"Baby, wake up. We're almost there," napamulat ako dahil sa malambing na boses ni Zakhar. Ramdam ko ang maingat nitong paghaplos sa aking mukha. Nang tuluyan na akong nagising, kaagad bumungad sa akin ang nakangiting anyo ni Zakhar. Kaya naman ay hindi ko rin mapigilang hindi mapangiti. Tinignan ko ang paligid; tama nga ito narito na kami sa Maynila dahil nakikita ko na ang nagtataasang mga gusali habang papalapag na ang private jet. Masaya ako at nakabalik akong muli sa Maynila. Hindi ko maaaring makalimutan ang lugar na ito dahil sa maraming alaala. Ngunit sa kabila ng aking saya, may nararamdaman rin akong lungkot dahil dito ko rin nakilala ang dalawang lalaki na may malaking puwang sa aking puso at kailanman hindi ko sila kakalimutan. "Zakhar, sigurado ka talaga?" Kung kanina ay nag

