Chapter 9 Saved

1722 Words
Dali dali siyang nagsuot ng pang ibaba ng siya ay makabangon mula sa pagkakadapa. “Narito po ako sa bahay nina Ziammel, mom.” narinig niya ang sagot nito sa kabilang linya “Sige po, papunta na po kami.” anito sabay baba ng telepono “You saved by a phone call baby, huh,” baling nito sa kanya “Pinapapunta tayo ni Mommy sa bahay at isama raw kita.” “Huh? Ano naman gagawin ko dun?” protesta niya ngunit hindi na ito tumugon dahil naging abala ito sa pagbibihis “Tara na,” “Ba’t hindi ka pa nagbibihis o mas gusto mo na ako pa magbibihis sayo?” anito na may sumilay na ngisi sa labi “Wala naman kasi akong gagawin don, Perry eh.” reklamo niya “Sige dito na lang tayo para may gawin tayo.” “H-hindi naman ‘yun ang ibig kong sabihin eh. A-ano kasi… nahihiya ako Perry.” “Hindi naman nangangain ang mommy ko, Zia baby manapa ako, ako nangangain ako ng buhay na babae este buhay na tao.” “Bastos ka talaga.” aniya sabay hampas rito na lalong kinahalakhak nito “Masyado kang green, baby.” “Sige na magbihis ka na.” pagtataboy nito sa kanya kaya wala na siyang nagawa kundi ang sundin ang nais nito. “Hayss” piping usal niya sa isip sabay isang malalim na buntong hininga ang kanyang pinakawalan Nagsuot siya ng long dress na may slit hanggang kalahati ng kanyang legs, pinarisan niya iyon ng shoulder bag at flat sandals saka siya bumaba dahil nauna na ang binata marahil ay ipinagpaalam siya nito sa kanyang mga magulang. Nakita niya itong wagas na nakangiti habang kausap ang kanyang ina kaya umupo muna siya sa kanilang couch habang naghihintay matapos ang pag uusap ng dalawa dahil naaliw siya sa kanyang nakikita para bang mas mahal pa nito si Perry kaysa sa kanya. Maya maya ay lumapit ito sa kinauupuan niya kaya nag angat siya ng tingin, nakangiti ito ‘yung tipo ng ngiti na nakaka good vibes. “Let's go?” anito na tanging tango lamang ang isinagot niya “Mam-..” naputol ang kanyang pagsasalita para sana magpaalam sa kanyang ina ngunit biglang singit ng lalaki “Mama alis na po kami.” masayang sambit nito. Mangha niya itong tinitigan sabay sabing, “Wow ah ‘di ka din feeling anak ah.” asik niya dito ngunit matamis na ngiti habang tumatango tango ang tugon ng huli sa kanya bilang sagot. Pinagbuksan siya nito ng pinto ngunit bago pa man siya makasakay ay may biglang tumawag sa kanyang pangalan. “Ziammel” sigaw ng pamilyar na boses kaya agad iyon hinanap ng kanyang mga mata mabilis namang lumapit sa kanyang gawi ang binatang si Perry kaya bago pa man makalapit si Mave ay nakaharang na ito. “Anong kailangan mo?” seryoso nitong tanong ngunit hindi iyon pinansin ng lalaki dahil nakafocus ang tingin nito sa dalaga. “Pakiusap, kausapin mo naman ako sa huling pagkakataon.” pakiusap nito “Please,” “Para saan pa, Maverick?” sagot niya rito “Alam ko nagkamali ako pero hindi ko na maibabalik pa ang nangyari dahil may anak na ako sa ibang babae na imbis ay sayo pero gusto ko lang sana hilingin na pwede bang huwag mo akong iwasan at gusto kong maging magkaibigan pa rin tayo.” pakiusap nito na naging dahilan para mapangiti siya ng mapakla “Sige pero panagutan mo ‘yung babaeng nabuntis mo.” sagot na lang niya dito para matapos na dahil hindi siya komportable sa ganitong sitwasyon at alam din niyang tahimik na nakikinig si Perry sa kanilang pag uusap. Matapos sabihin ‘yun ay mabilis siyang sumakay sa sasakyan ng binata. Habang lulan ng sasakyan ay nakakabinging katahimikan ang namayani sa kanilang dalawa. “Ang sakit. Sobrang sakit pero wala naman akong magagawa dahil ayaw ko naman agawan ng Ama ang isang batang walang muwang.” nakapikit niyang usal sa isip at kahit anong pigil niya na hindi mapaluha ay bumuhos pa rin ito kaya pasimple niya iyong pinunasan sabay isang malalim na buntong hininga. Ramdam ko ‘ang mahigpit na paghawak ni Perry sa aking palad na para bang ibig niyang ipahiwatig na hindi niya ako iiwan. Halos nasa dalawang oras din ang naging byahe nila bago nakarating sa bahay ng mga ito. “We’re here, baby.” imporma nito sa dalaga “Ano ba kasing gagawin ko dito?” tanong niya sa binata ngunit hindi ito tumugon sa halip ay hinawakan ang kanyang braso at iginaya siya papasok sa loob. Sinalubong sila ng ginang habang wagas itong nakangiti sa kanilang dalawa. “Hi, Mom,” bati nito sa ina “Hello po, T-tita,” nauutal na bati ng dalaga “Mommy, Hija, Mommy na huh! Malapit na kitang maging ganap na anak.” anito na mababanaag mo sa tono ng pananalita ay para bang excited na excited ito. “Hehehe M-mommy po.” pag uulit ng dalaga “Hali na kayo dahil kanina pa nakahain ang pagkain baka lumamig ‘yon.” anyaya nito sa kanilang dalawa “Mga paborito niyo ang pinaluto ko.” anito Pagkamangha ang rumihistro sa mukha ng dalaga ng tuluyan nitong makita ang loob ng bahay ng pamilya Storm. “Wow… nagkikita kita pa ba kayo ng mga magulang mo, Perry?” tanong niya sa binatang wagas na nakangiti at tiningnan siya ng diretso sa mata “Ahm oo naman baby kaya lang malaki pa ito para sa aming tatlo… kaya kailangan na natin bilisan.” aniya at inakbayan siya “Bilisan? Gutom na gutom?” “Ang labong kausap nito…” dagdag pa ng dalaga ngunit halakhak naman ang isinagot ng binata “Baliw kana talaga ‘no? May nakakatawa ba sa sinabi ko?” “Hali na kayo mamaya na ‘yan.” anyaya muli ng Ginang “Opo,” panabay nilang sagot Magana at masaya nilang pinagsaluhan ang pagkain na nakahain sa lamesa hanggang sa, “Kailan niyo balak ituloy ang kasal mga anak?” tanong ng ina ni Perry “Pag buntis na raw po ulit si Ziammel, Mom,” sagot ng binata sa ina nito kaya mabilis itong binatukan ng huli “Tarantado.. Hindi kita pinalaking ganyan.” “Mommy naman hindi na mabiro.” “Hindi magandang biro Perry huwag puros itlog ang pinapairal huh!” “Mommy talaga parang hindi naman tayo atat na atat na magka apo, ah.” “Aba’t talagang sasagot pa?” “Kanino ba dapat ako humingi ng apo sa kapitbahay?” narinig niyang pagtatalo ng mag ina sa hapag kaya mas lalong tumindi ang pakiramdam niyang wala na talaga siyang lusot sa kasalang magaganap. “Kumain ka lang ng kumain Hija, huh! Nagustuhan mo ba ang mga niluto ko?” “Yes po, opo. Ang sarap po,” “Magkakasundo talaga tayo hija pagkatapos mo diyan samahan mo akong magshopping.” “Sige po,” tanging sambit ng talaga dahil nahihiya siya sa paraan ng mga titig ng mag ina ngunit ang ama naman nito ay pangiti ngiti lang na nagmamasid sa kanila. “Honey,” tawag ng ginang sa asawa nito “Gusto mo bang sumama sa amin ni Ziammel?” “No, Hon, girls bonding yan may lakad din kami nitong anak natin.” anito Kahawig na kahawig nito si Perry para bang matandang version lang kahit sa ugali na pangiti ngiti lang ay kuhang kuha din ng binata. “Okay ingat kayo.” “Kayo rin huwag niyo naman ubusin ang oras niyo maghapon sa kakashopping.” sagot ng ginoo sabay tayo sa kinauupuan nito at halik sa pisngi ng ginang Sabay n’on ang paglapit ng binata sa dalaga sabay halik sa labi na inabot ng isang minuto kaya labis siyang nahiya ngunit ng bumitaw ito siya ding pagsilay ng pilyong ngisi. “Mamaya ka sa akin.” gigil at mahina niyang sambit “Dad, kila Mommy na lang po ako sasama para naman may taga bitbit sila.” baling nito sa ama nito “It's your choice son,” anito **** Bagot na bagot na ang hilatsa ng mukha ni Perry ngunit kabaliktaran naman ‘non sa kanyang ina na masayang masaya na pinamimili ang soon to be daughter in law nito kaya hindi na ito nakatiis pa, “Mom” tawag niya sa ina ngunit binalingan lang siya nito ng nakakamatay na tingin “Mommy may duty pa po ako pwede po bang next time ulit?” “Leave us alone.” “No.” **** Sa kabilang banda naman ay halos hindi makapag react ang dalaga sa mga pinamili sa kanya ng ginang na panay pang akit na pantulog. “s**t! Kaya ko ba ‘tong suotin?” tanong niya sa isip Nais man niyang magprotesta ngunit mukhang hindi uubra sa kulit ng Ginang “Ayan bagay na bagay sayo lahat ng ‘to, Hija.” masayang sambit nito ngunit sa loob loob niya’y napapangiwi sya dahil sa tanang buhay niya ay hindi pa siya nakapag suot ng mga ganitong uri ng damit pang tulog o ano pa man yan. ‘Ah eh.. Opo.” nauutal na tugon niya. Makalipas ang mahigit limang oras ay saka pa lamang nakaramdam ng pagod ang ginang kaya laking pasasalamat niya. Palagay niya ay nasa peligro siya kung magsusuot siya ng ganitong uri ng damit o sa madaling salita ay nanganganib ang kanyang puri sa lalaking basta na lamang pumapasok para matulog sa kwarto niya. “Oh akala ko ba may duty ka?” tanong niya sa binata ng bumaba din ito ng sasakyan at sumunod sa kanya “Oo may duty naman talaga ako gabi gabi na.” anito. Hindi na lamang niya iyon binigyan pansin dahil alam naman niya ang uri ng trabaho nito. Tumango tango siya bilang sagot ngunit nakasunod pa rin ito sa kanya patungong kwarto sa pagkakaakala na may kukunin ito doon dahil naiwan nito ang malaking bag sa kwarto niya kaya hinayaan niya ulit. Nakita niya itong mabilis na humiga sa malambot niyang kama. “Hoy!” nakapamewang na tawag niya “Hoy! Akala ko ba may duty ka? Ayun ‘yung bag na naiwan mo kanina dito.” turo niya sa likod ng pinto “Hindi ko yan naiwan baby.” pabitin nitong tugon
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD