasama ang ibang mga kababaihan.
Bakit nila ako nirerespeto? Hindi nila ako kilala. Wala rin akong ideya kung nasaan ako. And what's more, wala akong title sa lugar na ito. It was uncomfortable at first dahil hindi ako sanay sa ganitong pagtrato ng mga tao sa 'kin. But their warm atmosphere made me slightly want to be comfortable.
"So, your name's Asteria? That's really interesting. Your parents must've been huge fans of mythology, right?" nakangiti niyang sabi sa 'kin. His intentions we're non-malice pero at the mere mention of my parents made me uncomfortable. Parang napansin niya ang pagiging hindi komportable ko kaya tinigilan niya ito.
"It's really pretty," he said, trying to make the atmosphere good again, at medyo umubo bago nagsalita ulit, "By the way, my lady. I'm Aefos," aniya at ngumiti sa 'kin.
His smile was warm. Really warm. His warm smile matched his blazing red hair and his gleaming emerald eyes.
"Aefos?" mahina kong sabi. Tumango siya sa 'kin.
"I don't have a surname," pagpapatuloy niya. Oh. May sitwasyon rin siguro siya.
"May tatlo akong tanong," sabi ko sa kanya.
"Yes? Ano yun?" tanong niya, it seemed like his whole attention was focused on what I was about to ask.
"Paano niyo nalamang gising na ako? I mean, hindi naman ako naging maingay," tanong ko sa kaniya. I was curious. Parang wala namang taong nakabantay sa kwarto ko.
"Oh. Naalala mo ba yung karayom na nasa kamay mo? Yung tinanggal mo? Well, it was connected to the tube that supported your daily needs when you were asleep. For example, it gives you nutrients enough to keep you alive while you're unconscious. Ang lala ng sitwasyon ng katawan mo nung dinala ka namin dito," kwento niya sa 'kin. "Nung tinanggal mo ang karayom, the tube immediately alerted all the staff who were assigned to you. I was one of those staffs."
"It was for precautions. Bakit? Plano mo bang tumakas?" tanong niya. Agad-agad akong umiling sa kaniya. Although sumagi yung sa utak ko, hindi ko naman alam kung nasaan ako.
"What's the next question?"
"Who rescued me?" tanong ko sa kaniya. I want to convey my thanks to that person kaso hindi ko siya kilala.
"As I said, secret," parang bata niyang sabi sa 'kin. "Next question please."
"Nasaan ako?" ang panghuli kong tanong sa kaniya.
"You're in the lands of Isikros, Lady Asteria. The main palace of Isikros Kingdom," sabi niya sa 'kin.
Parang tinamaan ako ng kidlat dahil sa nalaman ko. Isikros Kingdom, Lumina Kingdom's most hated enemy. They've been clashing with each other for years. Parang banta ang Isikros sa Lumina kahit wala naman itong ginawa. Just the mere mention of Isikros was enough to make my father, the king of Lumina, tremble.
What the hell is this...
Sobrang galit na ba ng mga langit sa 'kin?
Will my life be in danger once again? O gagamitin ko ba ang oportunidad na ito para sa pagwasak ng Lumina?
Of course, pipiliin ko ang pangalawang tanong. I'll use this chance given to me.
But--
What will happen if they find out that I'm a princess from Lumina?