Masaya akong naglalakad papunta sa kabilang street. Weekend, maaliwalas ang langit, at sa wakas, may oras na rin ako para makipagkita kay Zoe. Lunch kami sa paborito naming café—panandaliang pahinga mula sa lahat ng stress. Napangiti ako habang binabasa ang message ni Zoe: Zoe: I’m here na, girl! Order na kita ng paborito mong pasta! Natawa ako habang tinatype ang reply. “Wag kalimutan ‘yung lemonade, ha—” Bigla. Isang puting sasakyan ang mabilis na sumulpot mula sa kaliwa. Masyado na akong malapit sa kalsada para umiwas. Mabilis, masyado. Hindi ko na nagawang umatras. Isang iglap lang. Isang malakas na tunog. Metal. Preno. Sigaw. "YSA!" sigaw ni Ryker mula sa likuran ko, tumatakbo siya habang lumilipad ako paatras sa impact. Narinig ko ang kaluskos ng cellphone ko sa sementado hab

