“ f**k! Hayop ka.. Demonyo ka!” walang tigil ang pagpupumiglas ni Lyresh pero mas malakas sa kanya ang binata. Sinira nito ang kanyang suot na damit. Pinunit kaya lumantad ang kanyang katawan.
Nag iiyak ng husto si Lyresh at buong lakas na pinigilan si Zyaire sa balak nitong gawin. Nakapatong na ngayon si Zyaire sa kanya at hindi magawang lumaban sa pwersa nito. Naglakbay ang isang kamay ng binata sa dibdib ng niya. Takot na takot si Lyresh, magkahalong iyak at sigaw ang ginawa niya.
“ Parang awa mo na!! Magbebehave na ko please! Wag mo tong gawin parang awa mo na Zyaire!” Mangiyak ngiyak na pagmamakaawa ni Lyresh. Agad na kumalas si Zyaire sa dalaga at sakto naman na nasa destinasyon na sila. Bumaba ito at iniwan siyang sira ang damit. Nangingilid ang mga luha ni Lyresh at hindi makaya ang sitwasyong meron siya. Isang demonyo ang makakasama niya ng habang buhay.
***Nakahanda na ang lahat at magaganap na ang engrandeng kasal. Lahat ng mga kilalang tao, mayaman halos sa buong mundo ay imbitado at dumalo. Ang buong paligid at mga ginamit sa kasal ay halos umabot sa 30 Million Us Dollars. Maliban pa sa mamahaling suot ni Lyresh at Zyaire na pinasadya pa sa France.
Hindi sumagi sa isip ni Lyresh na magiging ganito kabongga ang kanyang kasal sa demonyong si Don Zyaire Torricelli. Pinagmamasdan niya ang kanyang anyo sa malaking salamin. Mapanuri ang kanyang mga mata ng biglang may kumatok.
“Tara na ho mam. Magsisimula na ho ang kasal.” Tila nabingi siya sa kanyang narinig. Tama ba to ikakasal na siya. Hindi pa din siya makapaniwala na ganito siya dadalhin sa altar. Isang sapilitang kasal na magiging bangungot habang buhay para sa kanya.
[LYRESH FONTANILLA POV]
Ang ganda ko sa salamin pero bakit ang panget ng pakiramdam ko. Ito na ba ang magiging katapusan ko? Ikakasal ako sa isang demonyo. Hayop talaga siya. Paano niyang naatim na sirain ang suot ko kanina sa sasakyan. Mabuti na lang at andun ung may emosyon na kasambahay. Tinulungan niya akong malagpasan ang kahihiyan na yun.
Hindi pa man kami kasal impyerno na agad ang sitwasyon ko. Gwapo nga siya, saksakan ng yaman at walang makakahigit pero sukdulan din ng sama ang hayop na yun.
ANG IKAKASAL
***Kasalukuyang naglalakad si Lyresh kasabay ng mala langit na musika at ang paningin ng lahat ay nasa kanya. Natatanaw na niya si Zyaire sa harapan at hindi mapigilang hindi mapaluha sa bawat hakbang na kanyang gawin pakiramdam niya gusto niyang tumakbo at tumakas sa kapahamakang ito. Mabuti na lamang at natatakpan ang kanyang mukha ng blusher wedding veil.
“Ngayon saksihan ho natin ang pag iisang dibdib ni Zyaire at Lyresh na wagas na nagmamahalan at ngayon ay pagbibigkisin ng Panginoon.”
Ang mga salita ng pari ay hindi pumapasok sa isip ni Lyresh. Para itong tunog na wala siyang naiintindihan at tanging paghihinagpis ng kanyang puso ang siyang namumutawi sa buong pagkatao niya. Nadudurog ang kanyang sarili sa mga kaganapan at pilit niyang isinisiksik sa kanyang isipan na para ito sa kanyang ina. Kapalit nito ang magandang buhay para sa pinaka mamahal niyang mama.
Ang paglabas sa ospital ng mama niya ang pinagtutuunan niya ng pansin. Pinagdadasal din na matapos na ang proklamasyon. Masama ang timpla niya sa mga kaganapan na parang isusuka niya na itong lahat.
[LYRESH FONTANILLA POV]
“You may kiss the bride.” Tang ina ng marinig ko yun mas lalong bumilis ang kaba sa dibdib ko. Itong demonyong to ang magiging first kiss ko. Naiiyak ako na maisip na sa ganitong sitwasyon ko makukuha ang unang halik ko sa tanan ng buhay ko.
Naramdaman ko ang pagdampi ng labi niya sa labi ko. Bahagya niyang ibinuka ang mga ito gamit ng bibig nya. Hindi naman ganun kasama dahil hindi naman siya bad breath at malambot ang mga labi niya pero naghihikahos pa din ang kalooban ko para sa taong to.
Naisip ko tuloy si God sa heaven kung nakikita niya ba ang kalagayan ko ngayon at sang ayon ba siya rito? Hindi bat ikinakasal ang dalawang tao dahil nagmamahalang wagas pero ang samen ay isang malaking kasinungalingan at pagpapanggap.
Nagsigawan ang lahat at pumalakpak ng sabay sabay matapos akong halikan ng isang demonyo. Hindi ba nila nakikita ang sungay ng taong ito. Parang natatanging ako lang sa silid na to ang nakakaalam ng tunay na pag katao ni Zyaire Torricelli.
“ Umayos ka Ms. Fontanilla. Act as if you are totally damn in love on me kung ayaw mong masaktan sa akin mamaya.” I heard his threaten again at ngayon sasaktan niya na ko? Tama ba ang dinig ko? Dahil ba sa kasal na kami at may fully authorization na siya sa ken?
Gusto kong maiyak pero pilit kong tinatatagan ang kalooban ko. Ngayon ay ganap na akong Torricelli. Parang nakatali na ang buong pagkatao ko sa demonyong ito at wala ng pag asang makatakas pa. How I wish kay God na sana panaginip lang ang lahat ng ito.
“Mr. Torricelli congrats. Napaka ganda ng Mrs. mo.” Isang lalaki ang nakipag kamay sa kanya. Isa rin tong ubod ng yaman for sure sa itsura pa lang at tindig. Makakapal na alahas sa leeg at wrist. Matapos yun sunod sunod na ang mga lumalapit at kumakausap sa amin habang ako nasa tabi lang ng demonyong ito. Hindi nawala ang kamay niya sa bewang ko. As if naman may chance akong tumakbo palayo sa kanya. Narinig ko pa ang hiyawan at chismisan ng ilang mga babae rito.
1st Girl: Grabe bakit siya? Parang hindi naman siya kilala sa lipunan. Sino ba ang babaeng yan at san siya nadampot ni Zyaire. Alam ba yan ni Luna? Mukha siyang hampas lupa.
2nd Girl: Gandang ganda sa sarili mukha naming hiniram sa aso ang pagmumukha niya. Malanding babae. For sure nilandi niya lang si Zyaire Torricelli.
“Gutom ka na ba? Don’t mind them.” first time narinig ko ang mababang boses nito o baka nananaginip lang ako. Tama ba to tinatanong niya kung gutom na ako. Concern ba siya saken o kasama to sa kanyang pagpapanggap sa harap ng maraming tao ngayon.
Umalis kami roon at dinala niya ako sa isang kwarto. Bumilis ang t***k ng puso ko. Bakit niya ako dinala rito. Anung binabalak niya. Hindi pa ako handa sa pwedeng mangyari.
Napaka ganda ng silid at puno ng ilaw. Malalaking chandelier. Ang sahig ang lambot at mukhang mamahalin ang carpet. Naiilang akong nakakapit pa din siya sa bewang ko. Wala naman ng bisita at kaming dalawa na lang ang naiwan.
“ Sir handa na po.” Isang lalaking nakaitim ang may tila ibinulong sa kanya kaya mas lalo akong nangatog. Anu ang gagawin niya saken. Gusto kong sumigaw at pigilan ung lalaki sa kanyang pag alis pero pagbalik nito isang cart na ang dala dala niya.
“ Sit Lyresh Torricelli. We’re going to eat.” Nakita ko ang mukha niyang maamo. Panaginip lang ba to? Hindi ko alam kung ikapapanatag ba ng kalooban ko ang biglang maayos nyang pakikitungo or mas ikakapag alala ko ba dahil hindi ko alam kung anung nasa isip niya.
[DON ZYAIRE TORRICELLI POV]
I didn’t expect na sa suot niyang pang kasal maaalala ko ang mama ko. She was exactly like that nuong araw na ikasal siya sa taong minahal niya ng buong puso pero magiging hudyat pala ng kamatayan niya.
I was so naïve, mahina at walang kamuang muang nung mga panahon na yon. Hindi ko man lang naprotektahan ang mama ko sa kapahamakang naka abang sa kanya.