Hindi ko na alam kung anong araw na ngayon. Ang alam ko lang, nasa loob pa rin ako ng hospital room ni Gia, nakaupo sa gilid ng kama niya habang hawak ang malamig niyang kamay. Limang araw na siyang walang malay. Limang araw na ako halos hindi natutulog. Kung makaidlip man ako, sandali lang. Kasi sa bawat tunog ng monitor, sa bawat paggalaw ng katawan niya—nagre-react ako agad, hoping, praying, na magising na siya. Tumingin ako sa wall clock. Alas-tres ng madaling araw. Tahimik ang buong floor. Wala na ring bantay. Tulog na si Ryker sa kabilang lounge. Ako lang ang gising, ako lang ang gising para maghintay. Parang tanga, pero wala na akong pakialam. Hinagod ko ang buhok niya nang marahan. Sobrang putla pa rin niya. Para siyang bibigay anumang oras. "Baby.." bulong ko. "Kung maririnig

