Chapter 8 League

1646 Words
Alas kwatro na ng hapon umalis ang binata sa kanilang bahay kung hindi pa ito tinawagan ng ina ay walang planong umalis. Napagdesisyonan niyang maglakad lakad sa loob ng village nila hanggang nakarating siya sa may clubhouse at mula roon ay nakarinig siya ng hiyawan kaya naman naging interesado siya dahil naging hilig na rin niya ang manood ng basketball o league sa kanilang bayan. Hindi niya maiwasan na maalala ang nakaraan ng mga panahong sila pa ng dating kasintahan dahil mahilig itong maglaro at naging muse pa nga siya. Tahimik siyang nanuod habang kumakain ng siomai. Mukang hindi pamilyar sa kanya ang mga karamihan sa manlalaro ngunit may ilan na agaw pansin ang tindigan. Saglit na napako ang tingin niya sa isang lalaking may tangkad siguro na 6 ft, katamtaman rin ang pangangatawan at maitim ito parang kulay ni Maverick ngunit medyo malaman iyon dito kaya malabong maging si Mave. Nakatalikod ito mula sa kanya at bahagya pang nag iinat ng mga braso. Minsan lang siya maattract sa lalaki dahil ito ang pangalawang pagkakataon una ay si Mave, pangalawa ay si Perry nung araw na grumaduate siya pero iba ang pakiramdam niya sa mga oras na ‘to. Hindi niya inalis ang tingin sa lalaki hanggang sumalang na ito. “s**t” mura niya ng mamukhaan niya ito dahil walang iba kung ‘di si Mave, ngunit ang nakakapagtaka ay namayat ito. Mabuti na lamang ay may suot siyang sumbrero at dahil kalalabas lang niya galing training ay may posibilidad na hindi siya nito makilala kaya naman manabuti niyang manood at manatili hanggang last quarter ng laro. Hindi maipagkakaila na masaya siyang nakita niyang muli ang dating kasintahan kahit na ba hanggang tanaw tanaw lamang ay sapat na para sa dalagang si Ziammel, hanggang may dumating na ilang mga kalalakihan ngunit wala doon ang atensyon ng dalaga kaya naman hindi niya namalayan na maglalaro rin pala ang binatang si Perry. Tumunog ang telepono niya senyales na may tumatawag ngunit hindi niya ‘yun sinagot dahil nga nanonood siya ng laro at hindi lang basta basta laro dahil naroroon ang dati niyang kasintahan, muli itong tumunog ngunit hindi pa rin niya ito binigyan ng pinansin. Lingid sa kaalaman ng dalaga ay nasa ‘di kalayuan lang nakatayo ang binata habang nakatanaw sa kanya. “Istorbo” mahinang sambit niya habang ibinubulsa ang hawak na cellphone. Hanggang may tumabi sa kanyang lalaki ngunit wala siyang pakialam. “Ang sweet naman ng baby ko,” tinig ng lalaki kaya agad siyang napabaling ng tingin dito “Perry,” gulat niyang sambit “A-ah oo panunuorin kita hehehe.” halos nauutal utal niyang sagot sa lalaki Hindi ito sumagot ngunit mabilis nitong pinagsiklop ang kanilang mga palad at iginaya siya nito sa bandang unahan sa upuan ng inukupang mga manlalaro na kakampi ng binatang si Perry, kita niyang saglit na natigilan si Maverick ng makita ang kanyang presensya dahil kung titingnan sila ay sweet na sweet sa isa’t isa dahil sa kanilang mga kamay. “Dito ka maupo baby para may inspirasyon ako, huh!” anito sabay halik sa labi niya kaya naman naghiyawan ang mga kakampi nito nakilala niya rin na ang isa sa kakampi nito ay ang nakaupong mayor sa lungsod nila kaya bigla siyang nakaramdam ng hiya. Gusto niyang magsisi na pumunta pa siya rito ngunit sa kabilang banda naman ay masaya siya. Kung kanina ay panay three points si Mave ngayon naman ay para itong nawalan ng ulirat dahil para itong naging lutang kaya nakaramdam siya ng konting kirot dahil alam niyang epekto iyon ng presensya niya. “Sub” hiyaw ng coah nito “Sub kay Alcantara,” narinig niyang sambit ng coach ng mga ito. Gustuhin man niyang umuwi na lang ngunit ayaw naman niyang gawin iyon dahil baka mahalata naman ni Perry. “Ano ba ‘to,” piping usal niya sa isip sabay isang malalim na buntong hininga ang kanyang pinakawalan Matapos ang first quarter ay plano niyang umuwi na lamang. “Perry” tawag niya sa atensyon nito “Perry uuwi na ako… kasi n-nababanyo na ako. O-oo nababanyo ako.” “Nasa likod ang banyo baby, halika sasamahan na kita.” anito habang nagpupunas ng pawis sa mukha “Pwede bang pakipunasan ng pawis ang likod ko, Baby.” pakiusap nito “Sige, akina ‘yung towel mo.” Matapos punasan ang likod nito ay pumasok na siya sa loob ng banyo upang hindi ito makahalata na nagdadahilan lamang siya. “Paano na ‘to? Kung babalik naman ako sa kinauupuan ko ay makikita ako ni Perry kapag tumayo ako.” pag kausap niya sa sarili habang nakasandal ang likod sa likod ng pinto. “s**t! Ano ba ‘to?” aniya hanggang mahagip ng mata niya ang maliit na bintana sa loob ng banyo. Sinikap niyang umakyat upang doon dumaan sa bintana. “Bahala na si Batman” mahinang tinig niya habang pinagkakasya ang sarili sa bintana. Swerte niya dahil walang nakakita sa kanya ng siya ay tumalon mula roon. Mabilis siyang tumakbo tungo sa kanilang bahay dahil baka may makakita pa sa kanya. Ilang minuto pa lamang siyang nag iinit sa kanyang kinau upuan ay biglang tumunog ang kanyang telepono, si Perry iyon. “Hello?” aniya sa kabilang linya “Matagal ka pa ba?” “Ah e-eh m-medyo,” sagot niya sa kabilang linya “Sige. Maguumpisa na kasi ang laro namin maiwan muna kita diyan.” anito “Sige a-ayos lang, Perry.” nakahinga siya ng maluwag kahit papano sa tinuran ng lalaking kausap sa kabilang linya at dahil nakaramdam siya ng pagkauhaw ay nagtungo siya sa kusina. “Oh anak andiyan kana pala nagkita ba kayo ni Perry? Galing kasi siya dito kanina pero wala ka.” bungad na bati sa kanya ng kanyang ina “Ah opo” sagot niya rito. “Mama bakit po parang hindi na po kayo bumabyahe ni Papa?” tanong niya sa ina habang nagtataka dahil mula ng grumaduate siya ay nanatiling nasa bahay lamang ang mga magulang niya. “Tumigil na kami sa pagbiyahe at operate ng kahoy, anak.” anito kaya napakunot ang kanyang noo sa narinig “Huh? Bakit po ‘ma, ano pong nangyari?” “Wala naman anak naisip lang namin na tumigil na tutal matumal na rin naman ang kahoy dahil mahigpit na ipinagbabawal ang pagpuputol. Magfofocus na lamang kami sa Hardware natin.” paliwanag nito “Talaga po?” mangha niyang tugon sa ina dahil kahit papaano ay mababawasan ang kanyang pag aalala “Oo anak, kaya laking pasasalamat namin kay Perry lalong lalo na sa mga magulang niya.” aniya Dahil sa nalaman ay mukhang wala talaga siyang lusot sa binata. “Ano po ang kapalit?” lakas loob niyang tanong “Wala. Wala anak dahil magiging pamilya na tayo.” masaya nitong turan “Sabi na nga ba eh,” piping usal niya sa isip “Kaya pala ang lakas ng loob no’n na matulog sa aking kwarto at sa pagkakaalam ko ay ini-lock ko ang aking kwarto bago ako mahiga ng mga oras na ‘yon. “Mama” tawag niya “Mama hindi pa po ako handang mag asawa o magpakasal ‘di po ba ang pagpapakasal ay mahal nila ang isa’t isa?” “Anak, matutunan mo rin mahalin si Perry dahil wala ka ng hahanapin pa sa kanya dahil nasa kanya na lahat ng katangian ng isang mabuti at responsableng lalaki. Mas mabuti nga na mas higit na nagmamahal ang lalaki sa babae dahil hindi nito magagawang magloko o lokohin ka. Ang saktan ka, anak.” mahabang litanya ng kanyang ina “Mama an—” naputol ang sasabihin niya ng biglang may nagsalita “Darleng..” tinig ng kanyang ama “Maupo ka muna darleng,” malambing na tugon ng kanyang ina sa asawa nito. Minabuti niyang umakyat na sa kanyang kwarto. Magkukulong na lamang siya o kaya naman ay maglalaro pampawala ng inip dahil bukas naman ay simula na ng kanyang duty bilang isang pulis. Sumapit ang alas siyete ng biglang bumukas ang pinto ng kanyang kwarto dahil siya ay nakaheadset ay ‘di niya mamalayan kung may kumakatok ba o wala. Iniluwa n’on ang binatang ngpupunas ng pawis sa braso halatang basang basa na ang damit nito ng pawis may dala dala rin itong bag na may kalakihan. Itinigil niya ang kanyang ginagawa upang harapin ang lalaki. “Bakit nandito ka na naman ba?” mahinahon niyang tanong ngunit kumunot lang ang noo nito bilang sagot “Hoy..” tawag niya dito ng hindi ito sumagot “Hoy!” ulit niya ngunit para itong walang pakialam dahil patuloy lamang ito sa paghubad ng mga saplot nito. “Perry, ano ba? Bakit ba hubad ka ng hubad sa harapan ko?” lakas loob niyang sita rito “Tumahimik ka kun’di bubuntisin ulit kita.” hamon nito sa kanya Dahil sa banta nito ay hindi niya magawang magsalita pa. Humiga ito sa kanyang kama na walang saplot kahit isa. “Halika ka rito tabihan mo ko.” utos nito sa kanya ngunit hindi siya sumunod “Tatabihan mo ako o babangon ako at patutuwarin naman kita?” “Huh?” tanging sambit niya dahil hindi niya maintindihan ang ibig nitong sabihin. Dahil sa kanyang naging sagot ay mabilis itong bumangon at hinila ang kanyang braso sabay n’on ang pagbaba ng kanyang maikling shorts. “Perry ano ba?” “s**t!” mura niya ng makita niyang naibaba na pala nito ang kanyang shorts. “I told you.” anito sabay padapa sa kanya at inaangat ang kanyang balakang “Perry” malakas niyang tawag dito ngunit ng malapit na ang p*********i nito sa kanyang butas ay biglang tumunog ang telepono nito. “Saved by a phone call, Ziammel.” anito at nakahinga siya ng maluwag ng bumitaw ito sa pagkakahawak sa kanyang balakang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD