Nasa loob ako ng sasakyan, nakatingin sa malayo habang binabaybay namin ni Ryker ang kahabaan ng Ayala Avenue. Galing kami sa head office. Ilang minuto na ring walang kibuan. Pero hindi ko kailangan ng salita para malaman na sinusulyapan ako ni Ryker sa rearview mirror. Pagod ako—pero hindi lang dahil sa dami ng ginawa namin buong araw. Iba ang bigat ng katahimikan ngayon. “Ysa…” mahinang tawag ni Ryker. “Sigurado ka talaga sa ginawa mo sa Davao?” Tumango lang ako, pero hindi ako nagsalita. Dahil oo—sigurado ako. At the same time, hindi ko rin maipaliwanag ang kirot na nararamdaman ko sa dibdib. Meanwhile… Rivaxon Office, Calix POV “Sir, may urgent update po galing Sarmiento Holdings.” Tumigil ako sa pag-sign ng papeles at tiningnan ang executive assistant ko. “Ano yun?” “Closed na

