Adam
"What are you doing here?"nabiglang tanong niya sa dalaga.
Kalalabas lang niya ng bathroom at nagulat siya ng paglabas niya ng banyo ay makita ito sa loob ng kanyang silid.
"Maglilinis po ng kwarto nyo".sabi nito habang nakatingin sa kanya na bagong paligo. Nakatapis lang siya ng tuwalya.
"Si Cherry ang gumagawa nito.” Sabi niya patungkol sa paglilinis ng kaniyang silid.
"May iniutos po ang mama nyo, kaya ako na lang.” sabi nito na hindi pa din inaalis ang tingin sa kanyang katawan. Ang tingin nito ay napako sa abs niya at dibdib.
"Kumain ka na ba?" Nakangisi niyang tanong dito.
Nabigla man sa tanong niya ay sumagot pa din ito.
"Yes sir! bakit po?"Sagot nito at tumingin sa kanya.
"Bakit parang gusto mo akong kainin?"sabi niya at sumilay ang nakakalokong ngiti niya mga labi. Napaawang ang mga labi nito. Parang napahiya at pinamulahan ng mukha.
"Akala mo ang kapitbahay mo lang ang may katawan na pang model ha?"Lumapit pa ako sa kanya. At sa nanunuksong mga ngiti ay hinawakan ko ang kanyang mga kamay at dinala sa mga dibdib ko. Para itong napaso na agad binawi ang palad.
"Labas muna ako sir!"nagmamadali itong lumabas ng silid. Naiwan ako na malaki ang ngiti sa labi.
Masarap pala tuksuhin ang dalaga sobrang mag blush.Lalo itong gumaganda pag namumula. Naramdaman din niya ang panginginig ng mga palad nito. And he also likes the touch of her hands on his chest,kahit saglit lang yon.
Ivanna
"Hoy,namumutla ka!" puna ni Cherry sa kanya. Nagtuloy siya sa kusina at uminom ng malamig na tubig. Baka mawala ang pag iinit ng kanyang pisngi.
"Napagod ka ba sa paglilinis ng room ni Sir Adam?."tanong pa nito.
“ Hindi pa. Samahan mo ako.”hingi niya ng tulong kay Cherry.Kailangan niya ng back up. Nakakawala ng huwisyo ang presenya nito na tuwalya lang ang nakatabing sa katawan. Parang na reached na ang boiling point niya sa sobrang init ng kanyang pakiramdam!
"Sige,ayusin ko lang ito" at tinapos na nito ang ginagawa at tinulungan siya ni Cherry na linisin ang kwarto ni, Adam. Mabuti na lang at naka alis na ito ng pumasok sila para mag linis. Dahil hindi niya alam kung paano haharapin ito. She was ogling on his well-toned abs. God, he’s the epitome of perfection! Good looks and good body!
"Ilabas ko na ang mga bedsheet, Ivanna!” tinig ni Cherry na nakapag pahinto ng kanyang isip sa paglalaro ng imahe ni Adam sa kanyang utak.
“ Sige, tapusin ko na lang ito.” sabi niya habang pinupunasan ang ilang mga kasangkapan na wala naman alikabok.
Lumabas na si Cherry ng silid at naiwan siya sa kanyang ginagawa. Pagkatapos niyang magpunas, naisipan niyang maupo sa coach.
“ I will rest for a while.” Nakangiti niyang sabi at ginawa niyang komportable ang sarili.
Adam
Nakalimutan niya kanyang ang cellphone kaya bumalik siya ng kwarto. Pero nagulat siya sa napasukan,natutulog si Ivanna sa kaniyang coach. Nilapitan niya ito. Ikinaway ang mga palad sa tapat ng mukha, pero wala itong reaksyon. Naupo siya sa harap nito at tinitigan ang dalaga. She's so pretty, para itong anghel na natutulog. Kinuha niya ang cellphone at kinunan niya ito ng pictures. Napapailing siya sa sarili at lumabas na ng silid.
"Dude,nasa outer space ka na naman!" puna ni Shaun sa kanya.Andito sila sa paborito nilang tambayan na high-end bar.
"Don't mind me Shaun may naiisip lang ako.” sagot niya dito.
"You’re thinking of your future wife?” tanong nito sa kanya.
Kumunot ang noo niya dito.
"Pareho lang tayo, ng sitwasyon Shaun. At ayaw kong isipin yon. Why are you thinking of your future wife?".ganting tanong niya dito.
"Yes, and she's getting into my nerves!"nangigil nitong sabi sabay tingin sa entablado kung san nag perform ang isang banda. Sinundan niya ng tingin ang tinitingnan ng kaibigan.Isang babae na nakasuot ng ripped jeans at leather jacket. At maiksi ang buhok.mukhang nag enjoy ito sa pagtutog ng hawak ng electric guitar at pagkanta.
"I am really surprised one day nang pag uwi ko she was there. Inihatid siya ng parents niya because she's a headache! And look at her!” nag aapoy ang mga mata nito sa galit habang nakapanood sa babaeng parang walang pakialam sa mundo.
Naiiling na lang si Adam. Anak mayaman, they will do what they want!
"And do you know why she has to do that? she lost in a bet! ang hilig makipag pustahan.Natalo siya sa billiards,ang Ducati niya ang pinusta.at para mabawi, she has to perform here for a week"Hindi makapaniwala nitong sabi.
"Why not give your Ducati?"suhestyon niya dito.
"What?No way!siya ang nakipag pustahan bahala siya.at isa pa I let her do what she wants, once we get married. I will never let her do things she used to do."sabi nito at umabot ng isang shot ng pinakamatapang na alak.
"I wonder kung sino pinagkasundo sayo? why not meet her rather than you will be surprised the hell out of your life!" hindi pa rin makapaniwala si Shaun na ang babaeng astig pa sa kanya ang kanyang mapapangasawa.
Napapailing na lang si Adam. Hindi niya iyon naiisip. Ang babae na natutulog sa kanyang kwarto ang umuukopa sa kanyang utak.
"Shanu!"tawag ng babae ng makababa ng stage. Tapos na ito tumugtog.
"Don't call me Shanu, Natasha!"asik nito sa dalaga.
"Nash, okay?!” at bahagya pa nitong tinapik ang balikat ni Shaun.
"What is it?".nakasalubong ang kilay na tanong ni Shaun sa babaeng parang lalaki kung umasta.
"Ayaw ko na magperform,tinatamad na ako.!"sabi nito na medyo nakasimangot. Makikita ang pagkabagot sa maganda nitong mukha.
"So,tubusin mo ang Ducati ko.” dugtong nito.tumingin ito kay Shaun at may matamis na ngiti sa mga sa labi.Napatiim bagang naman ang kaibigan sa dalaga.Nakikita niya sa kaharap ng kaibigan ang kasiyahan sa nakikitang pagkapikon ni Shaun.
"Sinswerte ka!" Taas kilay na sabi ni Shaun dito.
"Ikaw ang swerte,ibabayad ko ang katawan ko sa iyo!".sabi nito at inilapit pa ang katawan sa kaibigan na muntik ng mahulog sa stool sa sobrang gulat.
"Are you crazy?"bulalas ni Shaun.
Humalo sa malakas na musika ang halakhak ng dalaga sa naging reaksiyon ni, Shaun. Naiiling na lang siya sa dalawa.
"I won Tia, your condo will be mine for a week!" baling nito sa katabi na babae na marahil kaibigan nito.
"I told you, he will refuse me. May allergy yan sa akin!".dugtong pa ni Natasha na tumatawa.
"So Shanu my dear, we will not see each other for a week. Don't miss me ok? "mapanukso nitong sabi na bahagya pa tinapik ang pisngi ni Shaun na pulang pula sa pagkainis!