“Zia” tawag ng kanyang ina
“Zhamok tawag ka ni mama.” anang ng ate niya
“Bakit daw ate?” salubong na tanong niya
“Hindi ko alam umakyat ka para malaman mo.” masungit na tugon nito
“Okay”
“Zia” muling tawag ng kanilang ina
“Opo paakyat na,”
Nakita ni Zia na nagbibilang ng pera ang kanyang ina habang ang kanyang ama naman ay kakalabas lang ng banyo at sa itsura nito ay mukhang bagong ligo lamang ito. Hinintay muna niyang matapos ang ina sa ginagawa nito dahil baka tamaan pa siya dahil ayaw nitong mawala sa focus ng pagbibilang.
“Mama?” patanong niyang tawag sa atensyon ng ina ngunit imbis na sagutin ay ibinigay sa kanya ang ilang bundle na pera
“Kunin mo ‘to..” turo nito sa pera na ibinibigay
“At ito ‘yung listahan ng pag babasehan mo kung magkano ang ibibigay mong sahod sa mga tauhan natin sa bansuhan sa concepcion.” bilin nito
“Huh?” gulat niyang tanong dahil ang alam niya ay ang kanyang ama at si Perry ang pupunta sa concepcion ayon sa narinig niya kanina na pag uusap ng mga ito
“Bakit ako?”
“May emergency sa Alabat, Anak may naputulan ng braso isa sa mga tauhan natin kaya kailangan ay agad kaming babyahe ng iyong Ama papunta doon. Sasamahan ka naman ni Perry.” mahabang litanya ng kanyang ina
“May pasok ang Ate Blessy mo kaya ikaw na muna ang bahala para matuto ka naman. Ito naman ang allowance n’yo ibigay mo sa ate mo mamaya ‘yung sa kanya. Ito para sa ulam n’yo ibigay mo naman iyan mamaya kay Manang para siya na bahala mag budget.” dagdag pa nito
Sa hinaba haba ng litanya ng kanyang ina isa lang ang nais niyang itanong.
“Bakit po ba tiwalang tiwala kayo sa lalaking ‘yun ‘ma?”
“Una, kilala namin ang pamilya non saka maayos naman siyang nagpaalam sa iyong ama na manliligaw siya sa’yo. Pangalawa, wala na kayo ni Mave at panahon na para mag move on ka na hindi ‘yung panay ka bar at inom! Pangatlo mabuting bata ‘yon si Perry, anak.” anito na parang naramdaman ni Zia na pinamimigay na siya ng mga magulang niya kay Perry
“Bakit parang kulang na lang ipamigay n’yo na ako ‘ma?” tutol niya sa kanyang ina
“Pinamimigay? Hindi pa naman pero kapag ‘di ka tumino, OO malapit na.” pananakot pa nito sa kanya
“Huwag mong ipilit ang sarili mo sa taong may responsibilidad sa iba dahil masasaktan ka lang Ziammel, hindi ka namin iningatan at pinalaki para makihati o makiagaw sa kung sino man na lalaki. Kung totoo ang pagmamahal ni Mave ay makakapag hintay iyan kung kailan ka magiging handa.” anito habang nagliligpit ng mga listahan nito sa kahoy
“Mama, Papa, alis na po ako at nandito na po pala si Perry sa baba.” imporma at paalam ng kanyang Ate, dahil pumapasok ito bilang isang Teacher sa public school.
“Ingat ka anak.”
“Oh nandiyan na raw si Perry maghanda kana dahil naghihintay na ‘yung mga tauhan natin doon ‘yung iba ron ay hinihintay na yan para pambili ng kanilang pagkain kaya umalis na kayo.” pagtataboy sa kanya ng kanyang ina
“Ingat kayo.” pahabol ng kanyang ina na kinatangao na lamang niya bilang sagot.
Nakasalubong niya si Perry sa hagdan paakyat ito habang siya naman ay pababa at ninakawan pa siya nito ng halik sa pisngi.
“Manyak.” anas niya
Sandali siyang tumungo sa kanyang kwarto upang magpalit ng damit at kumuha ng bag na maaaring paglagyan ng perang dala dala. Umabot ng halos limang minuto ang tinagal niya sa pagbibihis at agad din siyang lumabas dahil sa sinabi ng kanyang ina na naghihintay na ang kanilang mga tauhan. Hinanap kaagad ng kanyang mga mata ang lalaking kanyang makakasama. Nakita niya itong matiyagang naghihintay sa may pinto ng gate habang nakasandal ito sa pader. Sandali niya itong pinakatitigan na para bang sinusuri.
“Matangkad siya, maganda ang tindig at ang pangangatawan, at ‘yung tipo niyang kulay ng lalaki na kayumanggi kumbaga tall dark and handsome.” anang ng isip niya
Bagay na bagay rito ang suot nitong maong na pantalon at puting pang itaas. Ang linis tingnan kahit na ito’y medyo may kaitiman.
“Nababaliw na ata ako”
“Erase erase tama na muna pare-pareho lang ‘yang mga lalaki na iyan.” piping usal niya sa isip
Ng maramdaman nito siguro ang kanyang presensya ay agad itong ngumiti ng matamis sa kanya.
“Tara na?” masaya nitong turan kaya napangiti na rin siya dahil hindi niya alam kung anong vibes ang dala dalang meron ito.
“Tara” sang-ayon naman niya
“Dapat palagi ka lang nakangiti.” puri nito habang naglalakad tungo sa sasakyan na kanilang gagamitin
Pinagbuksan siya nito ng pinto saka ito umikot tungo sa driver seat.
“Baby, may gusto ka bang kainin, anything baka nagugutom ka pa? At pwede bang isama kita mamaya sa manila?” magalang nitong tanong ngunit ang dating sa kanya ay parang ang lambing nito dahil sa salitang ‘BABY’
“Wala naman saka busog pa ako. A-anong gagawin natin sa Manila?” halos nauutal niyang sagot
“Hmm may kailangan lang akong pirmahan.” aniya habang patuloy sa ginagawang pagmamaneho
“Ah” tanging sambit ni Zia kahit na ba maraming katanungan na nabubuo sa isip niya ay minabuti niyang manahimik na lamang.
Tahimik siyang nakatingin sa labas ng biglang may pumasok sa isip niya.
“Teka sandali. Alam mo ba ang lugar na pupuntahan natin, huh?”
“Oo.” nakangiti nitong sagot ngunit ang atensyon ay nasa kalsada pa rin
“Huwag mo akong titigan ng ganyan, Ziammel.” anito
“Paano?
Bakit taga dito ka ba?
Bakit ngayon ngayon lang kita nakita dito?” sunod sunod na tanong ng dalagang si Zia sa binatang ‘di mapagkit pagkit ang ngiti dahil nagsisimula ng maging interesado si Zia sa buhay niya.
“I mean ngayon lang kasi kita nakita dito.”
“Bakit?
Dahil ba nahuli ako ng dating sa buhay mo, tama ba?”
“Nahuli man ako ng dating pero ako si Mr. Right na para sayo.” anito na kinatawa niya
“Ang baduy mo, eh.” natatawang saad niya
Tumawa ito sa tinuran niya hanggang ‘di niya namalayan na malapit na pala sila sa kanilang patutunguhan.
“Oo taga rito ako, Zia at oo matagal na kitang gusto pero palaging nasa paligid si Mave kaya ‘di kita malapitan hanggang isang araw nabalitaan ko na lang na kasintahan mo na pala siya…” pagtatapat nito sa kanya
“Hanggang sa makapasok ako ng Academy, walang pagkakataon at hanggang sa makalabas ako ngunit ng nabalitaan ko na nakabuntis na pala ng ibang babae si Mave ay nabuhayan ako ng loob. Ibig kong sabihin ay pagkakataon ko naman na siguro…” anito na parang siguradong sigurado na
Wala siyang masabi sa ipinagtapat ni Perry tanging tango lamang at mariin niya itong pinakatitigan sinusuri niya kung nagsasabi ba ito ng totoo.
“Wala pa bang laman iyan?” turo nito sa tiyan niya na naging dahilan para mataranta siya
“Ah eh…” tanging sambit niya imbes na sagutin niya ito ay hinampas na lamang niya ito upang itago ang pagkapahiya.
“Hampas ng pagmamahal.” anito kaya naman hinampas niya itong muli
“Senyales yan na… na gusto mo na rin ako.” mayabang nitong turan
“Asa ka.” pikon niyang sagot
“Aasa talaga ako dahil ilang araw na lang magiging ina kana ng mga magiging anak ko.” mayabang nitong tugon na kina-irap niya sa kawalan
“Hahaha” narinig niyang halakhak nito dahil mabilis siyang bumaba ng makarating sila sa tapat ng gate na gawang kahoy na kanilang bansuhan.
Sa sobrang pagmamadali ay ‘di niya napansin na may aso pala.
“Rrrrrr” narinig niyang huni ng aso senyales na galit ito sa presensya niya.
Nagsisisi siyang umuna at iniwanan ang binata sa sasakyan nito.
“Perry” tawag niya sa huli ngunit hindi ito sumasagot
“Perry, Baby” pag uulit niya
Nakita niyang handang handa na siyang sasakmalin ng malaking aso kaya napag desisyonan niyang tumakbo tungo sa sasakyan habang tinatawag ang pangalan ng lalaki.
“Perry” malakas niyang sigaw
Nakita niya itong inaayos ang lock ng bawat pinto ng sasakyan nito habang may sukbit itong shoulder bag na ‘di kalakihan mabilis siyang yumakap dito.
“Perry ‘yung aso.” sumbong niya habang mahigpit na nakayakap sabay turo sa asong hindi tumitigil kakatahol
Kaagad silang nilapitan ng isang lalaki mula sa pintuang kahoy ng kanilang bansuhan.
“Pasensya na po Ma’am, inilabas lang po namin saglit si Wawi dahil pinalinisan po ng Papa niyo ang kulungan niya.” paumanhin ng isa sa mga tauhan nila
“A-ayos lang po Mang Berto,” tugon niya sa tinuran ng huli habang nakahawak pa rin sa dibdib niya
“Hindi ka kilala ng mga aso n’yo rito?” seryosong tanong ni Perry sa kanya
“Ah eh, hindi ko alam, hindi ko sigurado.” walang kasiguraduhan niyang sagot
“Sandali uminom ka muna ng tubig.” anito habang may kinuha sa bag nito.
“Heto” aniya sabay abot ng isang bottled water
“S-salamat”
“Sa susunod hintayin mo ako.” anito na parang may ibig iparating
“Oo”
Matapos siyang uminom ng tubig ay tumuloy na sila sa loob upang ibigay na ang mga sahod ng kani-kanilang mga tauhan.
“Good Morning po” bati ni Perry mula sa kanyang likuran
“Good Morning po” segunda naman niyang bati sa mga ito at agad din silang binati pabalik.
At dahil lampas na ng alas diyes ay nag presintang magpabili si Perry ng almusal ng mga tauhan nila sa bansuhan na labis niyang kinahangan rito. Masaya itong nakikipag talastasan sa mga tauhan nila na naroon. Samantalang si Mave ay kapag isinasama niya dito ay tahimik lamang na nasa isang gilid nakaupo habang nagse-cellphone.
“Bakit ba palaging kong kinokompara ito kay Mave?” anang ng isip niya
“Gusto ko na kaya siya?”