Umiiyak ako habang minamaneho ang kotse pauwi. Hindi ko na alam kung paano ko narating ang bahay—parang lahat ay malabo, parang lahat ay gumuguho habang gising pa ako. Ang katawan ko’y pagod. Masakit. Dikit pa sa balat ko ang alaala ng ginawa niya. Pero mas masakit ‘yong nasa loob. Pagkababa ko ng sasakyan, halos hindi ko na mabuksan ang gate. Nang bumukas ito, hindi ko na ininda ang mga kasambahay. Diretso ako sa loob ng bahay, basa ang mga pisngi ko sa luha. Nandoon si Papa sa sala, may hawak na tablet, abala sa pagbabasa. Wala siyang kaalam-alam. Wala siyang kamalay-malay sa bangungot na ibinagsak niya sa buhay ko. “Gia? Anak—” “ANONG GINAWA MO SA’KIN?!” sigaw ko, nanginginig ang boses. Napalingon siya, gulat, agad tumayo. “Gia—” “ANONG GINAWA MO, PAPA?!” muli kong sigaw. Nangin

