Buong maghapon lang akong nakatunganga dito sa kwarto ko. Nakakatamad kasing lumabas wala din naman akong gagawin kaya kahit na maraming libangan gaya ng Quantum sa loob mismo ng Spring High hindi nako nag abalang lumabas. Tapos ko na din naman gawin ang mga assignment namin kaya nganga na talaga ko ngayon.
Halos maubos na rin ang isang garapon kong stick-o dahil ito ang napagdiskitahan kong lantakan.
Ano na?
Sabado ngayon, pero mas ayos pa ata kung may pasok maabala akong makinig maghapon kay Ma'am Jessa.
Cringg.....
Agad kong kinapa ang mobile phone ko at sinipat ito bago sinagot ang tawag.
Si Jara pala natawag..
Bakit kaya?
"Hello?"
"France! Alam mo bang tuwing sabado at linggo nalabas ng school ang labing apat? Para sa kaso na inaassign sakanila!"nakuha ni Jara ang atensyon ko sa nabanggit niya.
"Really? Pero..diba bawal lumabas ng school?"taka kong tanong dito. Habang nanguya ng stick-o.
"sa lagay nila pwede sila lumabas. May pahintulot ng government. Ang swerte nga nila e pero at the same time delikado din ang buhay nila. Biruin mo sa murang edad detective sila. At di lang basta basta ang kaso na hinahawakan nila!"exaggerated nitong pahayag.
"Sinabi mo pa. How come? Ibig sabihin kilala sila? Outside?"
"YEAH! Sobra! Hindi lang sila dito kilala maging sa labas. Marami na silang natulungan e. Saka diba nga umabot ng mahigit isang daan ang kasong naresolba nila."
"Hayyy! Ang boring. Buti pa sila andaming pinagkakaabalahan!"reklamo ko.
"Section B ka naman e. Why don't you join them? Pwede naman siguro kasi kasali ka sa Section B?"suggestion nito.
"Wag na, I'm no good. Hindi ko din kaya makakita ng corpse. Baka mahimatay pa ko. May hemophobia pa naman ako. Mabuti nga last time hindi e. Pero dati kasi kahit sarili kong dugo nagpapanicked nako. Hays."katwiran ko. Nagkuwentuhan nalang kami hanggang sa doon na umikot ang oras ko. Nanood nalang din ako ng anime saka nagbasa ng story sa mga librong hiniram ko sa library.
Kinabukasan..naisipan ko ng lumabas. Napapunta ako sa garden bitbit ang sketch pad ko.
Bawal kasing kumain dito. Kakaibang garden right? Ewan ko basta bawal daw kumain kasama sa school book yun. Sa rules and regulations, my bad.
Naglibot muna ko sa malawak na garden. Napansin kong puro cherry blossom tree ang nakapalibot dito saka tulips at roses.
May artificial fountain din at green lake. May tulay pa nga na nagdudugtong sa magkabilang bahagi ng garden. Ang cute lang.
Naupo ako sa may East side, kung saan may malagong Cherry Blossom tree. Sumandal ako sa katawan nito at nagsimulang magdrawing.
Naisipan kong idrawing yung itsura ng nasa harapan ko. Ang lake, ang mga bulaklak at ang langit.
"you know how to draw huh? Not bad.."nawala ang focus ko nang may marinig akong boses. Langya! Ito talagang taong to ang hilig magpasulpot sulpot.
"Cloud?"naupo siya sa may kabilang puno at pumikit. Inaantok ata.
Pinalitan niya na ba si Cross sa pagiging antukin?
"This is my sanctuary, welcome to Cloud Garden.."aniya saka nagmulat ng mata at lumingon sa gawi ko. He's fuckin' handsome! Muka siyang greek god na taga pangalaga ng kagubatan!
Tumango ako at marahang ngumiti. Dumiretso na siya ng tingin at pumikit.
Naisipan kong siya nalang ang idadrawing ko. Ang ganda kasi ng background.
Hindi na naman ito nagsalita. Kaya kinuha ko ang tyansang iyon para iguhit siya. Mabini ang simoy ng hangin kaya hindi ako nakakaramdam ng init kahit na may araw.
Snob talaga siya.
Dumating si Aikee na may dalang pusa sa balikat. Nagtaka pa siya kung anong ginagawa ko doon.
Buti nalang tapos na kong magdrawing. Ang ganda nga ng pagkakaguhit ko e. Kuhang kuha ko si Cloud.
"Ginagawa mo dito?"tanong nito sa masungit na tono. Hindi ko siya kinibo at inunahan ko na siya sa pang iirap. Hmp!
Ang cute ng alaga niyang puting pusa. Kamuka ni Garfield pero balbon ito. Tapos kulay blue ang mata.
"Meow.."
Wala sa sarili akong napangiti ng batiin ako ng pusa niya. Inirapan naman ako nito at nagtungo kay Cloud.
Tumalon ang pusa niya at lumipat sa balikat ni Cloud. Dahilan kaya nagising ito.
"Ikaw pala, Meteor.. Aikee anong meron?"baling nito sa mag amo. Ang cool ng name nung pusa... Meteor..
"may panibagong kaso. Natagpuan ang isang lalaking estudyante na taga Section A sa field na nakahandusay. Basag ang bungo nito."
"Nasimulan niyo na ba ang investigation?"tanong ni Cloud at marahang tumayo.
"Yeah, tara na. Hahanap na tayo ng pruweba. Pero may hinala na kami. Kailangan lang ng mas matibay na ebidensya."anito sa seryosong tono. Hinagod naman ni Cloud ang ulo ni Meteor na naglalambing.
"Hey! Teka. Pwede ba akong sumama?"pakikiepal ko. Inirapan naman ako agad ni Aikee sungit. Tumango lang ni Cloud bilang pagpayag.
"No. Hindi pwede ang asungot doon."ani Aikee na nagsusungit nanaman. Hayop na to!
Nang aaway nanaman di ko naman inaano.
"Sige na, di naman ako mang gugulo."pangungumbinse ko. Sana naman. Inirapan lang ako nito. Nagulat ako nang tumalon sakin si Meteor nagpapakarga. Ang cute cute talaga!
Agad ko itong niyakap at hinagod sa sobrang gigil ko nahalikan ko pa ang ulo. Ang lambing lam---
"Akin na nga si Meteor, baka mavirusan pa."maarteng turan nito at inagaw sakin ang pusa niya.
"Meow"
Natawa naman si Cloud samin. Himala ah. Natawa ang ulap.
Inismiran at sinamaan ko nalang ng tingin ang antipatikong Aikee.
"Sungit!"di ko napigilang asar dito. Nang irap lang ang mokong.
Porket bagay sakanya mang irap dahil gwapo siya at may mahabang pilikmata na mapungay. Akala mo laging inaantok tapos brown eyes pa na akala mo nagsspark ang lakas ng loob mang irap lagi. Ginagawa niya din kaya yan sa mga kaibigan niya?
Nakalabas kami nang garden ng walang naimik. Nakasalubong pa namin si Jake na kasama si Aelon. Bitbit ni Aelon ang laptop niya habang ang alaga nitong aso ay nasa unahan nila.
No way...
Masama ang tingin nito sakin.
Pero nagulat ako ng tumalon si Meteor mula kay Aikee at umakyat sa balikat o likod nung aso.
Doon ito umupo. Kumalma naman ang aso at di na nagalit. Did he talk?
Nababaliw na ata ako sa naiisip na mag uusap ang aso at pusa pero ang hiwaga e.
Tapos ayun, hindi na nagalit. Binati naman ako nang dalwa.
"Oh? France.. Good morning.."tumango ako at ngumiti.
"Goodmorning din,Jake.. Hello Aelon.."bati ko sakanila. Nag angat ng tingin si Aelon at ngumiti.
"Hi, France."tipid nitong usal. Tingnan mo tahimik talaga siya.
"Nagkataon lang ba na magkakasama kayo?"tanong ni Jake sa kasama ko. Tumango si Cloud. Nag iwas lang ng tingin ang masungit.
"nakuha ko na ang cctv footage kung saan nagpunta si Rico nang nagdaang mga oras. Pabalik balik siya sa science lab. At sa tuwing lalabas siya doon lagi siyang may pasa."ani Aelon. Ang haba talaga ng sinasabi niya pag about sa case.
"Now, kailangan nalang nating puntahan ang science laboratory para sa karagdagang impormasyon. Tara na."aya ni Aikee sungit. Tumango ang lahat. Pati ako napatango.
Sumama ako sa kanila. Nagulat pa nga si Jake at Aelon. Si Cloud na snob parin. Si Aikee na nagpaliwanag.
"Gusto niya sumama. Let her be."walang ganang saad ni Sungit.
Wala na kaming inaksayang oras dumiretso na kami agad sa Science laboratory.
Nasa ikaapat na palapag iyon ng Spring High building na may nakalagay na SCIENCE DEPARTMENT.
Kasama parin ang aso ni Aelon na si Leo at pusa ni Aikee. Nagulat ako nang bigla itong bumaba mula kay Aikee at may inamoy amoy sa daan. Ganoon din ang ginagawa ng K-9 na aso ni Aelon.
Tapos sabay na sabay pa silang tumakbo papasok.
Kami naman agad sumunod sa dalawa. Nakakagulat lang na huminto sila sa may tapat mismo ng elevator na para bang tao.
Pinindot agad ni Aikee ang button at sabay sabay kaming pumasok nauna lang si Meteor at Leo.
Ang cool ng dalawa. Geez.
Nang muling tumunog ang elevator mabilis kaming lumabas at tinakbo ang distansya ng laboratory.
Pag bukas neto, wala kaming makitang kahina hinala. Nagsimula na ding mag amoy amoy ang dalwang alaga.
"mukang mahihirapan tayo dito. Walang pruweba o mintis man lang.."wala sa sarili kong sabi.
"No.. Meron.."sabay sabay kaming napalingon kay Jake na nakangisi na ngayon. Nakatingin siya sa mga gamit sa loob nang huminto ito sa mga bookshelf na may nakalagay na Student at Professor Files nahagip ng paningin namin ang isang envelop na hindi naka ayos ang pagkakalagay. Para bang basta nalang itong sinalpak o di sinadyang ilagay doon.
"According to Zeke investigation at sa cctv footage na nakita ko merong envelop na dala lagi si Mr. Mikagi.."kumuha agad ng gloves si Aikee sa laboratory at kinuha yung envelop.
Nang buksan niya ito. Halos magimbal kami sa mga litratong nakalagay sa loob. Pati ang isang kapirasong papel.
"The suspect is a multi killer.. He's a f*ckin' psycho.."mura ni Aikee.
"Dang!"napakamot sa ulo si Cloud sa nakitang mga larawan.
Hindi lang mga hayop ang pinag eexperimentuhan nito maging ang mga tao. Estudyante mismo..at tao na taga labas ng Spring High.
"what's with the piece of paper? Aikee?"tanong ni Jake..
Pagharap ni Aikee sa nakatalikod na papel ay lahat kami napatitig dito.
ZIGFIL UFHSRNLGL
"What's that?"tanong ko.
"Code."pamimilosopo ng buset na Aikee. Inirapan nanaman ako nito. Inismiran ko nalang siya.
"Anong code kaya to? Simulan na natin idecipher."ani Jake sa seryosong tono. Lumabas na kami ng laboratory at nagtungo sa Student Council Office na mukang mansion.
Dumiretso kami sa Auditorium..
"Is this an alphabet code? Ano sa tingin niyo? O kaya keyboard code?"tanong ni Jake sa mga kasama.
Saktong dating ni Xander bitbit ang listahan ng assign faculty sa laboratory..
Sinipat agad to ni Aikee at Cloud..
Dra. Ashley Mendez
Dra. Amy Aragon
Dra. Remisnice Arcan
Dr. Theodore Huchinson
Dr. Roque Miguel
Dr. Arman Riguel
Dr. Thomas Hammer
Dr. Zigmund Filemon U. Srenlegalia
Dr. Zig Fild Uhsranlaguliam
"What the hell? Hindi kaya parang puzzle to? Yung abbreviations ng buong pangalan ng psycho killer? Tipong fill in the blank?"tanong ni Jake..
"Sa tingin ko hindi. Alphabet code talaga to. Subukan natin.."ani Aikee sa seryosong tono.
Naubos ang halos kalahating oras sa pagdedecode nila.
"I knew it!"masayang sambit ni sungit. Wow! Siya na ang genius sa code. Kahit na ba inabot siya ng 30 minutes.
"the psycho killer is.."
Hindi niya dinugtungan kaya dismayado kami. Bigla nalang siyang nagyaya samin na lumabas na at dumiretso sa pinangyarihan.
"Dang it! Why don't you tell us?"iritang sambit ni Jake.. Tumawa lang ang masungit.
"I get it.."walang habas na saad ni Zeke. Another genius.
"Hindi ko matanggap. Ngayon lang ako hindi nakapag crack ng code."reklamo ni Jake. Nagtawanan naman sila Aelon.
Nakarating kami sa field nang mas maaga. Kesa sa usapan nila. Pinagcompile na ng mga boys ang ebidensya.
"Bring the list of doctors or professor in Science here.."utos nito kina Rosh na agad namang sinunod.
Makalipas ang labin limang minuto kumpleto sa listahan ang mga prof.
Kinausap muna ni Aikee sila Cross at Xavier...bago bumaling sa mga suspect.
Umalis naman sila Cross.
"let's start the show.."aniya sa nakakalokong tinig.
Tapos na din kasing interviewhin nila Cross ang mga iyon. Kumbaga pinagbreak lang sila dahil ginagawa pa ang investigation.
"Rico is one of the science geek in this school. Madalas siyang manalo sa mga Science Quiz Bee. Lalo na pagdating sa quantum physics. Sabi ng mga saksi madalas masaya ang estudyante kapag napupuri ni Dra. Aragon. Madalas naman itong upset kapag napapagalitan ni Dra. Mendez. Ganoon din ni Dr. Hammer at Uhsranlaguliam.
Pero mas madalas nilang makita si Rico kasama si Dr. Srenlegalia minsan lang naman niya makausap si Dr. Riguel at
Miguel. Samantalang si Dra. Arcan at Huchinson ay ang matiyaga niyang tutor. Si Dr. Hammer naman ang madalas pagcheckin nito ng experiment niya. May taglay na kakulitan at pagiging usisero si Rico. Kaya madalas mainis ang sinumang Dr. na nagtatiyagang makipag usap sakanya."nakahawak na ngayon sa sentido si Aikee habang nagsasalita at nagpapabalik balik ng lakad. He's so cool. Damn it! Ang gwapo niya magsalita!
"Pero hindi ko akalain na aabot sa pananakit. Rico died because of a punch. Sa ulo mismo kaya may crack ang bungo nito. Akala namin injury case ito. But we're not. Napag alaman namin nung nagtungo kami sa mismong science laboratory na.."patuloy nito habang nakabaling sa mga Doctor.
"He died because of an experiment. Nakitang may tahi ang gilid ng tyan ni Rico. Kung titingnang mabuti aakalaing may sugat lang siya dahil hindi ganoon kalaki pero sapat na yon para malamang kinuhanan siya ng kidney at pinag experimentuhan. 80% probability na ang gagawa non ay katulad niyong doctor.. Kaya lang.. Psycho! Ang may gawa nito!"lahat kami nagimbal sa sudden outburst ni Aikee maging ang mga Doctor na ngayon ay di malaman kung guilty o ano.
"Don't worry isa lang ang salarin. Yun nga lang mabigat ang parusang kakaharapin niya. Dahil hindi lang si Rico ang pinag experimentuhan at pinatay niya.."lalo pang nagulat ang mga Doctor kahit ang mga nakikiusyoso ay nagimbal sa narinig. Sino bang hindi? Multi killer ang salarin!
"may ebidensya kaming nakuha."lumapit si Jake at pinakita lahat ng larawan ng biktima. Halos mapasinghap lahat ng nakakita noon.
"May nakuha kaming code. Its an alphabet code.."dagdag pa ni Aikee.. Si Cloud naman ngayon ang lumapit.
" ZIGFIL UFHSRNLGL "
Umikot siya at humalukipkip. "sa tingin niyo sino ang salarin?"anito sa seryosong tinig.
" Dr. Zigmund Filemon U. Srenlegalia " kanyahang sambit ng mga suspect.
"o kaya si Dr. Zig Fild Uhsranlaguliam" sila ang tinuturo ng mga kapwa doctor. Hindi ko alam kung bakit may pakiramdam ako na wala sakanila.
Napansin ko kasing ngumisi siya..
Ang isa sa suspect nang yumuko ito.
"the answer is no."nagimbal nanaman sila sa sagot ni Aikee.
"Why?! Anong hindi? Sila naman talaga o isa sakanila."ani Dra. Mendez. Nakatanggap tuloy siya ng tumataginting na irap ni Aikee. Hays.
"As what I've said base sa alphabet code ang nakita naming code. Yun nga lang.. Atbash ang ginamit.."aniya saka minasdan lahat ng suspect.
"according to the Atbash code it is just the alphabet backwards. For example A would equal Z.
A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z
Z Y X W V U T S R Q P O N M L K J I H G F E D C B A.. Now think about the possibility.. Who do you think is the killer?"maangas na turan nito. Sandaling nag isip ang mga suspect pati mga pulis ay napaisip din. Kahit si Inspector Ishikawa.
"Arturo Fushimoto! Dr. Arturo Fushimoto is the multi killer."tamad na saad ni Zeke. Halos maout balance si Dr. Arturo sa pag aakalang sila Dr. Zig ang mapapagbintangan.
ARTURO FUSHIMOTO
ZIGFIL UFHSRNLGL
"That's right. Kaya dakpin siya."balak na sana nitong tumakbo nang humarang sila Ziegler. Nahuli siya ng pulis.
"WHAAT?! Hindi ako! H-Hindi!"pagtanggi nito.
"Sad to say. Marami kaming nakuhang ebidensya sa mismong office at kotse mo."ani Cross. Saka inaantok na naglakad paalis.
Tumataginting na
"CASE CLOSED" nanaman po.