KABANATA 3

1951 Words
Kabanata 3 Lumipas ang araw ng sabado at linggo na mabilis. Wala naman akong gaanong ginawa nung weekends. Yung palagian ko lang ginagawa sa bahay na maglinis, mag walis ng bakuran, magdilig ng halaman at tumulong na din sa assignment ng kapatid ko. Sa gawaing kusina naman, ako yung nakaatasang magluto ng pagkain namin kasi wala naman nang pwedeng gumawa nito kundi ako na ate. Simula nung namatay si Mama, ako na yung gumagawa sa kaniyang gawain nung nabubuhay pa siya. Mabuti na nga lang natutunan ko nang magluto ng iba't ibang ulam nung buhay pa si Mama. Mahilig kasing magluto iyon at magaling rin mag bake ng cake. Bonding namin ni Mama noon kapag walang pasok ay magluto, maglinis ng bahay at ang magkwentuhan ng kung anu-anong pangyayari sa school. Hindi ako close sa Papa ko. Si Kael naman kay papa, boys eh. Madalas akong magsabi ng sama ng loob sa Mama ko kasi alam ko na makakaintindi siya at hindi ako pagagalitan, tutuksihin nga lang, lalo na kung tungkol ito sa mga nagugustuhan ko sa school. Nakakamiss pa la ang presensiya ng isang magulang kung ito ay wala na. Sobrang nakakapang hinayang lang talaga na hindi ko manlang nasuklian ang kabutihan at pag aaruga nito sa amin nung maliliit pa kami. Pero di bali, kahit na wala na ang Mama, andito naman si Papa na mag aalaga sa amin at aalagaan din namin siya sa kanyang pagtanda. *** ARAW ng Lunes. Habang nasa hapag kami nila papa at ni Kael, nagkwe-kwentuhan ng tungkol sa pag-aaral namin. "Kael, tapos ka na ba sa mga assignments mo? Nalaman kong nagpatulong ka sa ate mo nung isang gabi." sabi ni papa habang nakahawak sa tasa ng kape. "Opo Pa. Hindi kasi kaya ng utak ko yung mga tanong. Kailangan ng college level na utak para maintindihan yun." sabi ni Kael habang ngumunguya ng ulam. Ako naman ay napapailing nalang. "Ikaw talaga. Wag mo ngang istorbohin yung ate mo. Alam mo naman na may ginagawa din yan." "Opo Pa. Hindi na. Sa susunod na lang." pilyong sagot nito. "Okay lang yon Pa. Wala naman akong ginagawa nung araw na iyon. Kaya naman talaga ni Kael sagutan iyon, ang kaso nakatutok lang sa cellphone kaya hindi nagana yung utak." agad kong sabi sa papa. "Ikaw Kael ha. Baka lumabo na yang mata mo kaka cellphone. Mag-aral kang mabuti. Hindi puro games ang inaatupag mo." Napakamot naman sa batok si Kael. "Oh, sige na at mag-handa na kayo sa pagpasok. Malate pa kayo. Ikaw muna Iska ang mauna sa pagligo dahil Lunes ngayon. Pahirapan ang pagsakay. Ikaw naman Kael, maghugas ka ng pinagkainan at nang matuto ka kung ano nga ba talaga ang mauuna, yung baso o pinggan." "Pa, alam ko yun ano. Siyempre baso muna bago pinggan." napailing na lamang si Papa at lumabas ng bahay. Ako naman ay pumanhik na sa itaas para kunin ang tuwalya at bumaba agad para maligo. Pagkatapos kung maligo at mag-ayos, bumaba na ako, tumingin saglit sa salamin malapit sa pintuan kung okay na ba yung ayos ko at kinuha yung school ID na nakasabit sa gilid ng salamin. Dito ko talaga nilalagay yung ID ko dahil malimit ko itong nakakalimutan kapag nagmamadali sa pagpasok. Pagkatapos ay lumabas na ako ng bahay para magpaalam. Nakita ko si papa na naglilinis ng kanyang motor. "Pa, alis na ako." "Sige. Mag-iingat ka sa biyahe. Tawagan mo ako mamaya kung hindi ka makakasakay agad. Sunduin nalang kita sa eskwelahan mo." "Opo pa. Sige po." Pagdating sa kanto, may nakita akong jeep na nakaparada doon. Naghihintay pa kasi sila na mapuno bago umalis. Buti na lang konti pa lang kami. Umupo ako sa dulo ng jeep. Malapit sa pintuan. Dito talaga ako pumupwesto kasi malapit sa babaan at malapit sa konduktor. Yun nga lang, taga abot naman ng pera. After 35 minutes, bumaba na ako para pumila sa susunod na multicab papunta sa eskwelahan. Habang nagkakalikot ako ng bag, may narinig akong sumisitsit. Hindi ko yun pinansin. Pero ng hindi tumigil, nagpasya na akong lumingon. Hulaan niyo kung sino. Si Lucas lang naman po. Opo. Yung crush ko. Hindi ko alam na dito pala siya sumasakay sa umaga. "Uy Elle! Dito ka! Bilis! Maunahan ka pa." kahit na gulat ay naglakad na ako ng mabilis papunta sa likod niya. Mapunta pa ako sa hulihan edi mahuli pa ako sa klase. Agad naman itong humarap sa akin habang hindi pa dumarating yung sasakyan papuntang school. "Dito ka rin pala pumipila?" kunwari hindi ko alam na dito siya pumipila para lang may mapag-usapan. Akward kaya. Noong biyernes lang kami nagusap, ngayon naman nagkita pa sa sakayan. Ilang beses ko na siyang nakikita dito. Ngayon lang kami nagkasabay sa pagpila, yung malapit ba. Minsan kasi nakikita ko siya sa pinakaunahan ng pila pag masyadong maaga pa. Iba yung schedule namin kaya nagkakasalisi kami sa pagpasok sa umaga. Maaga lang akong sumasakay papuntang school kapag araw ng lunes. Palagi kasing maraming pumipila sa araw na iyon. Mga takot ma late sa unang araw ng linggo. "Ah, oo. Malapit lang yung bahay namin dito. Kaya imbis na maghintay doon, nilalakad ko na lang para siguradong makakaupo ako ng maayos. Kung doon kasi malamang na punuan at kung mamalasin ay kalahati lang ng pwet mo yung makakaupo. Nakakangawit kaya sa binti!" "Sinabi mo pa! Na experience ko na rin yon. Grabe lang. Nangalay yung binti ko. Nung pababa na ako, parang naging gelatin sa lambot yung paa ko dahil sa manhid. Buti nalang nakahawak ako sa railings sa may gilid. Si manong naman kasi alam niyang iba-iba yung size ng katawan ng mga pasahero ay sige parin sa pagpapasakay. Mga pasahero tuloy yung naiipit." yung mukha ko halatang naiinis. Nakabusangot. Kasi totoo naman. Hirap kaya na kalahati lang ng pwet mo yung naupo, buti sana kung 3 minutes lang sa biyahe. Eh minsan halos mag-10 minuto pa bago may bumaba. Pagtingin ko sa kanya, nakatingin siya sa akin na parang gustong matawa. Kaya sinikmuraan ko. Mahina lang naman. Di pa kami ganon ka close para itodo ko na yung pagsiko. Sinamaan naman niya ako ng tingin. Sinuklian ko lang siya ng tawa. Napalingon kami sa harap ng tinawag kami ng dispatcher para ipaalam na pwede ng sumakay. Pinauna muna niya ako bago siya. Dito ako sa likod ng driver at siya naman ang katabi ko. Magkadikit na yung mga braso namin dahil siksikan sa loob. Nakaramdam ako ng konting kuryente? Luh. Meralco lang. Haha. Napatingin din siya sa mga braso namin at tumingin sa akin. "Okay ka lang ba?" "Oo naman. Ikaw ba? Di ka naiipit diyan?"tanong ko sakanya. "Okay lang." ngumiti naman siya sa akin. Mayamaya, "Ate paabot nga po nang bayad. Salamat." sabi ng isang estudyante. Highschool ata. Ngumiti naman ako sa kanya at nung akmang aabutin ko na iyon, naunahan ako ni Lucas sa pagkuha ng pera. Pagkalingon ko sa kanya nakangiti lang ito sa akin. Siya namang pag-abot niya nung pera sa driver. Yung ibang pasahero naman ay nagsipag-abot ng pamasahe na si Lucas lang yung nag-aabot sa driver. Yung kaharap kasi namin na malapit din kay manong driver eh dedma lang. Sige sa pagtingin sa cellphone. Kala mo naman. Alam ko yang galawan ateng. Ayaw mo lang mag-abot ng pera. Ginagawa ko rin kasi iyan. Nakakatamad kasi. Nangyari na kasi sa akin na yung pasahero mag aabot ng pamasahe, akala ko walang kukuha kaya inabot ko naman kaya lang mayroong nauna na kamay at siya na ang nag abot sa driver. Si ako naman kunwari di affected. Tingin sa labas, tingin sa cellphone at isiping hindi nangyari iyon. Nakakahiya kaya. Napansin ko naman yung pawis niya sa noo. Kinuha ko yung pamaypay sa loob ng bag at pinaypay ko ito sa aming dalawa. Yung sikat ng araw kasi nasa likod namin kaya sobrang init. Natawa naman siya. "Wala ka bang panyo? Yung pawis mo umabot na sa leeg." tanong ko sa kanya pagkakita ko sa pawisan niyang mukha. "Yun nga eh, nakalimutan ko kanina dahil sa pagmamadali." sabay kurot sa ilong niya. Nahihiya ata. Sus, wag ka nang mahiya, mabango ka pa naman. Hehe Kaya inabot ko sa kanya yung pamaypay at kukunin ko na dapat ang panyo sa bulsa ko kaya lang dahil masikip sa banda ko, di ko maiwasan na matamaan yung tagiliran niya na nagpalingon sa kanya sa akin. Natawa naman ako dun. May kiliti pala siya. Makurot nga sa susunod. Hehe Nag peace sign nalang ako sa kanya sabay abot nung panyo ko. Nagdadalawang isip pa nga siyang kunin kasi wala na daw akong gagamitin mamaya. Sabi ko naman sa kanya na manghihiram nalang ako ng panyo kay Thara, malapit lang naman ang boarding house neto. Agad agad naman siyang nagpahid ng pawis. Kada lumilingon siya sa akin ay nangingiti siya. Yung ibang pasahero naman ay busy kaka cellphone. Yung iba nakapalsak ang earphone, soundtrip lang. Itong katabi nga ni Lucas ay mobile legends nilalaro. Imbes na magbasa ng notes, games inaatupag. Naku naman. Ilang minuto ang lumipas, bumaba na kami sa kanto ng eskwelahan. Naglalakad na kami papunta sa second gate ng university. "Elle, ito yung pamaypay mo. Salamat kanina." "Walang anuman. Grabe ang init init sa pinas."sagot ko naman. "Parang di ka pa nasanay sa klima ng bansa natin." natatawang sabi nito. "Yun nga eh. Pag ako nagkapera, pupunta talaga ako sa New Zealand, di kaya sa Switzerland o sa South Korea, kung saan malamig at doon na titira..---.ay teka, malamig ba doon sa New Zealand at Switzerland?" Paglingon ko sa kanya, nakatingin lang siya ng deritso at yung mukha niya ay walang emosyon. Problema nito? Nahampas ko tuloy siya sa balikat. "Hoy! Tinatanong kita! Malamig ba doon?" lumingon siya saglit at naglakad ng mabilis habang nagsasalita. "Aba'y malay ko. Di pa naman ako nakapunta doon." "Ito naman! Tinatanong lang eh. Kasungit naman." "Baka po di mo pansin, nasa harapan na po tayo ng gate ng university. Kadaldalan mo kasi." natatawang saad nito sabay gulo sa buhok ko. "Ano ba! Kita mo nang buhaghag buhok ko, lalo mo pang ginulo." "Asus naman. Sige na. May pasok pa ako. Kita nalang tayo bukas. Isasauli ko pa itong panyo mo." "Okay lang kahit wag na." mahinang sabi ko. Remembrance ba. Haha "Totoo?" halatang gulat na masaya ang kanyang tinig. Napatingin naman ako sa kaniya. Narinig niya yon? Nakakahiya ka Maell! "Hindi noh! Joke yun. Joke. Mauubos na panyo ko. Kaya isauli mo yan ha?" "Okay, okay. Sige lakad na. Libre mo ko bukas. Nilibre kita ng pamasahe baka akala mo." "Oo na, oo na. Bye!" At naghiwalay na po kami ng daan. Ako papunta sa kaliwa upang katagpuin sina Mica. Si Lucas naman deritso ang lakad. Nakita ko siyang tumatakbo patungo sa kumakaway na si Lyndon kasama si Kevin na nakatutok sa kanyang cellphone. Lumingon pa nga sa gawi ko si Lyndon at mahinang tumango sa akin ng nakangiti. Inakbayan naman silang dalawa ni Lucas habang naglalakad papunta sa college building. Lumingon saglit si Lucas sa akin at tumalikod habang kumakaway ang kaliwang kamay nito na nakadagan sa balikat ni Kevin. Napangiti naman ako at lumiko na ng daan. Nakita ko rin sina Mica doon sa may fishpond. Pinapakain ang mga isda doon. Nung marinig namin ang bell, nagmadali na kami sa paglalakad dahil ang susunod na klase namin ay sa kabilang building pa. Author's note: Nadelete ko po yung unang draft nito. Nakakaiyak huhu. Buti nalang naisulat ko kaagad yung ibang scene na naalala ko sa naunang draft. Anyway, Thank you sa nagbabasa nito. Na appreciate ko po. Hehehe Don't forget to vote ⭐, SHARE and leave a comment. ♥♥♥
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD