Kabanata 4
Wala namang nangyaring kakaiba kahapon pagkatapos namin magkasabay ni Lucas nung umaga na iyon. Usual days habang may pasok.
Attend ng klase sa 3 major subject namin, puntang cafeteria, tumambay sa library then pagdating ng alas 4 ng hapon ay nagpasiya kaming tumambay naman sa may quadrangle habang naghihintay sa kaibigan namin na sina Lauren at Jamaica kasi nga busy pa sila sa office. Officers pa more.
Ang maganda kasi sa quadrangle namin ay may mahabang pathway na may mahabang sementong upuan. Yung pader ay may mga naka ukit na mga mukha ng Philosophers like sina Socrates, Plato, Aristotle, etc. with their oh so famous line. So anytime pwede ka doon maupo. Mainit ngalang pagtanghali.
Tambayan talaga iyon kapag hapon na kasi doon nag ttraining ang mga football players ng school. Tamang masid lang sa mga kuyang nakahubad while running with their balls, I mean yung bola kasi nga diba, football yung nilalaro nila. Kayo ha. Iba na yan.
Magmasid-masid sa mga estudyanteng dumaraan doon habang nakikita silang tumatakbo papuntang skywalk para doon dumaan kasi bawal lumabas at tumawid ng kalsada kapag may pasok sa kabilang area ng school.
Kapag tumawid ka kasi doon at nakita ka ng guard, nako asahan mo nang babalik at babalik ka doon sa pinanggalingan mo kanina. Tinatawag kasi agad nila sa guard doon sa kabila kung ikaw ay gumamit ng kalsada na may pasok ka naman pala sa kabilang building.
Kung ako sayo, sa skywalk ka dumaan para safe. Lugi ka talaga kapag yung pasok mo ay nasa gym tapos yung sunod mong klase ay sa kabilang area ng campus. Kailangan mo talagang magmadali kahit nalilimutan minsan ang hindi pagpapalit ng PE uniform. Kahit pagod need mo pang umakyat ng hagdan para doon dumaan. Jusko po, pagbaba mo ng skywalk ewan ko nalang kung makahinga ka pa ng maayos.
Pero nakakamiss yun ha, naalala ko pa nga nung ilang beses kaming nahuli sa klase, pinagalitan kami ng guro namin, maayos sana kung hindi major yun, mabuti na lang naintindihan agad ni Maam kung bakit kami nalate sa klase. Ang pinaggawa na lang niya sa amin ay pinagpahinga kami ng ilang minuto at sinabihan na ipasabi sa instructor namin sa PE na agahan yung pagdismiss sa amin ng mga sampung minuto para naman makapag bihis pa kami. Sigh.
Been there ika nga. Buti nalang tapos na kami sa kahirapang iyon. Less hassle na kasi tapos na kami sa PE, hanggang 2nd year kasi ang pagtake ng PE subject.
Nagkwekwentuhan kami nina Mica at Thara tungkol sa mga kuyang nasa harapan namin na naglalaro ng football ng makarinig kami ng sigaw sa gilid namin.
Huli na ng mapagtanto namin na ang bola ay papunta sa gawi namin. Dahil sa kabagalan kumilos ng dalawa, natamaan sa ulo si Mica. Hayun nakatungo na nakahawak sa ulo at parang di alam ang gagawin. Agad naman namin siyang dinaluhan. Tinanong kung okay lang siya. Nag thumbs up naman ito sa amin. I guess okay talaga siya.
Tumingin ako sa kuyang tumatakbo papunta sa banda namin, tinanong agad si Mica kung ayos lang ito.
"Sa tingin mo ayos lang ako? Kung ikaw kaya tamaan ng bola sa mukha hindi ka magiging ayos ha? Ha?! Ano?!" galit na sabi, I mean, sigaw ni Mica sa kuya na nasa harap.
Teka nga! Ba't ba ako kuya ng kuya eh halos magkaedaran lang ata kami neto.
Si lalaki naman napakamot sa batok nito at agad na humingi ng pasensiya pero halatang nainis sa sinabi ni Mica.
"Ay sorry ha, kami itong may kasalanan kasi naman bakit ba kami tumambay dito na alam naman namin na naglalaro kayo dito. Di ba namin alam na pwede kaming matamaan ng bola? Naku naman. Tanga naman namin. Sorry talaga ha?" sarkastikong sabi ni Mica sabay yuko ng ulo. Naku kung alam lang ng lalaking ito kung ano ang magagawa ni Mica sa kanya. Patay ka talaga!
Nagpasalamat nalang ako na nandito kami sa school. Maraming tao sa paligid. Hindi magagawa ni Mica ang karumaldumal na sasapitin sana ni lalaki.
Speaking of paligid, nakita ko yung mga estudyante na nakaupo sa quadrangle at sa pathway na nakatingin ito sa amin. Yung iba natatawa at yung iba naman ay seryoso lang na nakatingin sa amin. May napatigil pa nga sa paglalakad dahil sa nangyari.
Napayuko naman ako at hinila na sina Mica at Thara para makaalis na. Ito namang si Thara, hindi alam ang gagawin. Nakita ko itong pasimpleng umaatras para yata magtago. Pinanlakihan ko naman ito ng mata para sabihing tulungan ako mapalayo si Mica kay kuyang lalaki--basta---Lalaki siya.
Umiling naman si Thara sa akin. Napahawak nalang ako sa mukha at tumingin sa harap kung saan naglalaro ang ibang players ng football. Buti nalang pala at tinuloy nila yung game. Kung nagkataon ay sa amin ang atensiyon ng lahat.
"Ahm, ano kuya, bumalik ka nalang doon sa laro niyo. Nakaagaw na kasi tayo ng eksena. Please. Sorry na din sa abala. Hala sige humayo kana." sabi ko naman sa lalaki sabay abot doon sa bola na nasa paanan ni Mica.
Hindi ko alam kung ano yung itsura ko habang sinasabi iyon. Eh kasi naman si Mica bumalik na sa pagkakaupo at nakatungo na ito sa kaniyang cellphone na parang walang nangyari. Dedma nalang. Yung ibang tao naman ay balik na sa kanilang ginagawa.
"No. Ako dapat ang magsorry. Although hindi naman ako ang nakatama sa kaniya ng bola but still ka team ko yung nakatama kaya dapat lang na magsorry ako. Yung kaibigan ko kasi natakot na lumapit dito baka daw masuntok siya nitong kaibigan mo. Pasensiya na sa ginawa nito. Asahan niyong mapaparusahan iyon." nakangiting sabi nito sa akin at agad naman itong tumingin kay Mica na nakayuko pa rin.
Alam kong nakikinig itong maldita na ito. Nahiya ata sa pagsigaw nito sa lalaki kanina. Yan kasi padalos dalos. Tsk.
"I'm Allen Paul. From CAS, I.T students." pakilala nito sa amin, sa akin pala. Ako lang naman kasi ang nakikipag usap kay Allen. Lumingon naman ako sa likod upang tawagin sa Thara kaso wala ito doon. Nasaan kaya iyon. Iniwan ba naman kami rito? Mamaya ka Thara Camille!
"Ako si Maelle, siya naman si Mica Muriel. Taga CME kami, Entrep students." sabi ko sa kanya habang nakangiti. Wala atang plano itong si Mica tumayo at humarap kay Allen kaya lumapit ako ng konti kay Allen at sinabing,
"Pasensiyahan muna si Mica, nabagok ata ulo at di na alam kung paano iaangat mukha niya. Maldita attitude na iyan panigurado. Lagot ka!" pananakot ko naman sa kaniya. Nakita ko pa itong napalunok at tumingin kay Mica. Natawa ako doon.
Natigil lang kami sa pag uusap ng makarinig kami ng pito sa likod. Tinatawag na pala siya ng coach nila.
Tumingin ito sa akin ng nakangiti at kay Mica naman na nakayuko pa rin. Opo, nakayuko pa rin. Paniguradong magrereklamo ito mamaya na masakit leeg niya. Naku.
"Ah, sige, tawag na ako ni coach. Sorry talaga sa inyo. Pagsasabihan ko mamaya ang kaibigan ko na magsorry kay Mica ng personal." sinserong sabi nito.
Napaatras naman ako ng humakbang ito papalapit kay Mica sabay hawak sa balikat nito. Napaangat tuloy ng tingin si Mica na mahahalata mong inis pa rin sa nangyari pero nang tumingin na ito kay Allen ay parang nagtaka pa ito kung bakit nasa harapan niya ang lalaki.
"I sincerely apologize for what my friend did awhile ago. I'm really sorry Mica. Please be careful next time." nakita ko naman ang lungkot at seryoso sa mga mata ni Allen habang humihingi ng pasensiya. Ewan ko nalang kung hindi maramdaman iyon ng malditang ito.
Si Mica naman ay dedma pa rin. Parang walang narinig. Nakatingin ito sa mata ni Paul na parang tinitimbang kung totoo ba ang pagsabi nito sa kanya.
Nang mapansin ni Allen na walang planong magsalita si Mica ay tumalikod nalang ito papunta sa field kung nasaan yung coach nito na may kausap na lalaki, nakita ko pang nakatanggap ng suntok sa balikat yung lalaki galing kay Allen. Baka siya yung nakatama ng bola? Ewan, hindi ko naman nakita.
Wait lang ha,napansin ko kanina ang seryosong pagtitinginan ng dalawang to ha. Parang iba naman na atang issue ang sorry ni Allen kanina? Whatcha think? Nasaan naba kasi itong si Thara at ng makurot sa singit.
"Uy Maell!!!" rinig kong sigaw sa likod ko habang tinatapik ang likod ni Mica.
Pagtingin ko dito ay sina Thara kasama si Lauren at Jamaica. Saan kaya si Donna? Anyways, may kasalanan itong babaeng ito.
"Sorry we're late. How's Mica? Is she alright? What happened ba kanina? Me and Jamaica was having our late lunch kanina in the office when I saw Thara leaning on the door. And then she said that Mica and you are in trouble that's why we hurry to go here. But where's the guy? I don't see him." halatang kagagaling lang sa pagtakbo itong si Lauren kasi naman hinihingal pa habang nagsasalita.
Uminom ito ng tubig sa tumbler niya at ibinigay kay Jamaica para uminom din ito. Nakalimutan kong sabihin na sanay na kami na uminom sa isang baso.
"Huli na kayo. Okay naman na si Mica kaso hindi naman nagsasalita. Kanina pa yan natungo. Ewan ko ba dito. Hindi na ata marunong kung paano mag angat ng mukha. Yung guy naman, si Allen iyon. Ayon siya oh, nakaupo sa gilid ng flagpole kasama yung coach nila."
Tumingin naman sila sa itinuro ko. Ito namang si Lauren parang kinikilatis pa yung guy. With matching papitik pitik pa ng kamay.
"Wait, the guy is familiar. Where did I saw him ba? Come on brain do the honor!"
Natawa naman kami sa ginagawa ni Lauren.
"Tama na ngayan. Tapos na. Nangyari na. At isa pa, natural na familiar siya kasi po athlete siya ng school. Baka nakikita mo siya sa mga laban nila sa ibang lugar or ibang school." sabi naman ni Thara habang kumakain ng fishball at kwek kwek naman sa isang kamay niya.
Aba't may gana pa talaga itong kumain samantalang ito kami nahihirapan kung paano patatayuin itong si Mica.
"Hoy Thara Camille! May kasalanan ka pa sa akin. Iwanan ba naman kami dito kanina. Saan na yung fishball namin. Libre mo kami!" ako ulit yan.
"Eh sorry naman, nakaamoy kasi ako ng fishball kanina kaya lumabas ako saglit since nag uusap pa kayo nung Allen na iyon. Sorry naman." sabay pacute niyo sa akin habang may fishball na nginunguya. Mabulunan sana. Hahaha
Si Lauren at Jamaica naman kinakausap si Mica na nakaupo at naka angat na ang mukha. Nangingiti na rin ito. Malamang nagkwento itong dalawa na ito ng nakakatawa para mapatawa ito. Mga sunflower kasi namin itong sina Lauren at Jamaica. Magaling mag ayos ng mood ng isang tao. Sunshine namin ang mga iyan.
"Guys, if it's okay, eat muna tayo before we go home. No KKB for now, it's my treat. Ge kayo?" iba talaga iton Lauren namin, alam kung saan masasakto ang panlilibre hahaha. Buti nalang at ng makapaghulog ako sa alkansiya mamaya.
"Ge kamiiii!!!" sabay naming sigaw habang naglalakad na palabas ng gate.
"I'll just call Donna if she can go with us." kinuha agad ni Lauren ang kanyang cellphone para matawagan na si Donna. Lumayo ito ng konti sa amin. Pagbalik niya, nakasimangot na ito.
"Donna can't come with us. She's with her other friends daw. Next time nalang siya sasama sa atin."
"Ganun ba? Sige. Okay lang. Babawi naman siya eh. Smile kana diyan. Para ngayon lang naman. Tara na at ng mapakain ko na itong alaga ko sa tiyan." sabi ni Thara sabay lingkis nang braso niya sa mga braso namin ni Jamaica.
"Grabe yang tiyan mo Thara ha, hindi pa ba yan busog aba't nakarami kana ng fishball at kwek kwek kanina ah?" panunukso ni Mica sa kanya. Mabuti nalang at okay na si Mica. Siguro nakalimutan na niya yung nangyari kanina. Pag usapan talaga na pagkain, nawawala ang mga mood swings ng mga ito.
"Ano ba kayo, siyempre pag pagkain, walang atrasan to hanggat hindi napapaCR." tawang tawang naman ito sa sinabi niya. Napailing nalang kaming apat sa kanya.
Nagkatinginan naman kami ni Mica at ngumiti ito sa akin. Lumapit ito at nagulat ako ng niyakap niya ako ng patagilid.
"Salamat kanina Maell. Buti nalang nandiyan ka palagi sa tabi ko. Si Thara kasi basta pagkain, iiwanan talaga ako nun doon." nakapout ito na nakasandig sa balikat ko.
"Okay lang yon ano. Buti nalang mabait si Allen. Hindi na nakipagtalo kanina. Uy, magsorry ka rin sa kanya. Nasigawan mo kaya yung tao kanina. Nahiya siguro yon kasi maraming nakatingin." sabi ko sa kanya.
Totoo naman kasi, need niya ring humingi ng tawad kasi kawawa si Allen kanina. Nasigawan kahit na hindi naman siya ang may kasalanan. Naku naman, bat kasi itong maldita ko pang kaibigan ang natipuhan ng bola, yan tuloy.
Bumitaw na sa pagkakayakap sa akin si Mica at nagsabi na mag so-sorry lang siya kapag nakita niya si Allen. Kapag, pinagdiinan niya talaga yang salita na iyan. Attitude talaga ito.
Nagulat nalang kami ni Mica ng hilahin na kami ni Thara para maghanap ng mauupuan. Nasa tapat na pala kami ng isang fastfood chain. Muntik pa kaming lumagpas.
Si Lauren at Jamaica naman papuntang counter. Alam na nila kung ano yung o-orderin. Pagkadating ng order namin ay agad kaming kumain. Nagkwentuhan saglit at naisipan ng umuwi kasi gumagabi na at sasakay pa ako ng jeep pauwi. Baka mahirapan akong makasakay kung magpagabi pa ako lalo. Buti pa sila kasi isang sakay ng multicab ay sa kanilang boarding house na.
Sarap ng tulog ko nito panigurado. Kapagod itong araw na ito.
Author's note:
No Maell and Lucas moment for now. Hehe
Don't forget to vote ⭐, SHARE and leave a comment. ♥♥♥