Chapter 6 Senyales

1888 Words
“Baby” tinig mula sa labas ng kanyang kwarto at base pa lamang sa endearment nito ay alam na niya kung sino “Baby” muling tawag nito kaya naman tumayo na siya upang pag buksan ito ng pinto “Bakit?” bungad niyang tanong ngunit sinalubong siya nito ng pagka tamis tamis na ngiti “Good Morning, Baby!” nakangiting bati nito kung hindi siguro siya nasaktan sa una niyang kasintahan baka kinilig na siya mga effort nito. “Breakfast na tayo, Baby.” anyaya nito “Sunod ako.” tipid niyang sagot dahil hindi pa man lang siya nakapag mumog at hilamos. “Okay” tipid niyang sagot Mabilis siyang kumilos dahil nais niyang tapatin ang lalaki para hindi na ito mag aksaya pa ng panahon sa kanya dahil hindi pa siya handang pumasok ulit sa isang relasyon. Pagkalabas niya ng kwarto tumungo agad siya sa komedor nakita niya ang lalaki na nagtatype sa laptop nito. Naka uniform na rin ito na lalong nakakadagdag ng angking kagwapuhan iyon sa lalaki. “Kain na tayo, Baby nagmamadali ako dahil may duty ako ngayon.” anito habang nilalagyan ng pagkain ang kanyang plato. “Bakit ba kasi ginagawa mo ‘to? Pwede ka naman umalis na.” balewala niyang sambit sabay abot ng isang basong tubig “Dahil gusto ko,” anito na mariin siyang tinititigan “Gusto ko ang ginagawa ko.” dagdag pa nito “Bahala ka mapapagod ka lang at tingnan natin kung hanggang saan ang kaya mo.” hamon niya rito “Sige.” seryoso nitong tugon sa sinambit niya Nakaramdam siya ng guilt at awa ngunit takot siya, takot siyang magmahal ulit. Kahapon ay isinama siya nito sa pag aari nitong kumpanya sa makati at nais din siya nitong ipakilala sa mga magulang nito ngunit hindi siya sumang ayon na ni respeto naman kaagad ng huli. Nakakabinging katahimikan ang namayani sa kanila habang sila ay kumakain. Pumasok sa eskwela ang kanyang ate at dalawang araw na mula ng umalis ang kanyang mga magulang niya tungo sa isa pa nitong bansuhan. “May pasok ka ba mamaya?” tanong nito “Oo 10AM,” tamad niyang sagot “Sige babalikan kita may ihahatid lang ako.” anito at kaagad tumayo habang dala dala ang pinag kainan nito sa lababo. “Ako na ang maghuhugas ng mga plato umalis kana baka malate ka pa.” walang gana niyang sambit ngunit nakangiti pa rin ito sa kanya. “Sige. Babalikan kita mamaya?” anito sabay halik sa pisngi niya “Manyak” reklamo niya rito ngunit mabilis ang lakad nito papalabas “Hayop na ‘yun hi-na halik-halikan na lamang ako ng basta basta.” piping usal niya sa isip “Hayaan mo na halik lang naman, eh! Naibigay mo na nga ang bataan ng walang kayo tapos ngayon halik lang ipagdadamot mo?” anang ng kabilang isip niya Matapos kumain ay mabilis siyang naghanda dahil ba byahe pa siya at ilang buwan na lamang ay sasabak na siya sa training. Yes, sigurado siyang makakapasa siya dahil alam niyang ginawa niya ang lahat ng pagsisikap. Nais niyang maging pulis ngunit dahil sa pagmamahal niya kay Mave ay hindi na niya ninanais pang makapasok sa Philippine National Police Academy o (PNPA) dahil mas matimbang ito kaysa sa kanyang pangarap ngunit ng malapit na siya sa finish line ay saka naman ito nakabuntis ng iba. Labis siyang nasaktan sa nalamang iyon dahil hindi niya akalain na magagawa iyon ni Mave sa kanya dahil mahal na mahal siya nito. At dahil sa pagmamahal nito sa kanya ay nais na nitong magpakasal sila sa murang edad na kaagad niyang tinanggihan dahil desidido siyang magkapagtapos muna at maging pulis bago pasukin ang buhay pag aasawa. May napapansin siyang kakaiba sa kanyang sarili ngunit isinawalang bahala na lamang muna niya dahil gusto muna niyang makapag focus sa paparating nilang board exam. Habang naglalakad siya sa pasilyo ay nakaamoy siya ng kakaibang amoy ng pabango kaya lakad takbo siya patungong labas ng kanilang gate upang ilabas ang pinipigilan niyang suka. “s**t! Ano ba ang amoy na yan?” mataray niyang tanong sa lalaking hinihimas ang kanyang likod. “Huh?” naguguluhan nitong tanong “Ang baho ng amoy mo. Ang baho!” paguulit niya kaya ang kaharap niyang lalaki ay bahagyang inamoy ang sarili. “Huh? Naligo ako baby,” depensa naman ng huli “May maamoy ba ako kung hindi ka mabaho?” “Sige magpapalit na lang muna ako ng damit.” Nakita niya itong naghubad ng uniform na pang itaas pati rin ang pangilalim nitong army t-shirt ay tinanggal din nito. May kinuha ito sa back seat na nakahanger na white t-shirt at ‘yun ang sinuot nito. “Amuyin mo nga kung mabaho pa.” anito na bahagya pang inilapit ang sarili sa kanya ngunit itinulak niya ito papalayo dahil pinagtitinginan na sila ng kanilang kabit bahay. “Okay na ‘yan.” “Tara na malelate na ako.” imporma niya Makalipas ang halos nasa kinse minutos na byahe ay narating na nila ang eskwelahan kung saan siya nagrereview. “Salamat! Ingat ka.” pasasalamat niya sa lalaki “Wala man lang bang kiss?” nakangiti nitong tanong “Asa ka.” sagot niya na kina halakhak naman ng lalaki “Zia” tawag ng pamilyar na boses na umagaw ng atensyon nilang dalawa “Zia kausapin mo naman ako.” pakiusap nito “Wala tayong pag uusapan, Mave. Ayusin mo ang problemang ginawa mo! Hindi kaya ng konsensya ko na maging masaya habang may bata akong inagawan ng atensyon at pagmamahal. Mahalin mo sila ng nararapat hayaan mo na ako dahil kahit anong gawin mo ay hindi ko pipiliin ang ipaglaban ka.” mahabang litanya ng dalagang si Zia sa nakaraan nitong kasintahan Nakita niyang bumaba ng sasakyan si Perry at agad lumapit sa kanya kaya naman binalingan niya ito ng nagtatanong na tingin ngunit blanko ang ekspresyon ng mukha nito habang naglalakad papalagit sa gawi niya. Hindi na rin muling nagsalita pa si Mave at walang lingon likod na tinalikuran sila. Gusto man niyang bigyan pa ng pangalawang pagkakataon ang lalaki ngunit hindi kaya ng kanyang konsensya na mawalan ng ama ang isang batang walang muwang dahil lamang sa kanya. Maraming lalaki diyan at hindi lamang iisa kaya mas gusto na lamang niyang masaktan dahil alam niyang lilipas din lahat ng ito. Nakaramdam siya ng panghihina dahil sa sakit na kanyang nadarama at parang gusto na lamang niyang humilata sa bahay at magpakalango sa alak. “Baby alis na ako hindi kita masusundo mamaya hanggang bukas dahil may lakad kami. Galingan mo sa klase niyo.” anito sabay halik sa kanya sa labi ngunit imbis na magalit dahil ninakawan na naman siya nito ng halik ay hindi na siya nagsalita pa dahil wala din namang mangyayari. Sumapit ang alas kwatro oras na ng kanilang uwian. Naisipan niyang mag aya ng inuman sa isang malapit na Bar mula sa kinaroroonan nila na agad din sinang ayunan ng kanyang mga kaklase. At twing labasan ay talagang nilalango niya ang sarili sa alak. Wala ang kanyang mga magulang dahil mula ng umalis ito ay hindi pa rin ito bumabalik halos magli limang araw na at ang lalaki naman ay parang naglahong bula dahil mula ng ihatid siya sa eskwela ng nakaraan araw ay hindi na rin ito nagparamdam pa. “Sabi ko na nga ba, eh pare-pareho lang ang mga lalaki.” mahinang sambit niya habang hawak hawak ang baso na may lamang alak sabay tungga at dahil wala silang review kinabukasan ay wala siyang balak umuwi ng maaga. Nakaramdam siya ng parang konting kirot sa kanyang puson ngunit ‘di niya ‘yon binigyan pansin dahil sa pagkakaakalang gutom lamang ‘yon dahil halos tatlong araw na siyang nalilipasan ng gutom. May emergency kasi ‘yung nag iisa nilang kasambahay at ang kanyang ate naman ay busy sa mga aralin nito kaya kapag dumating siya sa kanilang bahay ay diretso tulog na. Habang tumatagal ay tumitindi ang kirot kaya naman minabuti niyang tumayo ngunit muntik na siyang matumba kung ‘di siya nahawakan ng kanyang kaklase. Inalalayan siya nito makatayo at maglakad ngunit patindi ng patindi ang kirot at sakit na kanyang nararamdaman. “Ahhhhhhhhh” malakas niyang daing at kaagad naman siyang dinaluhan ng kanyang mga kasama “Ziammel, anong nangyayari sayo?” aniya ni Rina “Ahhhh.. Ang sakit” halos naiiyak niyang sagot “Zia” “Ziammel, b-bakit may dugo? May dugo ka!” taranta nitong sambit hanggang hindi na niya namalayan ang sunod na mga nangyari. Ziammel’s POV Nagising akong nanginginig ang aking katawan sa gutom at para akong uhaw na uhaw kaya agad kong iminulat ang aking mga mata. Nakita ko si Mama na tulog sa upuan habang si Perry naman ay nakaub-ob sa may kaliwang bahagi ko. “s**t” mura ko sa isip “Ano bang nangyari sa akin?” piping usal ko sa isip Minabuti kong gisingin si Perry dahil sa uhaw na aking nararamdaman. “Perry” yugyog ko sa balikat nito “Perry” muli kong tawag dito at kaagad naman itong nag angat ng mukha “Perry nauuhaw ako at nagugutom.” imporma ko “Sandali tatawagin ko lang ang Doctor mo.” anito at mabilis na naglakad papalabas hindi ko namalayan na nagising na rin pala si Mama “Anong pinaggagawa mo, Ziammel?” mahinahon nitong sa akin Hindi ko malaman kung ano ang tamang isasagot dahil kahit ako ay ‘di ko din alam kung bakit ako ay naririto kung gayong uminom lang naman ako kagabi. “Sumagot ka!” “Buntis ka tapos uminom ka ng uminom?” Hindi kaagad ako nakahuma sa tinuran ng aking ina. “Buntis ako? At nagbunga ang isang gabing pinagsaluhan namin ni Perry?” piping usal ko sa isip “Huwag mong sabihin na si Mave rin ang ama niyan?” paninigurado ng aking ina ngunit nanatili akong walang kibo hanggang dumating ang doctor at si Perry. “Mamaya ay maaari ka ng lumabas, Misis pero dapat mong iwasan ang alcohol dahil ito ang naging sanhi ng miscarriage mo.” aniya “At kumain ka rin ng masustansyang pagkain para bumalik kaagad ang iyong lakas.” anito at may isinulat sa kapirasong papel sabay abot kay Perry. “Ito naman ang kailangan niyang inuming gamot.” Hanggang makaalis ang Doctor ay tahimik si Mama na nakatingin sa amin. “Kainin mo ‘tong lugaw, susubuan na lang kita.” walang pag aalinlangang turan nito. Maya maya ay biglang bumukas ang pinto at iniluwan n’on ay si Papa a Ate. “Anong nangyari Lorna?” tanong ni papa sa aking ina habang si Ate ay tahimik na nakikinig sa usapan “Nakunan ang anak natin.” narinig kong tugon ni Mama “Nagpabuntis ka pa talaga sa lalaking ‘yon, huh?!” bulyaw sa akin ni Papa. Ito ang unang beses na masigawan ako ng aking Ama, kaya hindi kaagad ako makasagot. “I’m so disappointed on you, Ziammel.” anito na nanging para tulutan ng bumuhos ang luha mula sa aking mata “Papa” tanging sambit ko “Excuse po” singit ni Perry “Tito, ako po. Ako po ang ama ng pinagbubuntis ni Ziammel.” anito na kinabigla ng mga magulang ko
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD