Tyron's pov "She's gone.." Napako ako sa kinatatayuan ko. 'H-hindi totoo 'yan,' "Hindi!" "Ah!" Napapikit ako dahil sa sakit na naramdaman ko nang mahulog ako sa kinauupuan ko. Napahawak ako sa sintido ko dahil bigla nalang itong kumirot. Agad akong napalingon sa babaeng nakahiga pa rin hanggang ngayon sa kama na nasa gilid ko. "P-panaginip.. masamang panaginip." Hinawakan kong muli ang kanyang kamay at inilagay sa aking pisngi. "Hinding hindi ko hahayaang magkatotoo ang panaginip ko." Agad akong napatingin sa orasan na ikinalaki ng mga mata ko. 'Sa loob ng sampung oras ay kailangan magising siya.' 'I-isang oras, isang oras na lang ang natitira!' Kabado akong napatingin sa pinto nang magsipasukan ang iilang nurse. "I'm sorry, Sir. Pero kailangan niyo na pong lumabas." 'T-tek

