Lahat ng Section B boys ay talaga namang gwapo. Hindi mapagkakaila yun dahil kahit galing sila sa iba't ibang angkan nagsusumigaw talaga yung karangyaan at kagwapuhan. Kahit kanino silang artista itabi mangingibabaw parin ang mga mokong.
Marami din namang maganda at gwapo dito sa Spring High pero para sa halos lahat ng kababaihan ang mga mokong lang ang gwapo sa paningin nila.
"staring is rude, Miss Donmeza."iritableng sambit ng mayabang na Aikee.
Hindi ko alam kung anong nakain nila na sa loob ng isang linggo kong pagiging kaklase nila e, ngayon lang ako napansin. Tss!
"kapal mo. Lagpas kaya yung tingin ko."inis kong katwiran dito. Umirap siya kaya lalo akong naiirita. Gwapo niya umirap kainis!
"reason.."aniya saka sumandal sa upuan.
"Nag aaway nanaman kayo. Ngayon mo na nga lang siya ulit napansin. Inaaway mo pa, Aikee."saway ni Lance.
"Baka magkatuluyan kayo ah."asar ni Ark samin. Pareho lang kaming nainis lalo.
"NO WAY!"sabay naming turan..dahilan kung bakit napahalakhak ang mga ulaga. Geez!
"anong gusto mong itawag namin sayo? Dyosang classmate."ani Ashton.
Talagang napili pa nilang palibutan ako at ang walangh*yang Aikee na ito. At ano dyosa? Hindi ata ako papayag na paglaruan ng hudyong ito!
"France..call me France okay? Not dyosa! Not baby! Not babe! Not honey! F-R-A-N-C-E! France!!"iritable kong bulyaw sakanila. Si Rosh kasi ay panay ang tawag sakin ng baby, si Ark ay babe, si Chester ay honey at etong si Ashton ay Dyosa.
Wala namang umimik sakanila dahil sa sudden outburst ko. Tse! Dapat lang.
Maaga ata akong tatanda sa mga pinagsasabi ng mga ito.
"Anong base kana?"nagtaka naman ako sa tanong ni Ashton makalipas ang ilang minuto.
"anong base?"
"She's innocent Ash. Stop that.."ani Xavier. Naguluhan naman ako sa pinagsasabi nila kaya nagsalubong ang manipis kong kilay.
"Don't mind them, France. Baliw ang mga yan."ani Xander na tinanguan ko nalang..
"Sinong baliw?!"sabay sabay na sabi ng mga to. Humalakhak lang si Xander at Xavier ang cute nila para silang kambal. Ang gwapong tumawa kainis.
"Tulo na laway mo, engot."pang iinis ni Aikee. Siya naman ang inirapan ko.
"wala kang pake. Bitter ka lang!"inis kong baling dito.
"Who's bitter? Ikaw nga tong bitter walang love life. Wala kasing nagkakagusto sayo."pang iinis nito.
"Kesa naman sayo marami ngang nagkakagusto may gusto kaba? May love life ka ba? Sa bitter mong yan! Manhid pa!"mala-witch akong tumawa na siyang kinaasar niya.
"What did you say?!"galit na galit nitong sabi. Inirapan ko nalang.
"may sarili na po silang mundo. Hindi nila tayo naririnig at mas lalong hindi nakikita."ani Rosh. Nagsialisan nalang sila doon maliban kay Xander at Xavier na pinakakalma si Aikee sungit.
Kala mo laging nireregla. Hays.
Dumating ang alas dos ng hapon nang mag excuse ang coach nila na si Coach Ishikawa. Para magprepare sa magiging game nila mamayang 3pm.
"manood ka ah."ani Rosh.
"Aasahan ka namin."segunda ni Ashton. Tinanguan ko lang sila.
Nagulat ako nang pabagsak na binaba ni Ziegler ang kamay niya sa desk ko.
"watch me, nang may makita ka namang gwapong magaling maglaro ng basketball mamaya."aniya sa seryosong tono pero mukang nagbibiro. Ewan ko! Umay na umay nako sa araw araw nalang na may 'gwapo' sa lahat ng sinasabi niya. Siya ang halimbawa ng lalaking nabaliw sa sobrang kagwapuhan.
"alam mo na. Ako ang pinaka gwapong lalaki sa buong Spring High. Kahit outsider mahihiya sa aking sobrang kagwapuhan."mayabang nitong turan.
Napapangiwi nalang ako. Langya?! Seryoso ba siya?
Nagulat ako ng binitbit pasakal ni Xander at Xavier si Ziegler samantalang tawa naman ng tawa si Rosh. Panay ang pagpupumiglas ni Ziegler.
"Pagpasensyahan mo na siya. Nalipasan ng gutom."ani Xavier at tinanguan naman ni Xander saka hiyang hiyang umalis sa harap ko. Napatampal nalang ako sa noo ko.
"Bitawan niyo ko mga unggoy! Mahiya kayo sa kagwapuhan ko! Ayan nanaman kayo sa pagiging inggitero niyo! Tss! Di ko naman kasalanang mas maging gwapo! Ano ba?! Gago kayo!"angal nito. Binatukan naman siya ng dalwa. Samantalang ang iba naman panay tawa.
Bago sila umalis napatingin silang lahat sakin na tinanguan ko lang. I mouthed the word 'goodluck' then half of them smiled. Samantalang si Aikee sungit ayun nang irap nanaman.
Hindi kaya bakla siya?
Geez!
"ano ba yan? France! Dalian na natin. C'mon. Baka mawalan tayo ng upuan. Yoko tumayo!"ani Jara. Natawa lang kami ni Shee sakanya. Saka dumiretso sa gym.
Maayos na ito.
Sobrang daming tao kahit ang taga Crimson ang dami. Buti nalang triple ang laki nito kumpara sa araneta.
Dala nila ang pulang flag ng Crimson High na may leon. Habang ang amin naman ay blue na may wolf.
Napuno na talaga ang loob makalipas ang ilang minuto. Nandito kami sa ikalawang row ng bleacher. Kitang kita ang mga player. Panay ang pacute ng mga playboy.
Habang si Aikee, Zeke, Cross at Cloud ayun at seryosong seryoso. Si Cross naman inaantok pa. Mukang nabitin nanaman sa tulog.
Halos magtilian lahat ng maghubad ng sando si Ashton at Rosh pati si Ziegler para magsuot ng Jersey shirt. Short lang kasi suot nila.
Tilian as in. Dipa nagsisimula napaka ingay na. Nagwawala na agad sila kahit taga kabilang school.
Nagsalita ang emcee kaya natahimik ang lahat.
Good afternoon Springians and Crimson's! We gathered here for a basketball game!
We're going to start after five minutes! Mag warm up na po kayo Springians at Crimson's! Show us your skills!
Nagpalakpakan lahat at nagsimula ng magtayuan ang mga players from both side. Nakakatense. Ang gwapo nga ng mga taga Crimson pero mas gwapo parin mga taga Spring High.
Ang gaganda ng katawan. Muscles na muscles ang labanan.
Nagsimula na silang mag warm up. Ngayon ko lang nakitang gising na gising ang antuking si Cross pati si Zeke na seryoso lagi saka si Cloud. Lahat sila sumisigaw ng authority at lakas ang aura.. Geez! Natahimik ang mga tao sa bleachers dahil sa matinding warm up. Grabe ang follow up nila walang palya kahit lagpasan pa sa line ng 3 points shoot lang ng shoot!
Lalo na pag kay Jake. Jusko kahit gano kalayo o kabilis kahit malakas ang pagkakapasa parang laging sakto sa kamay niya. Shoot pa lagi. Kakabilib!
Si Aelon naman ang galing galing din magshoot mabilis siya kumilos as in! Yung bilis niya grabe!
Lalo na si Aikee nakakatakot siya pag nasa loob ng court.
Buzzz...
Tumunog na ang buzzer hudyat na simula na ng laro.
Nag jamble na sila at nakuha ng Spring High ang bola sa first quarter. Hawak ito ni Cloud saka ipinasa kay Aikee.
Ang bilis ng pangyayari naka three points agad sila. Hawak naman ng Crimson, pero naagaw naman ni Zeke, ang galing di ko nakita kung pano niya na agaw yung bola tapos pinasa niya kay Jake na kahit gano kalayo o kalakas ang pass break nakukuha. Another three points.
Ang ganda din ng depensa nila lalo na si Aelon. Grabehan!
Silang lima---Aikee,Cloud,Zeke,Aelon at Jake ang first five. s**t lang yung combination nilang lima! They're monster pagdating sa court. Hindi makaporma yung kalaban. Si Aikee din ang Captain Ball.
Alam mo kung anime lang talaga sila, baka naniwala akong may emperor's eye tong si Aikee eh. O? Sadyang kaya niya lang kalkulahin ang kilos ng kalaban kaya nasusupalpal niya ito.
Magaling si Cloud sa pass break. Pulido ang bawat pagpasa nito. Si Aelon sa depensa at rebound, si Jake sa puntos, si Aikee sa strategy. Ang bilis nilang lahat kumilos.
Alam mo sa sobrang taas ng imaginations ko pakiramdam ko nag aapoy mata nila e. Pati bola. Napakainit ng laban. Hindi man lang makapuntos ang kalaban kahit isa o dalawa.
Labin limang minuto nalang bago matapos ang first quarter at ang score?
Tumataginting na 44 - 0
Spring High - Crimson High
Pero magaling din ang Crimson High dumepensa kaya lang sabi ko nga monster ang lima kaya wala silang magawa.
Pabor na pabor ang laro sa Spring High.
Panay ang cheer ng mga taga Crimson High ng "DEPENSE! DEPENSE!" gigil na gigil na ang mga ito dahil sa agwat ng laro.
Habang kaming taga Spring High tahimik lang. Parang normal na sa paningin ng lahat ang nangyayari. Ganito ba talaga sila lumaro?
Partida malinis ang laro nila ah. Ganyan na.
Nagtawag ng time out yung coach ng Crimson bago maubos ang sampong minuto.
Tapos nag simula ulit ang game. Nagulat ako ng may isang pagkahawak sa bola shinoot agad. Luckily naka three points siya agad. Crimson High yun.
Kaya ang score 58 - 3
In favor of Spring High
Tapos kumilos na naman sila Aikee. Nagdouble team sila dun sa nakashoot silang dalwa ni Cloud ang nagbantay. Si Jake ang panay ang puntos.
Hindi na nadagdagan pa yung score ng Crimson High. Tapos sa last minute naubos lang dahil di sila makaporma sa depensa ng Spring High.
Nung matapos ang first quarter doon lang nagkaingay ang Spring High. Mga baliw!
"AIKEE! Walang palya! Ang galing mo!"
"KYAAAHHH!! Ang galing talaga ni Prince Jake!! OMG! Lalo na yung rebound ni Aelon! WAAAHHH!"
"Ang galing galing nila Prinsipe Cloud at Zeke! Yung pass break! OMG saka yung depensa! Pulido! KYAAH!"
Nagwawala na naman mga fan girls nila. Karindi.
Nagpahinga muna yung mga player. At nag usap narin about sa tactics sa second quarter.
Grabe yung feeling. Eto yung game na gusto ko. Mala NBA at PBA lang as in ramdam mo yung goosebump eh.
Napanganga ako nang gumala ang mata ni Aikee at huminto ng makita ako. Ngumisi ang mokong. Sabay irap. Langya? Seryoso ba siya? Muka siyang bakla! Grrr!
"Ano yun? Hahaha. Ang cute talaga ni Aikee no. Ikaw inirapan niya?"natatawang sabi ni Jara. Napaismid nalang ako. Kainis.
Napansin ko pang napalitan ng ngiti ang ngisi niya.
"Wow. He's smiling. Himala."ani Shee na nalunok pa ang candy. Natawa naman si Jara at hinimas ang likod ni Shee.
"S-Shit.."
Natawa nalang ako.
Jake- 35
Aikee- 30
Aelon- 15
Cloud- 15
Zeke- 15
Nung magbuzz. Ayan nanaman yung kaba ko. Parang may kakaibang mangyayari ah.
Si Xander, Xavier, Rosh, Ziegler at Cross ang lalaro. Ang cool ng settings ng player.
Sa kabila ang bola. Hindi parin nila kinaya ang depensa ng Spring High kahit opensa. Naging mas mabigat ang labanan. Hindi nanaman makapuntos ang kalaban.
Sa batch na to, si Xander, Cross at Xavier ang magaling pumuntos
Kaya ang kinalabasan 165 - 25 yung score may labin limang minuto pa.
Sumunod na nascore sila Rosh at Ziegler. Pero magaling si Ziegler sa slamdunk pag nasa ilalim ng ring sa rebound sila ni Rosh.
Nagkakaroon na ng dayaan. Nagiging pisikalan na ang pang laban ng kabila. Kaya nakakapuntos sila. Madadaya!
"Ang daya nila!"inis kong sabi.
"Chill ka lang. Malakas ang Springians."ani Jara sa kumpyansang tono. Tumango ako.
Sa inis ni Ziegler at Cross ayun ang score umangat ng umangat kinawawa nila yung sa kabila kaya lang nagkainitan.
Nabalian si Rosh ng kabila. Kaya nagkaroon ng Time out bago mag five minutes.
Pinalitan ni Nathan, yung boyfriend ni Jara si Rosh. Kaya naasar namin itong katabi ko.
"Ayiee.."namula naman ang luka. Haha.
Magaling si Nathan. Hindi na nakaporma yung kabila nung makapasok siya.
Nakapuntos pa siya ng anim bago matapos ang second quarter.
Nagkaroon ng mahabang break dahil sa nakakagutom na talaga anong oras na din grabe. Parang laban lang gsw at cavs ah. Ang init ng laban sarap manood!
Dinala naman agad si Rosh sa hospital dito sa school. Nakalimutan kong sabihin. Kala ko kasi kung ano yung building sa dulo. Hospital pala. Ang cute lang.
Lumabas muna kami nila Jara para kumain. Gutom na gutom na kasi talaga ko.
Narinig ko pa yung sagot ng mga mokong sa tanong ng paparazzi at taga Crimson High na mga babae.
"We play basketball not feelings."- Section B
"Nice naman, nakakakilig naman ang mga kabataang ito."kinikilig na sabi nung reporter.
Tapos yung sa mga babae naman..
"hindi naman siguro kayo fuckboy no? Baka mamaya paasa din kayo?"bitter na sabi ng mga ito. Humalakhak naman sila. Sabay sabing.. "Basketball player po kami. Hindi Fuckboy at mas lalong hindi paasa!"- Section B
Halos sabay sabay kaming napatampal sa noo ng dalwa kong kasama.
"MGA SINUNALING TALAGA!"sigaw namin pagkalabas. Tapos sabay sabay kaming natawa kasi for sure di naman kami narinig.
Matapos ang mahabang break. Nagsimula ang third quarter nang sila Chester, Ark, Lance, Ashton at Kleift ang lumaro.
Sinong mag aakala na ang score ay aabot ng 300+? Jusko lang. Di naman sila galit na galit sa laro no?
Katakot kalaban sa basketball eh. Grabe yung rebound ni Chester, yung block ni Ashton at Kleift at yung mabilis na pass break ni Ark at three points ni Lance.
Ang galing talaga ng combination ng mga player ng Spring High. Sobrang laki ng agwat eh. Kumbaga dapat dito sa game hinihinto nalang. Kasi alam na kung sinong panalo. Kaya lang makulit ang taga Spring High walang kapaguran. Gusto daw nila makalaro sila lahat.
Sa Fourth quarter si Aikee, Aelon, Jake, Zeke at Cross ang lumaro. Natapos ang game ng 884 - 81 score langhiya!
"See. Halimaw sila sa court. Katakot takot na laban."wala sa sarili akong napatango.
"Si Rosh kaya kamusta?"tanong ko nalang.
"Magiging ayos din yun. Yun pa. Happy go lucky pa naman yun."ani Jara habang nahigop sa frappes.
"siguradong alalang alala ang Section B dun. Hayy. Bakit kasi may mga player na mahilig mandaya kapag gipit na. Tss. Kaya lalong natatalo e."ani Shee saka sumubo ng piattoz.
"Hayy. Kawawa naman si Rosh. Makakalaro pa kaya siya? Di naman siguro malala yung nangyari sa paa niya no?"
"Hindi yan. Gagaling din yun. Kaya lang siguro matatagalan. Buti nga hindi nabaliko e. Hays."napatango nalang ako.
Pagdating ko sa dorm agad akong nahiga sa kama. Di na ko nakapagpalit dahil nilamon na ko ng antok.