bc

Everything I Own

book_age16+
1.2K
FOLLOW
3.6K
READ
arranged marriage
billionairess
heir/heiress
sweet
bxg
lighthearted
realistic earth
love at the first sight
gorgeous
passionate
like
intro-logo
Blurb

Ivanna Mondragon knew from the beginning she will marry for convenience not for love. Bago siya matali sa pag aasawa na walang pag ibig, she decided to ran away and enjoy life. But she ended up working as a housemaid, there she meets Adam Santillan. He has everything siya ang lalaki na gugustuhin mo makita pagmulat ng iyong mga mata. Ang masilayan ang mukha nito para na siyang may round trip ticket from heaven to earth. Paano ba naman para siyang anghel sa sobrang kagwapuhan.

Paano pa kaya kung sabihin niya ito?

"I love you Ivanna. I am willing to give up everything I own, just to have you."

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Adam POV "What the fvck!"mahinang mura niya ng makita ang babae na nakahiga sa kanyang kama. Dahan dahan siyang lumapit at pinagmasdan ito. She has a very pretty face, looks like an angel. Makinis ang kutis natural na mapulang labi at katamtamang tangos ng ilong. Everything is in proportion. Bumaba ang tingin niya sa kabuuan nito.She is wearing a housemaid uniform. Ang kamay nitong nasa ibabaw ng dibdib ay hawak ang feather duster. Napakunot ang kanyang noo. Kilan pa sila nagka housemaid na ganito kaganda? Nagbago na ba ang preference ni Miss Grace ang kanilang mayordoma sa pagkuha ng housemaid? "Sir!"napalingon siya sa nagbukas ng pinto. Alam niya matagal na itong naninilbihan sa kanila pero hindi niya alam ang pangalan nito. "Pasensya na kayo sir sa pamangkin ko. Napagod siguro sa dami ng aming ginawa sa paghahanda sa pagdating ninyo". hingi nitong paumanhin at agad lumapit sa dalagang nakahiga. "Ivan, gising!" bahagya nitong tinapik ang pisngi ng dalaga. Unti unti itong nagmulat ng mata. At agad nawalan ng kulay ang mukha ng magtama ang aming tingin. "Oh my God!"bulalas nito at agad bumangon. " Sir, I'm so sorry!" hingi nito ng paumanhin at bahagya pang yumukod. "How long have you been working here?" tanong ko. Mataman kung sinuri ang kanyang mukha at tindig. Too perfect! "One-week pa lang po Sir!" mahina ang boses na sagot nito. "Next time you do this, mawawalan ka ng trabaho! I will fire you!" sabi ko sa kanya.Agad naman itong nag angat ng mukha at tumingin sa akin. "Do you understand?!" bahagya kong tinaasan ang aking boses. Napapitlag naman ito at agad na tumango. "Good! I want you to leave now. Gusto ko nang magpahinga." utos ko dito na agad naman na tumalima. Matapos sumara ang pinto ng aking kwarto,padarang akong humiga sa aking kama. The same spot where she was lying. "Ivan." Bulong ko while I can still smell her scent on my pillow. IVANNA POV "Ano ka ba namang bata ka!Ang dami naman pwedeng pagpahingahan ang higaan pa ni Sir Adam ang napili mo?" Sermon ni manang Flor sa kanya. "Pasensya na po,napagod lang talaga ako!" hingi ko ng paumanhin. Tsk! Bakit ba naabutan siya ng binata sa gaanong ayos? "Akala ko bukas pa siya darating?" tanong ko. Ilang araw na kaming abala dahil sa paghahanda sa pagdating ng lalaki. Matapos ang graduation agad itong nag travel sa ibang bansa. At sa darating na Sabado ang napiling araw upang magdaos ng party ang ina nito. Sa malawak na mansion ng pamilya Santillan sino ang hindi mapapagod kung mag general cleaning kayo? "Naku, ganyan si Sir Adam. Susulpot yan dito kung kelan niya gusto. Baka matulog lang yan ng isang araw tapos mawawala na naman yan. Kung kelan lang maisipan saka lang yan uuwi." Singit ni Cherry sa usapan nila ni Manang Flor. "Bakit naman?"nagtataka kung tanong. "Nag enjoy siya sa kanyang pagiging binata. " sagot nito. "Tama na ang daldal ang dami pa natin gagawin".saway sa kanila ni Manang Flor. "Ang gwapo ni Sir Adam ano?"pabirong bulong ni Cherry sa kanyang tenga. Matipid siyang ngumiti. Hindi lang gwapo, para itong anghel na walang pakpak. Nahulog kaya iyon sa langit? Matapos ang nakakapagod na gawain,napagpasyahan niyang magtungo sa butterfly garden. "Cherry, I text mo ko pag may naghanap sa akin. Magpahinga lang ako saglit." bilin ko dito. "Mag pa alarm ka na lang!"pahabol nito. "Baliw ka!" isang linggo pa lang pero alam na nito ang libangan niya ang umidlip. Mabuti nakakatago siya sa masungit na si Miss Grace. Anyway sa dami nang utusan ng mga Santillan hindi na nito mapapansin na may sarili siyang break time sa gawain. Magpakita na lang siya kapag mag serve na nang hapunan. Hindi niya namalayan ang oras naalimpungatan na lang siya ng may marinig siyang mahinang ungol. Sumilip siya sa pagkakahiga sa wooden bench. Napasinghap siya sa nakita. A kissing couple! Hindi niya alam kung paano maglalaho sa eksena. Tinamaan ng magaling!Parang hungry hyena ang babae sa paghalik sa lalaki na sa tama ng ilaw sa garden si Sir Adam niya iyon. Ang likot ng kamay ng babae, touching his chest at nagsimula na itong maglandas pababa. Lumalaki ang kanyang mata sa nakita. Magtatago sana siya ng mag ring ang cellphone niyang mumurahin. Ang ringtone nito parang alarm pag may sunog. "s**t!" mahina kong mura at hindi magkanda ugaga sa pagpindot dito. Hindi ko ito sinagot kasi alam ko si Cherry lang ito at pinababalik lang ako sa loob. Biglang nag init ang aking pisngi hindi ko alam kung paano mag react sa tingin na ipinupukol ng dalawang pares ng mga mata. Bakit ba walang ibang exit door dito? Kailangan ko tuloy dumaan sa harapan ng dalawang ito na parang gusto akong ibitin ng patiwarik. "Pasensya na po,aalis na ako. Hindi ko sinasadya na maistorbo kayo." Hingi ko nang paumanhin. "Bagong maid nyo?" maarteng tanong ng babae. Maganda pero mas maganda siya. "Oo at mukhang hindi na siya magtatagal dito bilang maid!" komento ni Adam na nakapagpahinto sa kanya sa tuluyang paglabas ng garden. "Po?" pa inosente kong tanong. Ang init ng dugo sa akin ni sir Pogi ah! Kasalanan ko bang mahuli silang naghahalikan? "Sorry na sir,hindi ko naman alam pag andito kayo feel nyo ditong mag date ng kasintahan nyo!" Hingi niya ng pamaunhin dito.She looks into his face, trying to examine how handsome he is. "It's not like that! Kanina ka pa nawawala ah. Tapos andito ka lang pala?" halatado ang iritasyon nito sa boses. "Hinahanap ninyo ako?Me kailangan ba kayo?" Nagulat niyang tanong. At mas itinuon, pa ang kanyang itim na mga mata sa gwapo nitong mukha na kababakasan ng inis. "Oo, dumating na ang ibang bisita at busy sila sa loob. Ikaw busy ka pagtulog na naman?" sagot nito.Habang nagagalit lalong gumagwapo. "Hindi po ako natutulog!" pagtanggi niya. "Nagpahinga lang ako!" pahabol niya. "Ganito ka magpahinga?" dinukot nito ang cellphone sa bulsa at ipinakita ang ibidensya. "Oh!"reaksyon niya ng makita ang sarili na natutulog na parang bata. "Bakit di ninyo ako ginising?" tanong niya dito. Pero pinaningkitan lang siya nito ng mga mata. "Bumalik ka na doon! At pag naka tatlo akong kuha mong natutulog. You will be fired!"utos nito sa kanya. Patakbo na lang siyang lumayo sa mga ito.Hindi dahil takot siyang masisante kundi gusto niyang itago ang ngiti sa mga labi.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Ballerina's Downfall

read
81.5K
bc

His Obsession

read
104.1K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.0K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.1K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.1K
bc

The naive Secretary

read
69.7K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook