Ciara's pov "Hoy, ayos ka lang ba?" "Anong sino siya? Ano ka? May amnesia?" Nakangiwing tanong ni Jennifer, pero dahil sa tanong niya ay mas nagkaroon ako ng magandang ideya para ipagpatuloy ang ginagawa ko. Inosente kong tinignan si Jennifer sa mata. "Hindi ko talaga siya kilala, sino ba 'yan? Kaibigan mo?" Nag-aamang-amangang banggit ko kay Tyron na hanggang ngayon ay nakatulala pa rin. Kinunutan lang ako ng noo ni Jennifer na para bang nagtataka siya sa inaasta ko ngayon. "Saka, sila? Sino sila?" Baling ko rin sa mga magulang ko. Nagsimula namang maging emosyonal si Mommy at hindi napigilang maiyak. Psh, nakakatawa. Kung kailan ako nakapag desisyon na kalimutan sila ay doon lang nila napansin ang halaga ko. Wow. "Ara.." Inosente kong binalingan ng tingin si Jennifer. "M-magulang

