Chapter 13

1012 Words
"Anong gagawin natin dito?" Tanong ni Ivanna sa katabi ng ihinto nito ang sasakyan sa parking area ng isang floating restaurant. "I'm hungry,hindi ako nakakain ng maayos kanina." Sabi nito at nauna ng umibis sa sasakyan. Hindi siya bumaba ng sasakyan hindi naman siya gutom kasi nag enjoy siyang kumain kasama ang kapatid. Napapitlag siya ng katukin ni Adam ang bintana ng sasakyan sa gawi niya. Ibinaba niya ang windshield. Nakakunot ang noo nito habang nakatingala siya sa lalaki. "Come with me!"utos nito at binuksan ang sasakyan,wala siyang pagpilian kundi ang lumabas. Hindi siya nagsalita o kumontra kasi pansin niya ang kawalan nito ng mood mula pa kanina. Matapos nitong I lock ang sasakyan ay nagtuloy na ito sa reception. Matapos makipag usap iginiya sila sa isang floating na kainan na gawa sa kawayan at cogon grass. Hindi ito ang una niyang pagkain sa ganoong klaseng kainan na kadalasan seafoods ang madalas na I serve. "May gusto kang kainin?" Tanong nito sa kanya. Tipid siyang ngumiti at umiling. "Yeah, I know you enjoy the food kanina." Pasuplado nitong sabi at binigay ang order sa naghihintay na waiter. Naiilang siya sa mga tingin nito kaya iniwas niya ang paningin at pinanood ang mga koi na naglalangoy. "May relasyon ba kayo ni Uno?" Tanong nito.Muntik na siyang malaglag sa kinauupuan sa tanong nito. Marahas siyang napalingon at napabunghalit ng tawa. "Stop laughing!"iritado nitong utos. Mukhang pikon na pikon na ito at tumayo sa harap niya. Tumingala siya dito.At hindi pa din niya mapigilan ang tumawa.Effective naman pala ang pag disguise ni Ysa kasi kahit si Adam napaniwala nitong isa siyang tunay na lalaki. Hindi niya inaasahan ang ginawa nito para mapatahimik siya sa pagtawa. "Ummmp!" he kissed her,hindi niya inaasahan ang ginawa nito. Isang mapagparusang halik kapalit ng kanyang pagtawa. It was ages bago siya binitiwan nito. Parang namanhid ang kanyang mga labi sa paraan ng halik na ginawa nito. It was rough, and not passionate. Nanlalaki ang mga mata na napatingin siya sa lalaki. "You kissed me, again!" Ani Ivanna habang hawak ang labi,dinama kung dumugo ba ang labi niya. Taas baba ang kanyang dibdib.Pabagsak na umupo si Adam sa kanyang tabi. "I told you to stop. It's my way to shut you up!" Hindi ito makatingin sa kanya. Marahil pilit nitong itinatago ang sariling emosyon. "Don't make me hate you, Mr. Santillan!" Nakakuyom ang mga palad niyang sabi dito. "And what you can do?" Lumingon ito sa kanya. Tulad nito hindi din niya mabasa ang nasa mata nito. "Wag mo akong paglaruan." Naiiyak na niyang sabi. Hinawakan ni Adam ang mukha niya,hindi siya makagalaw. Hinuli nito ang kanyang mga mata. "I'm sorry Ivanna. I can't help it." Hingi nito ng paumanhin.Nakita niya ang sincerity nito habang nakatitig sa kanya. Pero may ibang damdamin siyang nabasa na ayaw niyang pangalanan. "Please don't cry. I'm sorry!" Dugtong nito.At hinawakan nito ang kanyang mukha. He’s trying to dry her tears. "Sir Adam,alam mo kung ano ang dapat." Mahina niyang sabi. Inalis niya ang palad nito sa kanyang mukha. "I'm starting to lose myself." Parang nahihirapan ang kalooban na sabi nito. Hindi siya nagsalita.Napaka imposible,hindi siya aasa. "I think I like you."mahina nitong sabi,pero parang naka megaphone ito sa kanyang pandinig kasi parang nayanig ang kanyang pagkatao. Umiling lang siya. Showing her disbelief. Paano nito pwedeng mahalin ang isang tulad niya na kasambahay lang nito. Samantalang pwede nitong makuha ang pinaka sikat na socialite kung gugustuhin nito? "Hintayin na lang kita sa labas, Sir." Sabi niya at tumayo na. Kailangan niyang makalanghap ng sariwang hangin. She can't breathe being with Adam. Pinapasikip nito ang mundo niya.Gusto niyang mag isip. Walang pagtutol kay Adam.Inihatid lang siya nito ng tanaw. She sent a message. Ilang minuto lang nag ring na ang kanyang cellphone. "Ysa, what should I do?" Agad niyang sambit ng marinig ang boses nito sa kabilang linya. "I can't talk right now Ivan. I'm only waiting for Kapitan Tiago to finish his food and anytime soon lalabas na iyon." Sabi nito,kung sa iba sanang pagkakataon matatawa siya sa panibagong binyag nito kay Sib. Panigurado na naasar na naman ang kapatid niya dito. Okay na ang kapitan kesa Bakla. "You need to hear me out!" Frustrated niyang sabi. "Tomorrow let's meet. I will send you the place. Got to go, he's coming!" Sabi nito at naputol na ang linya. Tama, she deserves extra day off. Naupo siya sa upuang driftwood na nakita. "This is what you wanted Ivanna. Ang may magmahal sa iyo ng totoo. At hindi titingin sa social status mo.” kausap niya sa sarili. He has everything. Walang aayaw sa kanya. Physically siya ang tipo ng lalaki na gugustuhin mo makita paggising sa umaga. Para na siyang nakapunta ng langit at naka face to face ang isang anghel sa tuwing titingnan niya ang mukha nito. She will not after his money,kasi kayang niyang pantayan ang meron ito. But she's not in the position to love someone freely and easily. Loving him means he has to face Mr. Mondragon. Ang kanyang ama na nagtakda na kung sino ang lalaki na nararapat sa kaniya. Hindi niya namalayan kung ilang sandali siyang nahulog sa malalim na pag iisip. Malakas na busina ng sasakyan ang nakapag pabalik sa kanya sa kasalukuyan. "Get in!" Ani Adam na ibinaba ang bintana ng sasakyan. Walang imik na sumakay siya ng sasakyan. Pero ilang saglit na siya hindi pa din ang drive ang binata kaya nilingon niya ito. Hindi niya akalain nakatingin pala ito sa kanya. O mas tamang sabihin na nakatitig ito sa kanya. "I don't know where to start Ivanna but believe me. I kissed you not because pinaglalaruan kita. I like you I really do." Sabi nito sa kanya. Hindi siya makapag salita. "Please, say something." Hiling ni Adam ng walang salita na lumabas sa bibig niya. Nakipagtitigan lang siya dito. "Can I have a day off tomorrow?" Ani Ivanna. Nakita niyang bumuka ang bibig ng binata at muli lang ding itinikom. Isang tango ang isinagot nito. Pagkatapos niyon ay nag maniobra na ito paalis sa lugar na iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD