[Fiero POV] Lingid sa kaalaman ni Emma na hindi naging maganda ang huling pag uusap namin ni Zyaire. Nagkalat ang putukan sa background ng pagbibilin ni Zyaire. Bago pa man niya matapos ang kanyang sasabihin ay naputol na ang linya. Hindi ko alam kung nasaan siya at sino ang mga nakaengkwentro niya. Mahirap na desisyon ngayon ang gagawin ko. Hindi ito maaring malaman agad ni Lyresh lalo na at nagdadalang tao siya. Maari itong ikapahamak ng baby sa kanyang sinapupunan pero alam kong hindi niya ako titigilan hanggat marinig ang mga kasagutan sa mga katanungan sa kanyang isipan. Nagsimula akong mag impake para mismong salubungin si Lyresh sa airport. Nag aalala man hindi nagdalawang isip si Emma na payagan akong bumalik sa serbisyo para kay Zyaire hindi sa mundo ng MAFIA. Batid ko

