“Ysa,” tawag ni Ryker habang dumungaw sa pinto ng kwarto ko. “Uuwi muna ako sa bahay namin, ha? Nami-miss ko ‘yung luto ni Mama.” “Hmm,” sagot ko habang nakahiga sa kama, nakabalot sa kumot, at may cold compress sa noo. “Sige. Wala rin naman tayong lakad. Magpahinga ka na rin.” “Sigurado ka bang okay ka lang dito mag-isa?” “Ryker, assistant kita, hindi kita boyfriend. Chill.” Napatawa siya. “Akala ko kasi ako na ang emotional support mo sa lahat ng department. Personal, legal, pati psychological.” “Puwede bang pahinga rin ako sa sarcasm mo?” Umikot ako paharap sa sofa, pilit na tinatakpan ng unan ang mukha ko. “Noted po, Boss Ysa.” Lumapit siya sandali, tinakpan ako ng kumot hanggang balikat. “Text mo lang ako if you need anything, okay? Kahit ice cream, kahit kalaban mo sa ML.” “Um

