6

959 Words
“Why are you not eating?” Natawa ako ng maisip ko kung bakit ito hindi kumakaen. “ Hindi pa naman kasi ako gutom.” Tipid niyang sagot. Ganito ba talaga ang babaeng to. Parang laging pakiramdam niya ay nasa peligro siya. “ Wag ka mag alala Mrs. Torricelli. Walang lason yan.” Nauna na akong kumuha at maglagay ng pagkaen sa plato ko saka nag subo para makita niyang safe ang pagkaen na nasa harapan niya. I know naman na gutom na siya. Anung oras pa yung huling kaen niya. “ Kung mag bebehave ka lang sana kasi. Wala naman masamang mangyayari sayo.” I didn’t mean sirain ang damit niya kanina pero talagang ginagalit niya ako. I just want to take control on her pero mailap ang isang to. Tama si Fiero iba siya sa lahat ng babaeng naikama ko, na halos sila pa ang magkakandarapa sa akin dahil sa yaman ko. Ang mga babaeng handang iahin ang sariling katawan para akitin ako kagaya ng ex ko na ang habol ay kapangyarihan at yaman na meron ang pamilya Torricelli. That b***h girl muntik niya na akong mapaniwala kaya wala talagang taong mapagkakatiwalaan sa mundo lalo na kapag pera at yaman na ang pinag uusapan. She started to eat na parang bata. She looks so innocent pero hindi ako patutuklaw sa tinatago niyang kamandag. Like my mother who easily trust people kaya nasa lugar na siya ngayon na dapat hindi at kasama ko pa din sana. “ I- I’m sorry Zyaire. Wag ka sanang magalit pero nag aalala ako sa mama ko.” Para na tong maluluha anumang oras. I can’t blame her. Nag aalala siya ng husto sa mama niya. Konting panahon na lang naman at magkakasama na sila nito. “ She’s fine Mrs. Torricelli. Nakausap ko ang Doctor kanina at naging successful naman ang operation ng mama mo. Now you can eat.” Nginuso ko ang pagkaen sa table namin. [LYRESH TORRICELLI POV] Sobrang saya ko ng marinig mula sa kanya na okay na ang mama ko. Successful ang naging operation nito. Excited na akong makita si mama, makasama at mayakap ng mahigpit. Siya lang ang makakabawas sa paghihirap ng kalooban ko. Pero hindi maalis sa isip ko at paulit ulit nitong sinasabi na kumaen na ako. Bakit ba nya ako pinipilit kumaen agad. Para tuloy akong napapaisip baka naman may binabalak to kaya gusto niya akong mabusog. Hindi maalis saken isipin kung anung pwedeng maging sunod nito. Anung mangyayari after nitong okasyon. Hindi bat gaya ng mga nasa pelikula after ng kasal honeymoon. Wag niyang sabihing.. “ Why aren’t you eating?” nagulat ako ng muli siyang mag salita. Wala kasi ako sa katinuan na parang nakalutang ang ulirat ko. “ Yeah I’m going to eat now. Thanks for saving my mom.” Kusa na lang lumabas sa bibig ko ito pero hindi dapat ako nagpapasalamat dahil may kabayaran ng lahat ng yun. Pinilit niya akong magpakasal sa kanya kahit hindi naman kami mag nobyo or magkakilala man lang. “ Eat well Mrs. Torricelli.” Hindi ko alam kung matutuwa ba ako sa paulit ulit niyang pagtawag ng Torricelli sa akin. What the hell isinusuka ko nga ang pangalan niya. Paanong naidugtong ito sa apelyido ko. Masarap ang bawat pagkaen isubo ko. Hindi ako makapaniwala may ganito kasarap na putahe sa mundo. Para akong tanga na ngayon lang nakakita at nakaranas ng enggrandeng dinner kasama ang gwapong demonyong ito sa harapan ko. Yeah kahit saksakan siya ng gwapo at kakisigan hindi pa din natatakpan nito ang pagiging hayop at demonyo ng taong ito. “Would you like to continue your work?” napatigil ako sa pag subo ng banggitin niya iyon. Para sa ken hindi lang to simpleng job pero I love what I’m doing as an Editor and Author. Pangarap ko na talaga yun hindi pa ata ako nakakalabas sa mundo. “Can I?” maikli at ilang kong tanung. Hindi ako makatingin sa kanya. Ang mga mata niya nakakatakot at hindi ko matagalan ang paninitig nito. Mahirap din basahin kung anung tumatakbo sa isip niya. Isang bagay lang ang sigurado ako at yun ang kagwapuhan niya kahit saang anggulo. Para siyang hinulma ng ekspertong mang uukit wala man lang ni bakas ng palya. “Of course you can. Mayaman ka na ngayon hindi ba.. Maari mo ng gawin lahat ng kahiligan mo.” Muli nanaman akong naiinis sa kayabangan ng bwisit na to. Hindi naman yaman ang pinag uusapan pagdating sa pagiging Editor o successful writer. “ Hindi kailangan ng yaman ang pagiging Editor o pagiging writer Mr. Torricelli.” Nagngingitngit ang kalooban ko. Gusto ko nanaman siyang bulyawan pero natatakot na akong baka punitin nanaman niya ang damit ko. I know kaya niyang bumili kahit isang libo piraso nito. “ Oh talaga ba? Paanu mo nasabi Mrs. Torricelli? Hindi ko alam maliban sa pagiging iyakin, maingay mo wala din pa lang laman ang utak mo.” “Iniinsulto mo ba ako? Alam ko mayaman ka, lahat kaya mong bayaran at bilhin pati nga buhay ko inangkin mo hindi ba? Napaka buti mong tao Mr. Torricelli.” “ Yeah! That’s why you should be grateful.” “ Kanino? Sa demonyong kagaya mo? Nabubuhay ka pa lang nasa impyerno na ang kaluluwa mo-kumaen kang mag isa!” Tumayo ako at ibinagsak ang kutsarang hawak ko. Magdasal ka na Lyresh dahil ginalit mo nanaman ang demonyo. “Sit Mrs. Torricelli! Why are you so stubborn?” magkasalubong ang kilay nito at ramdam ko ang paghinga nya ng malalim. Lagot na talaga at wala akong ligtas kung sakaling sumabog uli ito rito. Anu bang pumasok sa isip mo Lyresh at sinabi mo yun sa kanya. Ipinikit ko ang mata ko at inantay ang sunod niyang gagawin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD