SB 7

2421 Words
"group yourself into three.."utos ni Ma'am Jessa, kanina pa nagsisimula ang klase sa MAPEH at heto na po ang groupings. Kainis. Napalingon ako sa paligid.. Rosh-Ark-Chester Lance-Xander-Xavier Ziegler-Cloud-Zeke Ashton-Jake-Cross Halos lahat sila may kagrupo na. I was stunned nang pagtingin ko sa likod dalwa silang nakatayo. Aikee-Aelon-Ako? Nagulat ako sa dalwa. Anong nakain ng mga to. Nung tingnan ko si Aelon nginitian lang ako nito. "pwede ka ba naming maging kagrupo?"aniya sa nahihiyang tono. He's so cute! Ang sarap lang iuwi! Mygesh! "Yup!"masaya kong turan. Tumango naman siya saka naupo sa tabi ko. I was waiting for Aikee to say something pero nung lumingon sakin ay inirapan lang ako. Yung totoo? Binubwisit nanaman ako ng unggoy na ito! Padarag siyang naupo sa tabi ni Aelon. Sinamaan ko siya ng tingin at ganoon din siya sakin. "Now, lahat meron ng kagrupo? Lets start with music.."diniscuss na ni Ma'am Jessa yung topic namin. Its about instrument. "I know how to play guitar.."tamad na usal ni Aikee. Wow! Marunong siyang mag gitara! "di halata!"komento ko. Dapat sa isip ko lang yun e. Hays. "Tss."sabay irap nanaman sakin. Sinimangutan ko nalang siya. Lecheng to. "me, piano."napangiti ako nang si Aelon ang magsalita. Ang cool talaga niya! Bagay sakanya ang piano. Pang good boy! "Akin, drum!"sambit ko na nginitian lang ni Aelon. "That's cool, France.."puri nito pag kuwan.. "Tss." Inirapan nanaman ako ni Aikee. "anong tutugtugin natin?"tanong ko sakanila. Sabi kasi ni Ma'am Jessa kelangan naming magperform sa friday. Two days from now. Ano kayang magandang kantahin? "Aikee know how to sing. Marunong din naman ako. Kaya lang..paos ako ngayon. Saka mas maganda kung kayong dalwa nalang. Marunong ka naman siguro kumanta no?"napanganga ako sa sunod sunod na pagsasalita ni Aelon. Nag iimprove na siya. Muntik nakong mapapalakpak sa tuwa. Agad akong tumango. Kaya lang! Wrong move! Ayoko! Ayoko kasi si Aikee ang kaduet ko! Kadiri! AHHH! Ang malas! Natuwa ako masyado kay Aelon. Nadala sa kakyutan niya! Ayan tuloy! "good. Then. Practice na tayo mamaya."tumango ako. Di naman kumibo si Aikee. At ang kakantahin namin ay.. Hulaan niyo. Hahaha. Gaya ng napag usapan nagkita kita kami sa kwarto ni Aikee. Siya kasi yung may music room. Tapos kumpleto pa sa gamit. O edi siya na music lover! ugh! Genius, Varsity, Detective, Pet lover, Music lover. Ano pa? Edi kinanya na niya lahat! Napanganga nanaman ho ako sa itsura ng music room niya. Maaliwalas saka nangingintab lahat ng instrument. Siya na talaga! Bakit pa siya nagpublic kung mayaman naman sila?! Siguro dahil sikat ang Spring High? Same na katwiran ko? Pansin ko lang halos lahat naman ng Section B laking mayaman. Pero bakit dito sila pumasok? "Done checking my things? Tss."masungit na turan nito saka tinanggal ang headphone. Hinayaan niya nalang tong nakasabit sa batok niya. "make sure na hindi ka palpak kaduet. Baka mamaya boses palaka ka pala. Mapahiya pa tayo at mababa yung score natin. Tandaan mo ito na rin ang quiz natin sa MAPEH wag mo kaming ipapahiya.."masungit na daldal nito. Sinamaan ko lang siya ng tingin. Kaya nakatanggap nanaman ako ng tumataginting na irap. Bagay sa kanya yung IRAP AWARD eh! Kalalaking tao lakas talaga mang irap. "Whatever, sungit!" "C'mon. Let's practice.."napag usapan namin na mag gigitara nalang silang dalwa. Marunong din naman si Aelon mag gitara. Sila na talented. Inayos na nila yung gitara saka nag mic test na kami. "Ehem..." "Ayusin mo!"banta ni Aikee sungit. "Yes! Commander sungit! Tse!"inirapan ko nga. "Kundiman tayo hanggang dulo wag mong kalimutan.. Nandito lang ako. Laging umaalalay hindi ako lalayo.."sabay naming pagkanta. Sa totoo lang.. Ang ganda ng boses ni Aikee. Malamig at pang lalaking pang lalaki ito. Tipong alam mo na talagang gwapo ang nakanta. Sa tono palang e. Dumating yung friday ng sobrang kabado ako. Mygosh! At the same time excited dahil yung mga katunggali ay mga adonis. For sure gwapo ang boses ng mga to. At hindi nga ako nagkamali. "someday I wish that you would know, how beautiful you are.. I can't explain it to you... I wish I had more guts. I love the feeling when we touch, it's so magical..."gosh ang galing ni Xander.. OMG! Ang gwapo gwapo ng boses husky pa! Nakakilig! Si Ma'am Jessa nga napapangiti e. Pero nagulat ako nang sakin lang bumaling si Xander.. "Someday I'll be ready just to show you my true intentions, my love can you wait for me? I'll give you the proof that you require.. Tell me its not too late, can you wait for me?"si Xavier naman ngayon! Geesh! Sobrang galing nila. Ang gwapo gwapo ng boses.. Nakakainlove! "I'm shaking just by the sight of you.. How the hell did I end up here?"sabay sabay sila kasama si Lance. Ang galing nila. Nakakaiyak! "do you know what's worth fighting for? When its not worth dying for?"halos mapanganga ako nang kantahin nila Rosh yung favorite song ko! Like OMG! Ang lamyos ng boses nakakatulala! Sila Cloud, Zeke at Ziegler ang sumunod. Guess what?! Nakakaloka din ang galing nila! "Because tonight will be the night that I will fall for you over again. Don't make me change my mind."kyaahhh! Nakakagimbal pagiging gwapo ng boses ng mga ito. "because a girl like you is impossible to find.."diretsong tingin ni Cloud sakin.. Ang lalim ng boses pero magaling! As in maiinlove kahit sino makarinig.. Bakit ba sakin lagi sila natingin? Mygosh! "I'm staring at the glass in front of me. It is half empty. Have I ruined all you've given me? I know I've been selfish.. I know I've been foolish. But look through that and you will see. That I can do better. I know.." Cross is really handsome pero sinong mag aakala na mas gwapo pa ang boses neto. As in. "I can do better. I listen to your breathing amaze how I somehow managed to?"si Jake naman ang kumanta. Ang cool din ng boses niya. Kyaahhh! "Sweep off of your feet girl your perfect little feet girl.."waahhh! Yung playboy looks! Tapos yung boses na pang playboy dahil sa kagwapuhan! Kay Ashton yan!! "If you leave me tonight. I wake up alone. Don't tell me I will make it up on my own."bumaling sakin si Cross. Luh anong meron? "Don't leave me tonight. Don't leave me tonight." Sabay sabay na silang kumanta. Napapalakpak si Ma'am Jessa at pinuri ang mga mokong. Ngayon kami naman! "Para kang asukal..sintamis mong magmahal..para kang pintura buhay ko ikaw ang nagpinta.." Sa intro si Aikee ang kumanta. Waahhh! Bakit ganyan ang boses niyan?! Parang mas lalong gumwapo! Ayaw patalo! "para kang kumot pinapainit mo ang aking tyan. Para kang unan na kayakap sa tuwing ako'y nalulungkot.. Kaya't wag magtataka kung bakit.. Ayaw..kitang..mawala..."punong puno ng emosyon yung pagkakanta niya. Natahimik si Ma'am Jessa pati ang mga unggoy. Hindi ko alam pero parang nagririgodon ang puso ko. Hinahaplos ng boses niya ito.. "Kung hindi man..tayo..hanggang dulo wag mong kalimutan..nandito lang ako..laging umaalalay..hindi ako lalayo...dahil ang tanging panalangin ko ay ikaw.."sabay na kaming kumanta. Nakatitig sa mata ng isa't isa. Para bang kami lang ang tao at di alintana ang paligid.. Lalo yatang nagwapo sa paningin ko ang isang ito. Anong nangyayari? "di baleng..maghapon mang umulan..basta't ikaw ang sasandalan liwanag nang lumulubog na araw kay sarap pagmasdan.. Lalo na kapag nasisilayan ang 'yong muka.. Ayoko ng magsawa. Hinding hindi magsasawa sayo.."tinuloy niya ang kanta hanggang sa matapos namin. Pumalakpak silang lahat. "parang may hugot ah."nagtawanan lahat sa sinabi ni Rosh maliban samin ni Aikee. Napaiwas kami pareho ng tingin sa isa't isa. PE namin ngayon. Sa volleyball ako sumali. At dahil july palang naman. Puro exercise pinapagawa samin. Puro mga warm up. Saka quizzes namin depende sa kung anong tinuro samin ngayon. Essay muna. Nagulat ako nang tamaan ako ng bola ng basketball sa ulo. Darn! San galing yun?! Ang sakit. Everything went blank.. Nagising ako dahil sa liwanag. Nahihirapan pa akong imulat ang mata ko. Kainis. Sa unti unting pag aadjust sa liwanag. Halos manlaki ang mata ko dahil three inches away nalang ang muka ni Aikee sakin. "WHAT-THE-HELL?! Anong ginagawa mo?!"bulyaw ko sakanya. Maging siya ay nagulat din kaya nanlalaki ang mata niya. Napansin ko ding namula ang tenga niya. Maging sa leeg. "W-WALA. I'm just checking on you. Ako ang nakatama sayo ng bola."nung mabanggit niya yung bola literal na umakyat nanaman sa ulo ang dugo ko! Sa galit! "Damn you! Ikaw pala ang salarin!"napaayos ako ng upo dahil sa inis ko sa unggoy na to. Inirapan naman niya ko pero halata mong guilty. "wala man lang bang sorry dyan?"inis kong usal. Kapal talaga eh. Di marunong magsorry! "Hell no. Dyan kana nga."iritable nitong sabi at walang ano ano'y umalis na. Napasimangot nanaman ako. Buseeet! "Madapa ka sana!"hindi ko alam kung bakit. Pero nakita ko nga siyang madapa. Kaya tawa ako ng tawa. Hahahaha! Karma is a b***h. At walang pinipili. Dali dali siyang tumayo at nilayasan ako. Pikon! Hahaha. Napadpad ako sa library. Dahil gusto kong manghiram ulit ng libro. Naisipan ko ding doon nalang basahin. Para may aircon. Hahaha. Then. I found the sleeping prince. Naka ub-ob ang ulo nito sa lamesa. Hindi siya sinisita ng librarian dahil sa special ito. Siguro ito ang favorite place niya? Umupo ako sa kabilang table para di ko siya maistorbo. I was shocked nang magmulat eto ng mata. Ang itim na itim nitong mata ay nakabaling sakin. Napakurap-kurap ako sa biglaan nitong pag ngiti. Hindi naman ako namalikmata no? Ngumiti talaga siya?! Ang gwapooo! "mahilig ka din palang magbasa."aniya sa seryosong tinig pero halatang inaantok parin. Lagi ba siyang nagpupuyat? "Yeah. Wala kasing magawa."sagot ko..minsan lang ako kausapin nito kaya sulitin na. Tumango siya at lumipat ng pwesto.. At sa tabi ko pa.. Binasa niya yung title ng book. "CUPID'S HEART. Sound interesting mahilig ka sa romance..hmm."nahihiya akong tumango sakanya. Then ayun. Nakibasa siya. Sabay kaming nagbasa. Medyo ilang ako kasi ang gwapo gwapo niya. Ang bango pa! Minsan napapangiti siya dahil sa nababasa. "The girl is really interesting.. She have the personality I like.. I don't know why. Pero she's a one lucky girl. Cupid which is Noah, Zyriesh given name is cool. Sa tingin mo magkakatuluyan sila?"napatingin ako kay Cross dahil kinakausap ako nito. "Hindi ko alam. Bakit na kay Noah na agad tayo? Diba nasa match making palang tayo."napanguso ako. Ang advance niya talaga mag isip. Nagbibigay na siya agad ng hint. Siya ba ang author? "just my hypothesis..pero who know? Malay mo iba pala ang makatuluyan niya. Sabagay, mateless si Zyriesh.."ani Cross. Tumango lang ako. Tama mateless si Zyriesh, an angel who came from heaven and become a human. Hmaestories din ito. Nice. Gusto ko rin magkaroon ng Cupid---katulad ni Noah. Himala ata hindi na siya inaantok. Haha. "Oh? France. Nandito ka pala."bati ni Lance. Nandito kasi ako sa Cafè gusto ko lang magfreshen up. "ay wala. Wala. Nakikita mo na nga e. Haha. Kamusta?"himala ah kinakausap ako nila. As in parang close at nag eexist na talaga ko sa paningin nila. "Pilosopo haha. Halika. Wala akong kasama e. Can you join me here?"aniya saka tinap ang harapan. Tumango ako at lumapit bitbit ang coffee ko. Naupo ako sa harap niya. We talk about random things. Nagawi ako sa pool area nang mabored ako. Wala kasi kaming klase kumbaga vacant. Naabutan ko si Xavier doon. Nagsuswimming siya. Magaling pala siyang maglangoy. Nagpabalik balik siya tapos nang mapagod ay umahon. Wow-Pandesal! Ulalam.. Eenk! Nagmuka akong manyak! Kainis naman kasi tong si baby gray eyes! Ang kanyang katawan ay may abs na walo. Walo ha walo! Alagang alaga! Pati alaga sa baba. Este. Darn it! "done checking me out?"he chuckled. Sinamaan ko lang siya ng tingin saka ako nagmadaling umalis dun. Pakiramdam ko kasi pulang pula na ko. Kakahiya! "hmm? What's wrong? Where are you going?"napalingon ako sa paligid saka bumaling sa taas ng puno ng mangga. Then I found the another prince. Nakain ito ng mansanas. Walang bunga yung puno ng mangga kaya siguro mansanas ang hawak niya. De joke. "Wala. Gusto ko lang gumala."tamad kong sabi. Narinig ko siyang tumawa. Pero saglit lang. "Ingat."aniya. Yun yung sign na kelangan ko na umalis. Gwapo lang kumain ng mansanas. Minsan tuloy naisip ko sana mansanas nalang ako. Ehem! No way! I don't want someone to eat me. Ugh! Napolusyon na ang utak ko mygad! "what's wrong? Are you okay?"napalingon ako sa nagsalita. Si Jake pala. Tumango ako. May hawak siyang libro. Siya na masipag mag aral. Siya na talaga. Nagpaalam na ko sakanya baka kasi nakakaistorbo ako. Balak ko sanang magdrum nalang kaso pagpasok ko naman nandoon si Aelon. Natugtog ng piano. Ang galing niya Cannon D ang tinutugtog niya. Gosh! Umalis na ko agad baka mawala pa siya sa focus. Sisilip sana ako sa court. Saktong yapak ko palang sa pinto may naririnig nakong nagdidrible. Then I found the PMS Commander Aikee sungit. Seryosong seryoso siya sa paglalaro. Tagaktakan na ang pawis. Gwapong gwapo pa rin sa wet look. Ang hot lang tingnan! Omayyygulaayy! Umalis nalang ako dun nagkakasala kasi ang mata ko. Kainis! Kelan pa ko naging manyak?! Sa garden naman si Cloud ang nandoon nagpapakain siya ng mga isda sa pond. Haha. Ang cute. Samantalang si Ark, Chester at Ashton ayun nakikipaglampungan. Kababait talaga. Nung makita nila ko iniwan nila yung mga kasama nila at ako ang dinaldal ng dinaldal. Jusme. "ang ganda mo talaga, France.."ani Ashton. Habang nakalip bite. "oo nga.."usal ni Ark. "Walang duda isa kang dyosa."ani Rosh. Sabay halakhak. Sinamaan ko nalang ng tingin. Abnormal! Buti nalang nanawa din sila este natakasan ko sila. Hinila kasi ako ni Jara at Shee. Kaya lang nagkaroon ng rambulan kaya nagkawalaan kami. "Gago ka! Ziegler!"narinig kong sigaw ng isang estudyante. Sinugod nito si Ziegler pero hindi nakatama. Sumuntok si Ziegler sapul sa muka ang kalaban.. Nadanggil ako ng kaaway niya kaya napasubsob ako sa lupa. Tangina. My precious face.. Ang sakit ng kamay ko. "damn it! Rule no. 1! Never hurt, France."matigas na turan ni Ziegler. Agad ako nitong itinayo at itinabi. Saka siya nakipagsuntukan ulit. This time nakakatakot na siya para siyang Beast makipag away. Bugbog sarado ang kalaban. Dumating pa si Chester. Pinagtulungan nila ni Ziegler yung mga kaaway ni Ziegler. Then ayun sila ang panalo. "Damn. Muntik ng masira ang gwapo kong muka."naiinis nitong sambit matapos tumakbo ng iika ika ng kalaban. "are you alright?"tanong niya. Umiling ako at dinala nila ko sa clinic. Agad naman akong nagamot. Lagi nalang akong nasa clinic ah? Una dahil kay Aikee. Ngayon dahil kay Ziegler. Darn. Pero ang cool ni Ziegler makipag away. Tapos ang gwapo niya magalit dahil nasaktan ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD