"In my eyes, based on my own observation. All of you lied, only Mr. Akagi tell the truth about where he is."aniya. Saka hinarap ang laptop na may CCTV Footage copy.
"nakalimutan niyong may cctv bawat sulok ng campus.."last na sambit nito.
Halos mapanganga ako sa nalaman. Seryoso?
"For the final showdown.. Aikee ikaw na."saad ni Ashton.
"We, gather all the information. Simula sa finger print, foot print at sa krimeng ginawa sa katawan ni Miss Seyrin. Natagpuan ng mga pulis ang foot print at finger print niyo Miss Akane, Mr. Kamaguchi, Mrs. Ikawa, Miss Sato at Miss Yamazaki. Madali lang imatch iyon kahit wala kayong test na ginawa. You know why? Kasi mga tanga kayo. Bago kayo makapasok sa school bilang empleyado at estudyante hindi ba't may medical test na ginagawa kasama na ang pagkuha ng foot at finger print. That's it. Pinakuha agad ni Inspector Akatsuki ang copy ng inyo the moment na magsimula ang interview para sa suspect. They did well. Sad to say."mapang asar itong ngumisi.
Gosh. Kinilabutan ako sa ngising 'yon. The hell!
"lahat kayo ay may motibo sa pagpatay. Kahit di kayo gumamit ng death code o ano. Base sa obserbasyon namin. Miss Seyrin got poison, natagpuan ni Cloud ang gamit nito sa abandonadong bodega may nakita siyang bottle water. Malinis na malinis. Pero kung matalino ang makakapulot kagaya ni Cloud mapapansin niyang wala itong pinagkaiba sa mga alkaline water na may nilagay na gamot para luminaw ang tubig. Kaya lang kahit di ito amoy agad niyang pinasuri sa chemical engineer na teacher sa chemistry. Napag alaman na gumamit ng potassium at alkaline capsule ang suspect. Potassium can make a person heart beat stop. Nakaramdam ang biktima ng paninikip ng dibdib. Then Miss Akane is the only person who can be with her all the time bukod sa sabay sila pumasok nasa iisang dorm sila nakatira."anito sa matigas na tono.
Halos maiyak at mapaluhod si Akane. Confirm.
"Hayop ka Akane! Nagawa mo yun sa girlfriend ko!"ani Ayato. Sinapak naman ni Ziegler ito dahil kanina pang hot na hot.
"Anong karapatan mong magalit Ayato? Hindi ba't nandun ka para buhatin si Seyrin habang nagmamakaawa ito. Pero anong ginawa mo? Dinuraan mo pa siya sa muka."natameme si Ayato sa sinabi ni Aikee.
"Nakita sa cctv footage yung krimeng ginawa niyo. Together with Mrs. Ikawa siya ang sumampal at psycho na balak tanggalan ng kamay si Miss Seyrin. Napag alaman naming kalandian mo ang mga estudyante mo lalo na si Ayato. At si Ayane na may matinding pagkamuhi kay Seyrin ay may lihim na pagtingin kay Ayato. Minsan na din nitong inakit ang lalaki kaya may nangyari sainyo. Tama ba?"ngumisi lalo si Aikee. He look like a demon. Nakakatakot siya! Kung di lang siya gwapo!
"F-f**k!"mura ni Ayato.
"about the two, Miss Kia and Ana kasabwat din kayo tama? Kayo ang naka assign sa mga posibleng makakita. Kayo ang taga masid o look out para safe nilang magawa ang plano. Kayo din ang sumira ng ilang cctv sa pinangyarihan. Kaya lang pasensyahan meron kaming Aelon na genius pagdating dyan."napaluhod nang naiyak yung dalwa. Panay ang iling ng mga ito.
"About the text message nagawa mong pakielaman ang cellphone ni Miss Seyrin, Akane dahil magkasama kayo. Sad to say our hypothesis is beyond excellent. We asked every one about it. Alam mo kung saan kayo nagkamali?
Sa pagiging sinungaling. Dahil bago pa man mangyari ang lahat pinagplanuhan niyo na. Nag usap usap na kayo kung anong dapat kalabasan ng lahat para lumabas kayong inosente.
Never did it inside the campus kahit sirain niyo pa ang cctv may nilagay na AI device si Aelon para magkaroon ng copy ang cctv footage."dire-diretso nitong turan.
"about Mr. Akagi, napag alaman naming ulyanin na ito dahil sa katandaan pero bihira iyon. Hindi ba't pinatulog niyo siya nung mga oras na 'yon. Sinamantala niyo ang kahinaan niya sa pagiging makakalimutin kaya wala siyang ibang sasabihin kundi OO kapag kinumpirma na nakita niya kayo ng ganoong oras. Kaya lang di sinasadyang maalala niya na nakitang magkasama si Ayato at Mrs. Ikawa."dagdag pa ni Aikee.
"Case Closed."pinal na sabi nito.
"warrant of arrest.."ani ng Chief. Dinakip na ng mga pulis ang mga suspect.
"They are so cool! Hindi lang sila MVP at matalino sa academics. They're awesome!"manghang sabi ko sa dalawa kong kasama.
"I told you. Kaya maraming babaeng nahanga sakanila. Hindi sila basta basta."ani Jara.
"Lahat sila may kanya kanyang talento, mapa music man o sports. They're awesome. For real."ani Shee habang nakamasid sa labing apat na ngayon ay kinakausap na si Mr. Akatsuki.
"Salamat Highschool Detective pinahanga niyo nanaman kami sa pang isang daan apat napu't limang kasong naresolba niyo. Kung wala kayo baka nahirapan na kami."ani Inspector Akatsuki.
Nagpasalamat din si Chief Yamamoto. At agad na umalis.
"Sana lang huli na to. Kase nakakatakot na talaga pumasok. Lalo na at dito lang tayo mismo sa loob ng Spring High. By dorm."ani Shee na sinang ayunan namin.
How I wish..
Gaya ng sinabi ng assign teacher na nagsalita last time. Doble nga ang seguridad na nangyari sa school.
Kaya lang hindi nabawasan ang gulo sa loob ng Campus dahil madalas mag away o mang away ang mga taga Section F.
"Proceed to detention room! This is an order from the highest Student Council Commander."ani Aikee sa seryoso at baritonong boses. Kahit sino kikilabutan sa tingin at pananalita niya palang.
Halos magtindigan ang balahibo ko sa takot. Tatakbo na sana yung taga Section F nang pagharap nila sa likod nandoon si Ashton, Chester at Ziegler. Kilala silang batikan sa ramble kaya napakamot nalang sa ulo yung mga pasaway.
Araw araw pagmumuka nila Aikee nakikita ko. Hindi naman sa nagrereklamo ako ha. Oo na sobrang gwapo na nila to the point na andaming nababaliw na babae sakanila. Pero kasi naman.
Hayyy.
"may game mamaya. Nood tayo! May dayo e! Outsider syempre taga Crimson High! Mga gwapo daw ang taga roon. May laban mamaya sa basketball syempre ang Section B-Fidelity ang lalaro sila ang varsity ng school diba."ani Jara. Ang daldal niya talaga lagi pang updated jusko.
"Talaga? Wala bang kukunin sa ibang section? Sila lang talaga varsity member?"taka kong tanong.
"merong tatlo pa sa Section C galing. Si Kleif Owen Song, Carl Vanz, at yung boyfriend ko sa senior level. Si Nathan Paul Dinlasan. Hehe."ani Jara sa ngiwing tono. Napangiti naman ako doon.
"ano oras ba game? Tara!"aya ko.
"mamayang 3pm na. Vacant yun, kaya lahat makakapanood ng game!"masiglang saad ni Shee.
Jara is cute, short hair na lagpas hanggang balikat. Bilugang muka matangos na ilong medyo makapal na labi na bumagay sakanya at malalim na mata. Kapupuyat. Haha. Pero cute talaga siya.
Si Shee naman mahaba ang buhok mas matangkad siya samin ni Jara. Tapos manipis ang labi, may pangil na ngipin asset niya yun. Bilugang muka tapos sakto lang ang ilong at may mapungay na mata. Kayumanggi ang kulay nilang dalwa pero bagay na bagay sakanila. Sexy sila pareho. Syempre.
Ako naman? May mahabang golden brown na buhok, maliit na muka, matangos na ilong, may hazel brown eyes at dimples. May manipis na labing kulay pink at manipis na kilay. Mestiza dahil may lahing espanyol at japanese. Katamtaman lang ang tangkad. Lahat naman kami sexy. Hahaha.