Chapter 4 Manliligaw

1689 Words
Hindi maipinta ang mukha ni Zia dahil sa mga titig ng lalaking kaharap kaya naman hindi na siya nakatiis na mag tanong sa kanyang ina kung anong oras ba sila uuwi dahil halos nasa dalawang oras na sila rito. “Anong oras po tayo uuwi ‘Ma?” halos pabulong n’yang turan sa ina “Tanungin mo ang ama mo.” aniya ng kanyang ina kaya laglag balikat si Zia na nanahimik sa kanyang kinauupuan dahil mukhang walang balak umuwi ang kanyang Ama dahil ligang liga itong nakikipag kwentuhan sa nakaupong Mayor. “Sir, maaari po ba kitang makausap?” magalang na tanong ng lalaking n’yang kaharap at saglit pa itong tumingin sa kanya. May ibig iparating ang mga tingin nito kaya naman nakaramdam siya ng kaba kaya taranta siyang sumingit sa pag uusap ng mga ito. “B-bakit, anong sasabihin mo?” nauutal na turan ni Zia dahilan upang maging dahilan ng masamang tingin na pinukol ng kanyang Ama at Ina. “s**t!” mura ni Zia sa isip “bakit ba ‘di ako nag iisip,” anang ng isipan n’ya “May problema po ba, Sir?” singit ng kanyang ama “May problema ba, Ziammel?” baling na tanong sa kanya ng kanyang ama. “W-wala p-po p-papa..” “Sir?” baling ng kanyang ama sa lalaking kaharap Hindi sumagot si Perry sa tunuran ng Ginoo ngunit mabilis itong tumayo at agad namang sinundan ng kanyang Ama. Halos nasa kinse minutos ang itinagal ng pag uusap ng mga ito kaya naman hindi mapakali si Ziammel sa kanyang kinauupuan. “Sundan na po kaya natin si Papa ‘Ma,” suhestyon niya “May problema ba, huh? Ziammel?!” mahina ngunit mariin na turan ng kanyang ina “Kanina ka pa ‘di mapakali.” dagdag pa nito “Ah, eh, kasi po….” halos hindi n’ya malaman ang sasabihin sa kanyang ina “Mabilis lang po ‘yun may importante lang na sasabihin ‘yung pinsan ko.” nakangiting tugon ni Mayor, epekto ng pagkabalisa ay ‘di n’ya namalayan na may iba pa pala silang kasama. Nakalimutan n’yang kaharap nila at naging kasalo sa tangahalian ang Mayor ng Lucena. “Pakshit!” mura ni Zia sa isip “Okay po, Mayor.” ngiting asong tugon n’ya Maya maya ay nakita na niyang papunta na sa gawi nila ang dalawang lalaki na galing sa pag uusap ng hindi niya malaman kung tungkol saan. “Papa, ano pong sinabi ni Sir?” mahinang tinig na usisa nya sa kanyang ama. “Kailan ka pa naging usisaera, huh?” aniya kaya minabuti na lamang niyang umupo at maghintay ng oras kung kailan sila uuwi. “Salamat po sa pag papaunlak Mr. and Mrs. Siatrez at ganun din sayo, Binibini. Pasensya na po sa abalang dulot namin.” nakangiting turan ni Mayor na agad din naman ginatihan ng kanyang mga magulang. “Ayos lang po, Mayor. Nauunawaan po namin.” magkasabay na sagot ng kanyang ama at ina kaya naman ngumiti at nagpasalamat na din siya dahil sa wakas ay makakauwi na sila. “Perry, aasahan kita bukas, ah!” aniya ng kanyang ama sa lalaking ‘di mapigtas pigtas ang ngiti sa labi daig pang baliw dahil kahit wala naman nakakatawa ay nakangiti pa rin ito. “Baliw” anang ng isip n’ya Nang tumayo siya ay mabilis na hinawakan ng lalaki ang kanyang kamay sabay lagay ng kinuyumos na papel sa palad n’ya. Itinatapon n’ya iyon dahil wala siya sa mood para patulan ito sa mga trip nito sa buhay masyado ng masakit ang mga nangyari sa kanya kahapon kaya sana huwag na nitong dagdagan pa. “Binibini, bawal ang magkalat. Bawal ang magtapon ng basura.” sita sa kanya ng Mayor at mabilis nitong dinampot ang kinuyumos na papel na kanyang itinapon “Ah,” nahihiya n’yang sagot kaya naman kinuha n’ya sa kamay ni Mayor ang papel. “Kainis” piping usal n’ya sa isip sabay tingin ng masama sa lalaking mukhang baliw dahil nakangiti na naman ito sa kanya ng walang dahilan “Walang nakakatawa.” bulyaw n’ya dito dahilan para mabilis siyang kurutin ng kanyang ina “Masakit po ‘Ma.” reklamo niya “Kasalanan n’ya po dahil sa kanya galing ‘yung papel na ‘yon, eh!” dagdag pa niya Wala siyang narinig na sagot mula sa kanyang ina ngunit panay panay ang kurot nito sa kanya kaya panay din ang ilag niya. “Dapat talaga ‘di na ako sumama sa inyo, eh.” aniya habang padabog na umupo sa loob ng kanilang sasakyan. Tahimik na nakatingin si Zia sa labas ng bintana habang tinatahak nila ang daan tungo sa kanilang bahay ng bigla niyang maalala ang kinuyumos na papel na nasa kanyang bulsa. “Kainis ‘tong papel na ‘to. Pahamak! Nag mukha tuloy akong walang manners.” piping usal niya sa isip habang binubuksan ito. “MANLILIGAW AKO” basa n’ya sabay irap sa kawalan. “Ligawin mo mukha mo!” anang ng isip niya “Lakas ng loob nito. Kapal ng mukha!” Kinabukasan araw ng linggo, tanghali na silang nagising dahil maagang umalis ang kanyang ina para magsimba. Alas singko ito umaalis at alas siyete naman umuuwi. Ginawa muna niya ang kanyang morning routine bago kumuha ng basahan upang punasan ang kanilang terrace ngunit bago pa man siya makarating sa kusina ay naririnig na n’ya ang ingay na sanhi ng pagpiprito at ang amoy nito’y nalalasap na niya. “Hmm sarap naman ng amoy.” aniya “Nagutom ako bigla ate, ano ba ang niluluto mo?” aniya dahil sa pagkaka akalang ang kanyang ate ang nagluluto. “Good Morning, Baby! Sinangag ‘yan nagugutom ka na ba?” bati nito at wagas na nakangiti sa kanya. “Anong ginagawa mo dito?” gulat niyang bulalas Nakangiti pa rin ito sa kanya na lalong niyang kinainis “Anong ginagawa mo rito?!” ulit niyang tanong “Simple lang nagluluto ako,” aniya “Alam kong nagluluto ka pero…” “Bakit ka nga narito? Sinong nagbigay ng pahintulot na pumasok ka sa bahay namin, huh?” “An—,” naputol ang muli n’yang pagsasalita dahil sa pagdating ng kanyang ama. “Ziammel!” tawag nito sa pangalan niya “Papa?” patanong niyang sagot “Tinatanong ko lang po si Sir kung bakit po siya narito.” malumanay niyang paliwanag ngunit hindi sumagot ang kanyang ama diretsyo itong tumungo sa lababo at nilagay doon ang dala nitong tasa na pinag kapehan. “Nagkape ka na ba, Hijo?” tanong nito sa lalaking baliw “Hindi pa po, Tito sabay na lang po kami ni Ziammel,” nakangiti nitong sagot “Sige.” anito “Pagtimpla mo siya ng kape, anak.” anito sabay talikod tungo sa ikalawang palapag ng kanilang bahay “Papa..” tawag niya rito upang tumutol sana sa nais nitong ipagawa “Hays,” sumusuko niyang turan kaya ginawa na lang niya ay nanahimik dahil kahit kailan ay never siyang mananalo sa mga ito. Nakita niya sa gilid ng kanyang mata ay lumakad ito tungo sa kwarto ng kanyang ate at kumatok ito doon. “Ate malapit na pong maluto ‘yung sinangag.” narinig niyang sabi nito “Sige” pasigaw naman na sagot ng kanyang kapatid “Feel na feel talaga. Kainis.” piping usal niya sa isip sabay isang malalim na buntong hininga ang kanyang pinakawalan. “Baby, maluluto na ‘to kain na tayo.” anito sa kanya na para bang matagal na silang magkakilala “Feel na feel, ah! Dito ka pa talaga nakikikain kaya naman sana namin magluto.” mataray na sagot ni Zia sa binata na imbis magalit ay mas lalo pa itong ngumiti “Hayaan mo dadalhin kita o kaya naman ipapasyal kita minsan sa bahay namin para doon tayo kumain at ako pa mismo ang magluluto.” anito na kinailing ng dalaga. “Siguradong sigurado na sasama ako? Kapal talaga.” Nakita niya itong lumakad papalabas kaya nakaramdam siya ng guilt dahil sa mga nasabi niya rito kaya naman sinundan niya ito ngunit hindi niya ito naabutan sa kanilang gate. Lumakad pa siya ng bahagya hanggang kanto para tingnan kung naroon pa ito ngunit wala, bigo siyang bumalik sa kanilang bahay. “Oh, saan ka ba galing?” tanong ng Ate niya “Sa labas may tiningnan ako.” “Halika ka na tinawag ata ni Perry si Papa.” aniya ng ate niya kaya bigla siyang napatampal sa kanyang sarili. “Bakit ba ‘di ko naisip ‘yun?” piping usal niya sa isip dahil ang pinto tungo papalabas at ang hagdan tungo sa ikalawang palapag ng kanilang bahay ay magkalapit lang. Maya maya ay nakarinig sila ng tinig na kumakanta senyales na nariyan na ang kanyang ina. Sumunod naman ang mga yabag mula sa kanilang hagdan. “Ang bango nakakgutom ang amoy.” tinig ng kanyang ina na mabilis umupo sa pwesto nito “Oo nga po ‘ma si Perry ang nagluto ng mga ito.” masayang imporma ng kanyang kapatid “Talaga?” ‘di makapaniwalang sagot ng ina niya dahil kahit kailan ay ‘di nila nakitang humawak ng sandok ang kanilang ama “Swerte ni Zhamok.” masayang turan ng kanyang ina “Mama,” sabat ni Zia sa usapan ng mga ito “Halina na kayo kakain na tayo mukhang ang sarap ng luto mo, Hijo.” puri ng kanyang ina Habang kumakain siya ay na-amaze siya sa lasa ng sinangag na luto ng lalaking katabi kaya tahimik siyang kumain at ‘di niya namalayan na nakarami na pala siya. Pinagtimpla niya rin ito ng kape. Masaya itong nakikipag kwentuhan sa pamilya niya habang maganang kumakain. “Wala ka bang duty ngayon, Hijo?” tanong ng kanyang ama “Wala naman po, Tito mamaya pa pong gabi.” “Sige gusto mo bang sumama sa bansuhan namin?” anyaya ng kanyang ama “Papa..” bigla niyang singit sa usapan ng mga ito kaya mabilis na nabaling ang tingin ng kanyang magulang sa kanya “May problema ba?” anito
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD