[Lyresh POV] After almost 15 hours, finally we landed. Hindi na ako makapag antay na malaman kung nasaan nga ba si Zyaire. Pagbaba sinakay kami sa mukhang mamahaling van. Ang kaninang lugar ay malayo sa itsura ng literal na airport. Plain na patag ito at walang ni anumang gusali sa paligid. Tila abandonado na wala pang nakapupunta sino man. Sa bagay na yun hindi ko maiwasang mag alala pa lalo. Alam kong may kakaibang nangyayari. Nasaan na ba talaga si Zyaire. Mapapanatag lang ang kalooban ko sa oras na makausap ko man lang siya. Matapos ang humigit dalawang oras na byahe huminto ang sasakyan. Buong akala ko ito na at makikita ko na ang asawa ko. Laking dismaya ko ng isang barko ang makita ko sa may pang pang. Ayokong isipin na maglalakbay nanaman kami. Matapos sa himpapawid, lupa

