Chapter 27

1040 Words

"San tayo pupunta?" Tanong ni Ivanna sa kasintahan. "Bago ka magbakasyon gusto ko muna na makasama ka sa lakad ng barkada." Nakangiti siyang nilingon ng binata. Hindi nagsalita si Ivanna. Itinuon ang tingin sa labas ng sasakyan. "Don't worry, hindi naman first time na makikita nilang magkasama tayo kaya wala silang sasabihin. Besides, it's just an exclusive party. Birthday ni Sib." Pagbasag nito sa kanyang pagtahimik. Nakangiti na siyang nilingon ng dalaga. "Uno, will be there?" Nakangiti nitong tanong. "Siguro." Nakasimangot na sagot ni Adam. Hindi na lang nag komento si Ivanna. Kung malaman lang ni Adam ang totoo, walang dahilan para makaramdam ito ng pagka disgusto kay Uno. "Okay na ba ang lahat sa bakasyon? If you change your mind, my private suite is still waiting for you. "

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD