Isang linggo na ang lumipas mula nung gabing huli kaming nagkaharap ni Calix. Hindi na siya nagparamdam. Ni isang text, tawag, kahit anino—wala. Sa halip na mabulok sa sakit, ipinako ko ang sarili ko sa trabaho. Maaga akong pumapasok sa Liora pinilit kong maging perpekto. Walang sabit sa presentation, walang luhang puwedeng tumulo. Sa bawat click ng heels ko sa marble floor, inuulit-ulit ko sa isip: Tapusin mo na. Wakasan mo na ito. At iyon nga ang ginawa ko. Pagkabigay sa akin ng abogado ko ng divorce documents, hindi na ako nagdalawang-isip. Pinirmahan ko kaagad. Malinaw ang pirma ko. Malinis. Buo. Gusto kong siya na lang ang huling pumirma. Para sa wakas, matapos na ang lahat. Tinext ko si Lance. "Nasaan si Calix?" "Nasa Manila office ng Rivaxon." Walang tanong, walang paliwanag

